“HI, Louise.” Mula sa screen ng laptop na nasa aking harap ay halos sabay kaming napatingala ni Matet nang marinig ang baritonong tinig na bumati sa akin. “Hi, Matet,” baling pa nito sa aking katabi na ngayo’y may nakapaskil na ngising aso sa kaniyang labi. “Oh, Zeke. Long time no see, ah. Kamusta na?” Gusto kong pingutin si Matet dahil nagawa pa niyang kamustahin ang tukmol na lalaki. “Doing great. . . but not completely happy because I miss someone,” pa-sad boy niyang wika sabay tingin sa akin na muntik ko nang ikatawa nang malakas. Duh! Kadiri kaya? “How sad naman kung gano’n.” Umasta na parang nalulungkot si Matet sa tinuran ni Zeke. Pumangalumbaba pa siya na parang gumagawa ng limang daan. Parang gusto ko na lang tuloy umalis dito para makapag-moment silang dalawa. This is a v

