KASALUKUYAN akong narito sa labas ng balkonahe ng kuwarto namin ni Matet habang nakatanaw sa malawak na hardin ng aming tinutuluyang hotel. Napakaganda ng paligid. Nakapalibot ang maraming pine tree at parang banig na nailatag sa lupa ang bermuda grass. Sa ibaba naman ay makikita ang isang makitid na daan na pa-krus ang hugis na gawa sa semento. Patungo sa isang gazebo na nasa gitna ng hardin ang isang daan nito. Sa gilid ng makitid na daan na iyon ay may mga maliliit na lamp post. Wala kang ibang masasabi sa kabuuan ng lugar kung ’di tanging papuri. Maging ang kanilang mga staff ay very accomodating. Pero kahit gaano pa ka-instagrammable ang makikita ko rito, parang hindi ko pa rin magawang ipanatag ang aking isip. Ni hindi nga ako makatulog. Samantalang si Matet kanina pa naghihilik s

