Episode 1
Elleri Claire POV:
Pagkatapos ng maraming taon na paninirahan namin sa America ito na ngayon nakauwi na rin kami sa wakas dito sa pinas.
" Dad, mom can you wait me at the car po? I just want to go to the washroom first?" Paalam ko kina dad at mom. Naiihi na talaga ako kailangan ko ng ilabas ito. Kaya dali dali akong lumabas ng kotse at sinara ang pintuan. Tatakbo na sana ako ng buksan ni mommy ang bintana ng sasakyan namin.
" Ok iha! but please don't take so long gusto ko na din magpahinga ok?" Umalis na ako para pumuntang restroom ng may nakabunggo sa aking lalaki.
" Ouch! what the heck?" Galit na sabi ko sa kanya. Wala ba siyang mata at hindi tumitingin sa dinadaanan niya? bulag siguro ang taong ito. Sayang naman ang gwapo pa naman sana.
" I'm sorry miss, hindi kita nakita" Paumanhin niyang sagot sa akin, bulag ba siya at hindi niya ako nakita.
" Whoa, are you blind? watch where you going. So that next time, you wouldn't hit or bump into someone ok?" Galit at inis na sabi ko sa kanya. Pambihira kalalaking tao.
" Ang suplada, ang ganda pa naman sana" Rinig ko na sabi niya. Maganda talaga ako, dahil anak ako ng mommy at daddy ko.
" What did you just say?" Kunwari kong tanong. Kahit alam ko na narinig ko ang sinabi niya.
" Nothing, again, I'm sorry" Sabay talikod sa akin.
Nakakainis lang kasi di pa ako tinulungan tumayo. Nang bumalik ako sa kotse, nakita ako ng mga kapatid ko.
" Sister, what happen with that beautiful face of yours?" Tanong ni kuya Jefferson sa akin. Umirap ako at nagsalita.
" Someone bump me when I'm about to enter the washroom and you know what, he didn't bother to help me to stand". Mahaba at gigil kong sumbong ko kay kuya Jefferson pero tumawa lang sila sa akin at sinabihan pa akong "ok lang yan sister baka di nakita ang kagandahan mo." Oh di ba? saan ang hustisya para sa akin.
Grabe talaga sila, di man lang ako ipagtanggol. Kaya padabog akong pumasok ng sasakyan at inis na tiningnan ko sila. " Guys, shut up, ayaw ng kapatid mo na pinagtatawanan siya. Baka magwalk out ito at babalik ng America. Ganito lagi sila sa akin, inaasar nila ako lagi. " Fine, pero nagpakilala man lang ba sayo kung ano ang pangalan niya, sister?" Andito na naman kami, lubog na naman ako nito sa asaran. Kaya ayoko silang kasama kapag ganito dahil ako ang namamatay sa asaran, ayoko kasi ng inaasar ako dahil hate na hate ko talaga yun. " Manong, idaan mo po sa 7/11, may bibilhin lang ako, kanina pa ako nawalan ng energy sa mga kasama ko." Hanggat maaari, I want to isolate myself from them.
' Sa America, I have lot of suitors. Hindi ko alam why I don't have feelings for them. Some of my suitors is very rich. Pero kahit saan tingnan, wala akong feelings para sa kanila. Yung isa sa mga suitors ko, anak ng isang pulis na isa ding negosyante. Nanligaw, na friendzone at naging kaibigan ko siya. Yung iba naman, na friend zone at hindi na ako pinapansin.'
" Sis, I'm sure the man who bump into you was haunting of your beautiful face. Imagine, di ka tinulungan kasi na starstruck siya sayo. Baka mamaya niyan magkita kayo sa maling pagkakataon at magkagusto siya sayo. Ang tanong, sasagutin mo ba?" Wala talagang pag asa to si kuya Jefferson, lagi na lang akong tinutukso nito. " Iho, pabayaan mo nga yang kapatid mo? lagi mo nalang yang tinutukso. Hayaan mo siyang mahanap ang lalaking magmamahal sa kanya ng lubusan at hindi siya sasaktan. You won't allow that to your sister na masaktan siya hindi ba? at saka oras na din na kailangang mahanap niya ang lalaking kaya siyang buhayin. Alam naman ninyo na she is our precious jewel, right, mahal ko?" Tinanong pa talaga niya si daddy alam naman niya na sasang ayon ang lahat kapag siya ang magsalita.
' Umuwi kami ng pinas dahil namiss namis namin ang kulturang pilipino. Doon kasi sa America, may pasko pero hindi katulad dito sa pinas na sobrang saya. At pagsapit pa lang ng September, may nagsasabit na ng mga parol, lantern mga stars sa paligid. To feel that Christmas is really coming specially the birth of our Jesus Christ. " Sis, your so silent, may iniisip ka ba? pwede mo naman sabihin sa amin para matulungan ka namin mag isip. Alam mo naman kami to the rescue lagi pagdating sayo." Grabe talaga si kuya Jefferson mang asar, wagas. Tumingin ako sa kanya at pinalo siya ng malakas. " Ouch, sis naman, that is only a joke, hindi kana nasanay sa akin. Alam mo, lagi mo akong ginaganito. Bakit sobra mo naman yatang seryoso sa buhay, baka mamaya niyan ang maganda mong mukha mapalitan ng kulubot, gusto mo ba yun." Nanggigil na talaga ako kay kuya at pinagpapalo siya sa loob ng kotse. Ang isang kuya ko naman walang pakialam kung sinasaktan na namin ang isa't isa. " Enough! para kayong mga bata. Gusto niyo bang magrambulan diyan upuan? ikaw naman kasi Jefferson bakit hindi mo tigilan ang kapatid mo sa pang aasar? kapag ikaw ang napagbuntunan ng galit niyan, puro kamot na naman ang aabutin mo? hindi niyo ba naisip na may mga jetlag pa kayo dahil malayo ang biyahe natin? tapos ngayon, gusto niyo lang magharutan diyan. Jefferson, gusto mo ikaw nalang magdrive, ikaw Elleri Claire, gusto mo bang magpahinga ng maayos?" Tumigil na kami ni kuya Jefferson, nagalit na si daddy. Ang mata niya kasi nanglilisik na sa galit, pero mabait naman ang dad ko. Syempre ayaw lang talaga niya ng maingay dahil nga pagod kami lahat. " Sorry po, daddy, I will behave now. Nakakainis kasi itong si kuya Jefferson, kung mang asar akala mo naman siya, perpekto." Inirapan ko ang kuya ko at bumaling ng tingin sa labas ng kotse.
' Aaminin ko. Gwapo naman ang nakabangga sa akin kanina, napahiya lang ako dahil nakasalampak pa ako kanina sa sahig at pinagmasdan niya ako na parang hinuhubaran, totoo siguro ang sinabi ni kuya Jefferson na na star struck siya sa akin. Sana sa pag uwi ko dito makikita at makilala ko ang lalaking para talaga sa akin, ang mamahalin ako at ituring na parang prinsesa sa paraiso niya.