CHAPTER 84

1088 Words

ILANG beses kong nakagat ang aking pang-ibabang labi habang pasulyap-sulyap kay Jacob na kasalukuyang inaayos ang higaan ko. Kita kasi mula rito sa kinauupuan ko ang loob ng kuwarto kung nasaan siya dahil maluwang na nakaawang ang pinto. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito sa sala habang nakahawak sa aking noo. Ang aking likod naman ay relax na nakasandal sa sandalan ng upuan habang maya’t mayang nagnanakaw ng tingin kay Jacob. Nakabukas ang TV sa aking harapan at naka-flash sa screen ngayon ang paborito kong series ng kdrama. Pero hindi ko naman magawang i-enjoy ang pinapanood ko dahil kay Jacob. Masiyado kasi siyang agaw-pansin! Sinasapawan niya ang abs ni Lee Dong-Wook. Hindi naman siya nakabuhad pero Diyos ko, humahakab naman sa katawan ang suot niyang puting v-neck shirt kaya baka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD