CHAPTER 6

1961 Words
“IKAW na naman?!” gulat kong wika nang magtama ang mga mata namin ni hellboy. Kung minamalas ka nga naman talaga, oh. Bakit siya pa? “Bakit? Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong galit. Ibang klase ka talaga, Miss Elizalde,” sagot niya na ikinainis ko lalo. Ayos din ano? Sa dinami-rami ng dadating para saklolohan ako, eh talagang itong tukmol pa na ito ang dumating. Siya nga ang isa sa dahilan ng paglalayas ko pero ano at nasundan pa rin ako ng lalaking ’to? May lahi yata itong aso para makaamoy ng tao at bumuntot-buntot. Hanep! Walastik! “I don’t need you, okay? Kaya ko ang sarili ko!” taas-noong ani ko kay hellboy na nakahalukipkip lang sa tabi ng kaniyang sasakyan. Feeling knight-in-shining armor ang bugok. If I know, lampa rin naman ang isang ’to. Napairap na lang ako sa kawalan saka napatingin sa mga lalaking nasa tabi ko na ano mang oras ay puwedeng-puwede kaming paslangin. Hindi sa pamamagitan ng mga baril at kutsilyong hawak nila, kung hindi sa pamamagitan ng mga bulok nilang amoy na humahalo sa sariwang hangin. Nagka-air pollution pa tuloy. Punyemas! Kaybabaho talaga ng mga unggoy na ’to! Pakiramdam ko nasa tabi lang ako ng bundok ng mga basura dahil sa nakangingilong amoy nila. Nakakahilo, sobra! “Ah, talaga ba, Miss Elizalde? Kung gano’n ay mauna na ako. Kaya mo naman pala ang sarili mo. Sige mga kuya, mag-enjoy kayo sa babaeng ’yan. Birhen pa ang butas ng ilong niyan,” nakangisi niyang turan sabay talikod. Nanlaki ang mata ko dahil sa tinuran niya. Pakiramdam ko ay nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking pisngi at ngayo’y umaakyat na rin patungo sa ulo ko. Aba’y walang-hiya ang lalaking ’to kahit kailan. Sira-ulo! Bastos! Walang modo! Nagkatawanan ang mga lalaki sa paligid ko. Tila tuwang-tuwa pa sa narinig nila. Talagang tama ang desisyon kong huwag sumang-ayon sa gusto ni lolo dahil ngayon pa lang, lumalabas na ang pangit na ugali ng bugok na ’to. Ang dalawang lalaki na nakatayo sa aking kanan ay mabilis na humakbang patungo kay Jacob na pasakay na sa kaniyang kotse. Tinutukan siya ng isa ng kutsilyo sa kaniyang tagiliran samantalang ang isa naman ay nanatili lang nakatayo sa tabi nila. Parang bantay kung sakaling pumalag si Jacob at manlaban. “Tingnan nga natin ngayon ang angas mong bugok ka,” bulong ko habang nakatingin lang sa kanila. “Sino’ng nagsabing makakaalis ka na? Holdap ito kaya huwag kang magkakamali ng galaw kung ayaw mong malagyan ng tubo ang tagiliran mo!” sikmat ng isa sa kaniya habang nakatutok pa rin ang kutsilyo sa kaniyang tagiliran—iyong lalaking may dilaw na ngipin at amoy bulok na daga ang hininga. Itinaas ni hellboy ang kaniyang dalawang kamay tanda ng pagsuko niya. Aba’y mahinang nilalang pala itong ungas na ito, eh. Kung makabusina at maka ‘let go of her’ kanina akala mo kung sinong knight-in-shining armor na dumating. Ngayon ay titiklop din naman pala. Kukulubot din naman pala ang bayag. “Okay, what do you need? Gusto niyo ng pera? I can give that to you now,” mahinahong wika ni hellboy. Ibinaba pa niya ang mga kamay at ipinasok ang isa sa kaniyang bulsa. Kita ko kung paanong lumawak ang pagkakangiti ng mga mababahong nilalang sa tabi niya. Mas kapansin-pansin pa tuloy ang ngipin ng isa na kulay dilaw! Hindi pala iyon kulay chesa, kulay ginto na pala dahil sa matingkad na pagkakulay ng dilaw niyon. Tipong kapag nakipaghalikan ka sa kaniya, parang lilipat din iyong dilaw ng ngipin niya sa ngipin mo. “May limang milyon ka riyan?” tanong ng lalaking nakahawak sa akin. Si amoy putok. “Limang milyon? Hello, Mister na may nakahihilong kili-kili. Ang laki ng perang hinihingi mo! Ano’ng gagawin mo sa perang iyon? Ibibili mo ng franchise ng deodorant para mawala ’yang anghit mo?” inis kong singit saka nagpumiglas mula sa pagkakahawak niya. Muling nagkatawan ang mga kasama niyang lalaki dahil sa tinuran ko. Tinapunan pa niya ng nakamamatay na tingin ang mga kasamahan niya. Tili nainis yata si Mister putok. Inamoy nito ang sariling kili-kili kaya feeling ko babagsak na ako sa semento dahil nalanghap ko rin ang amoy ng kili-kili niya nang magtaas siya ng kaniyang kamay. Kinginang kili-kili ’yan. Pamatay ang amoy. Pumuputok-putok! “Utang na loob, kuya! Ibaba mo na ’yang kamay mo kung ayaw mong mamatay tayong lahat dito!” pakiusap ko sa kaniya. Hindi ko na kasi talaga kaya! Hindi ako maarteng tao, pero kung ganito naman ang amoy ng makakasama ko, Diyos ko po, kunin Niyo na lang po ako! “Aba’t napakatalas ng bunganga mong anak mayaman ka,” galit na saad ni Mister putok. Itinaas nito ang libreng kamay at akmang sasampalin ako ngunit natigilan siya nang bigla na lang humandusay si yellow teeth sa sementadong daan. Sinuntok at tinadyakan siya ni hellboy dahilan para mamilipit siya sa sakit. Ang isa namang lalaki ay papasugod na sa kaniya ngunit mabilis na nakaiwas si Jacob. Agad niya itong sinipa sa kamay na may hawak na baril kaya nahulog iyon sa lupa. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ng kalaban dahilan para bumagsak ito. “Sugurin mo! Tulungan mo si Asiong!” utos ni Mister putok na agad na sinunod ng isang kasama nila pati na ng isang nakahawak sa akin. Mukhang si Mister putok ang leader nila dahil kahit halatang takot ang inutusan niya ay sumugod pa rin. Patuloy na pinagsisisipa ni Jacob ang lalaking nakalugmok na sa lupa. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak ni Mister putok ngunit sadyang malakas ito. Kinagat ko ang kamay niya ngunit naubo lamang ako nang malasahan ang pinaghalong pait at alat mula roon. “Aaaaraaayy!” hiyaw niya saka agad akong binitiwan. “Pwe! Kinginang balat ’yan!” ani ko sabay dura. Agad ko siyang tinuhuran sa kaniyang bugok na itlog saka itinulak. “Masakit ba? Buti nga sa ’yo! Magbagong buhay ka, maligo ka!” ani ko sabay karipas ng takbo palayo sa kaniya. Ngunit saktong pagharap ko mula sa kung nasaan si hellboy ay halos mamanhid ang mga paa ko nang makita kong nakatutok sa akin ang baril ng isa sa mga lalaki, samantalang ang isa ay may nakatutok na patalim sa leeg ni Jacob. “Sige, humakbang ka pa nang magilitan ng leeg itong lalaking ’to,” banta ng lalaking may hawak kay Jacob. Huminga ako nang malalim saka tumikhim. Taas-noo akong tumingin sa kanila. “Eh ’di gilitan mo ng leeg! Paki ko naman diyan ’no!” “What the fvck, Miss Elizalde?” Tinig ni Jacob. “Eh, bakit? Tatalikuran mo nga sana ako kanina eh. Aalis ka na nga kanina at ipinaubaya sa mga unggoy na ’to!” sikmat ko sa kaniya saka siya inirapan. Mula sa pagkakalugmok ng dalawang lalaki sa semento ay dahan-dahang tumayo ang mga ito. Lumingon din ako sa aking likuran at nakitang nakatayo na rin ang amoy putok na lalaki. “Walang hiya kang babae ka!” bulyaw niya sa akin saka niya ako sinampal. Pakiramdam ko ay tumigil saglit sa pag-inog ang mundo ko dahil sa lakas niyon. Napaling sa kabilang direksiyon ang aking mukha saka ko nalasahan ang dugo sa aking bibig. “Stop!” dinig kong wika ni Jacob. Biglang may humablot sa buhok ko saka ako sinabunutan. Sa amoy pa lang ay alam kong si Mister putok na ito. “Bitiwan mo ako hayop ka!” sigaw ko pero alam kong walang patutunguhan ito. Nangangalahating oras na kami rito sa daan pero wala pang nagawing sasakyan dito. “Kung sana’y kanina niyo pa ibinigay ang gusto namin at hindi nanlaban sana hindi na kayo nasaktan. Lalo ka na! Ang tapang mo, ah!” ani ng lalaking nakatutok sa akin ang baril. “Eh, sa wala kaming limang milyon! Hindi kami mayaman. Kaya please, pakawalan niyo na kami!” pakiusap ko. Wala nang lugar ang pagmamakaawa ko dahil parehas nila kaming hawak ni hellboy. “Tingnan niyo ’yang loob ng mga kotse nila!” muling utos ni putok. Binuksan nga nila ang kotse ko pati na rin ang kotse ni Jacob. Napapikit na lang ako nang itaas nila ang bag ko. Naroon lahat ang perang inilabas ko kanina pati na rin ang mga credit cards at atm ko naroon. Mula naman sa sasakyan ni Jacob ay nakuha nila ang wallet niyang naglalaman ng atm at credit cards. “Boss! Marami-rami rin ang perang laman nitong bag ni Miss beautiful!” nakangiting balita ng isa sa mga lalaki. Iyon na lang ang perang meron ako! Sadyang inilabas ko ang mga iyon dahil siguradong puputulin ni lolo ang credit card ko at atm ko kapag nalaman niyang lumayas ako. “Ano ba’ng ginawa kong masama, Lord? Bakit ganito?” pipi kong usal. Gusto ko nang umiyak dahil sa kamalasang nangyayari sa akin. “Pin ng credit card at atm?” tanong ni yellow teeth sa amin ni Jacob. Hindi ako umimik gano’n din si Jacob. “Pipi ba kayong dalawa o bingi? Magsasalita kayo o sabay naming pasasabugin ang mga bungo niyo?!” malakas na sigaw ni Mister putok. Ipinagduldulan pa nito ang dulo ng baril sa aking sintido. Mariin akong napalunok sabay hugot ng marahas na hininga. “060690/ 060690,” sabay naming wika ni hellboy. Nagkatinginan kaming dalawa dahil parehas kami ng pin. “Gaya-gaya!” nakataas ang kilay kong ani kay Jacob na ang tingin ay hindi inaalis sa akin. Walang emosyong mababakas sa kaniyang mga mata. Malamig ang mga iyon. Inirapan ko lang siya saka inismiran. Pero parang wala lang sa kaniya. Kalaunan ay sabay kaming itinulak ng mga nakahawak sa amin dahilan para mapasubsob ako sa dibdib ni hellboy. “Salamat sa inyong dalawa. Mag-abang na lang kayo ng masasakyan dito.” Lumayo ako kay hellboy saka lumingon sa mga lalaki nang marinig ko ang ugong ng mga sasakyan namin. “Hoy kuya! ’Yang sasakyan ko!” Naiiyak kong sigaw. Nag-promise pa man din ako kay Matet na aalagaan ko ang sasakyan niya. Tapos ganito pa ang nangyari. Punyemas talaga! “Iyong sasakyan wala na! Paano na ako ngayon nito!” Napalupasay na lang ako sa semento na parang bata habang tinitingnan ang kotseng papaliit na nang papaliit sa aking paningin. “May balat ka siguro sa puwet ’no? Sa tuwing nandiyan ka, laging may kamalasang mangyayari sa akin,” napatingala ako sa lalaking nasa aking tabi. “Bakit ako? Baka ikaw!” “Sino ba ang unang hinold-up? ’Di ba ikaw?” malamig na sagot niya. Nagngangalit ang mga bagang ko sa lalaking ito. Parang gusto kong sipain ang itlog! “Bakit? Nagpatulong ba ako sa ’yo?” “Hindi. Pero bilang magiging fiancé mo ay karapatan kong iligtas ka.” Natawa ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung magi-guilty ba ako o ipamumukha ko sa kaniya kung gaano ko siya kadisgusto at ayaw kong maging bahagi siya ng buhay ko. “Fiancé your ass! Kaya nga ako narito sa sitwasyong ito dahil lang sa pagtakas mula sa ’yo at sa mga lolo nating gusto tayong ipagkasundo!” Kita ko ang pagdilim ng mukha niya saka kumuyom ang kaniyang mga kamao. Parang nasagad ko yata ang pasensiya ni hellboy. O baka naman may nasagi ako sa ego niya? Maaari kaya? Tinitigan niya ako ng pagkatalim-talim. Hindi naglaon ay nagbawi rin ito ng tingin. Tumalikod siya sa akin saka naglakad palayo. “Hoy Jacob! Huwag mong sabihin na iiwan mo ako ritong mag-isa?” tawag ko sa kaniya ngunit tila wala siyang narinig. Ni hindi lumingon sa akin. Aba’y talagang mang-iiwan ang hinayupak! Napasimangot na lamang ako at sumunod sa kaniya. Papagabi na ano! Ayokong maiwang mag-isa rito. Baka mamaya bumalik pa ang mga dugyot na lalaki kanina. “Hellboy, teka, wait!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD