“AYOS lang ba sa ’yo kung mag-grocery muna tayo? Tingin ko kasi kulang pa ’yong nabili namin ni Matet.” Isang matamis na ngiti at tango lang ang isinagot sa akin ni Jacob. Matapos maiparada ang aking sasakyan sa harap ng isang convenient store ay agad kong kinalas ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. “Okay lang ba sa ’yo kung maiiwan—” Hindi pa man ako tapos magsalita ay nauna nang binuksan ni Jacob ang pinto ng kotse kaya nagkibit na lang ako ng balikat. “I’ll go with you. Baka kakailanganin mo ang power ng biceps ko para sa mga bibilhin mo,” nakangiting turan niya sabay taas pa ng braso at in-stretch ang kaniyang muscles doon gaya ng mga napapanood kong ginagawa ng mga body builder sa tv. Hinalikan pa niya ang muscle saka kumindat sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang mapataw

