Carl Marco POV:
"Grabe, sobrang yaman talaga ng mga Villaflor. Bongga ang party at mga kilalang tao pa ang lahat ng nandito oh?" Sabi ko sa sarili ko, nakakamangha lang kasi talaga, ang gara ng mga decorations at ang lawak ng lupain dito sa mansiyon nila. Playground, gazebo, may mini golf pa. May mini bar then. Ang ayos ng mga gamit.
" Let's go guys, late na tayo" Sabi ni dad sa amin. Nahuli lang kasi kami ng dating dahil sa mga kapatid ko. Dapat kasi, ako na ang nauna at iniwan nalang sila. Pagpasok namin mismo sa loob kung saan ginanap ang party, nakita ko ang sobrang lawak ng looban.
" Gaganda ng mga girls dito sa party na ito" Sabi ni kuya Gelo, may asawa na nga tumutingin pa sa iba. Kapag ito si kuya marinig ni Molly, lagot talaga siya sa asawa niya. Mabait si Molly, pero may tinatago din itong kamalditahan kapag hindi niya nagustuhan ang ugali ni kuya Gelo.
" Kuya Gelo, kapag ikaw narinig ni ate Molly sapak ang aabutin mo sa kanya kuya." Pambabara ni Emily. Mahilig din kasi si kuya sa magaganda lalo at sexy, pero hindi ibig sabihin nun magcheat na siya sa kanyang asawa. Si Emily naman ay siya ang nagsasaway kay kuya Gelo at nagsusumbong kay Molly sa mga aksiyon ni kuya Gelo na hindi tama para sa kanya.
"Outside de kulambo pa yan pagnagkataon, iiyak yan at magmakaawa yan ate Molly kapag nalaman niyang tumitingin ka sa magaganda. Besides maganda naman si ate Molly ngayon kuya Gelo." Ngising sabi ni Adam. Lumingon ito kay Adam at pinalo sa balikat. " Ouch, kuya Gelo, bakit ka ba nananapak dyan? nagsasabi lang naman ako ng totoo ah, isa pa hindi kana dapat pa lumilingon sa mga babaeng magaganda dahil si ate Molly lang ang nag iisa sa puso mo." Nagwalk out si kuya Gelo sa sinabi ni Adam. At nauna na ito sa amin, kaya napailing ako sa inasta niya.
"Deserve niya yan, pag siya nagloko kay Molly tutulungan ko pa siyang ibitay patiwarik si kuya Gelo para magtanda." Pang aasar ko kay Kuya Gelo. Masama talaga ang tingin niya sa aming tatlo, ang bilis niya mapikon, siguro hindi ito nakascore kagabi kay Molly. Kaya napasmile ako sa kanya.
" Hoy! nagsalita ang wala pang jowa, Balita namin hinahanap mo ang babaeng nabangga mo nung palabas ka na ng toilet room. Bakit, maganda pa ba siya sa mga flings mo?" Pang aasar nila sa akin. Mga pasaway talaga kahit kailan. Kahit dito sa party hindi ako tinantanan.
" Wag na kayong maingay at magsisimula na ang party, umayos na kayo dyan nakakahiya, ang laki laki niyo na para kayong mga bata. Umayos kayong apat." Saway sa amin ni mommy, itong tatlo kasi, buti nalang hindi na sumama ang asawa ni kuya Gelo, malamang sa malamang tutulong din yun sa pang aasar sa akin. Ang nagustuhan ko kay Molly ay yung sobra siyang mapagkumbaba kaya, gusto namin siya para kay kuya Gelo. Naging matino na lalaki ngayon si kuya Gelo dahil kay Molly.
" Infainess, di basta basta ang party na ito, lalo na ang mga dumalong tao kilala sa lipunan at kilalang mga negosyante sa buong mundo at ang party na ito ay pinaghandaan talaga" Sabi ni kuya Gelo, totoo, pinaghandaan talaga ang party na ito. Habang nagsasalita na ang emcee at pinakilala na sa lahat ang mga anak ng Villaflor family at may nakapukaw sa aking paningin, ang babaeng sobrang ganda at parang diyosa ang kagandahan niya. Sino kaya siya at ngayon ko lang siya nakita at nalamang anak siya ng Villaflor na kilala sa industriya bilang matinik sa pagnenegosyo.
"Kuya Carl, sobrang ganda nung mga anak nilang babae at grabe yung isang babaeng pinakilala ang ganda niya at super sexy at ang guguwapo ng mga anak nilang lalaki, sana single pa sila lahat para mapagpilian." Ligalig na sabi ni Emily sa akin. Wagas din ang babaeng ito kung kiligin, mabuti nalang at hindi ito umiihi sa gown niya. " Kuya Carl, bakit ka nakasmile diyan huh?" Umalis ako sa tabi niya at lumipat ng upuan.
" Umayos kayo, nakakahiya sa bestfriend ng dad niyo." Saway ulit ni mom sa amin, ito kasing si Emily ayaw paawat parang kiti kiti kung kiligin wagas. Mabuti sana kung magustuhan din ito ng isa sa mga anak ng Villaflor, kung umasta kasi daig pa ang bata na maliit sa kanya. " It's kuya's fault mom. Bigla lang kasi siyang nagsmile na hindi naman niya sinasabi kung ano ang dahilan, nakakapikon kasi dahil kapag ako, nagsasabi ako sa kanya ng totoo." Sumbong pa niya kay mommy. Piningot ang ilong niya ni mommy sabay sinabuhan...." Anak, natural na sasabihin mo ang mga nangyayari sayo dahil ikaw lang ang nag iisang babae ng Montemayor, at sana naman pahalaghan mo yan kasi pinoprotektahan ka lang ng mga kuya mo. Ito nga si Adams, dapat minomonitor ito dahil kung sino sino lang ang dinidate." Pinagdiskitahan na naman ni mommy si Adam kahit talaga nasa party kami hindi nawawala kay mommy ang laging maninermon. " Mom, pwede bang wag natin dito pag usapan? Andito tayo sa party oh?" Huminto naman si mommy at tumingin kay daddy. " Oo nga naman kasi mahal ko dapat sa bahay na yan pag usapan dahil andito tayo sa party ng bestfriend ni daddy. " Okay fine, pagbigyan ko kayo ngayon." Kaya nagpukos na si mommy sa party." Kumpadre," Nagshake hands pa sila ni daddy ng lumapit ito sa amin. " Mabuti naman at nakapunta ka sa invitaions ko." Ngumiti naman at bumaling kay mommy ang dalawang matanda na kaharap namin ngayon. " Hindi ko palalagpasin ang imbitasyong ito dahil mahalaga ito sayo, dumating ako dito sa party mo dahil bestfriend kita." May binulong si daddy kay Mr. Villaflor. " Huwag kang mag alala, kumpadre, alam ko magugustuhan nila ang isa't isa, isa pa oras na para lumagay sila sa tahimik." Ano kaya ang ibig sabihin ni daddy sa sinasabi niya kay Mr. Villafor. Duda na ako, malamang tungkol ito sa negosyo.