Episode 2

1061 Words
Carl Marco POV: "Dude musta ang meeting mo sa mga investors sa America?" Tanong ni Michael sa akin, itong taong to ang lagi kong mapagsabihan sa lahat ng problem ko sa buhay. "It was good dude, na close ko naman ang deal sa kanila at nag pirmahan na kami ng contract." Sagot ko sa kanya, siya kasi ang namamahala sa kompanya pag ako ang umalis para makipag negotiate sa mga investors at kapag request nila na makita ako. " Iba ka talaga, nakukuha mo ang lahat ng gusto mo, iba talaga ang karisma mo dude." Hirit pa ulit niya sa akin. Hindi ko na sana pansinin pero naintriga ako sa babae kanina. "Not at all dude" Sagot ko sa kanya. Siguro sasabihin ko nalang sa kanya ang tungkol sa babae na nabangga ko. "Why, what's wrong? something happen on that day? am I right?" Tanong ulit niya. Siguro gusto talaga niyang makasigurado kung ok ako o hindi, kaya gusto ko itong taong 'to kahit babaero maalalahanin pagdating sa akin. "May nakabanggaan kasi akong babae ng nasa comfort room ako, isang magandang babae, super suplada nga lang kung maka english akala mo anak ng foreigner super slang baka sa ibang bansa yun pinanaganak at nagbakasyon lang yin dito." Mahabang sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi, mabuti nalang at mabilis ko mapick up ang mga words niya na sinasabi kanina. " Whoa! dude parang sinabi mo na lahat di na ako nakapagsalita pa ano? teka di ba gwapo ka naman saan napunta yun at di man lang nakita nung babae na yun?" Sabi niya sa akin, ito talagang lalaking to basta babae walang pinapalagpas palibhasa babaero. Kaya ako nadadamay sa mga kalokohan niya. Minsan sumasakit na ang ulo ko sa mga pagpapalusot kapag pumupunta dito ang mga babae niya office. " Alam mo pare di ko alam pero balang araw magkita rin kami" panigurado ko sa kanya. na fefeel ko talag na magkikita kami. 'Pag alis ko ng opisina tumawag si mama sa akin. Maaga kasi ako umalis ng opisina dahil gusto ko magpahinga ng konti. " Yes, mom napatawag ka po?" Tanong ko sa kanya. Minsan lang kasi si mama tumatawag sa akin kapag may kailangan siya na sabihi. Ngayon siguro may kailangan na siyang sabihin sa akin dahil tumawag siya. " Pauwi kana ba iho?" Pambungad na tnong niya sa akin. Hindi kasi ako nakapagsabi na uuwi akong maaga. " Yes mom, within 20 minutes nandiyan na ako, bakit po may problema?" Sagot at tanong ko kay mama. Nakapagtataka lang na nagtatanong siya kung pauwi na ako. " Nothing iho, you're brother and his wife will come together with the kids" Sagot ni mama. Halatang masaya at makikita na naman niya ang kanyang mga apo kay kuya. " Really mom? ok nandyan na ako mamaya " Sa wakas makakausap ko na rin ang kapatid ko ng masinsinan. Si Emily at Adam laging busy sa kpmpanya naming minamanage din nila. 'Bago ako dumating sa bahay tumawag si Michael. " Bro may ipakilala ako sayo bukas ng tanghali " Bungad niya sa akin. Hindi talaga niya ako titigilan sa mga babae na ganyan. "Dude, sorry, pero ayoko sa babaeng di ko feel mahalin. At di ba, may nakita na akong babae para sa buhay ko?" Inis na sagot ko sa kanya. Ayaw ko kasi ng matchmaking. Nakakawala ng p*********i, parang feeling ko tuloy hindi ako marunong manligaw. " Busy ka ba?" Papatayin ko na sana ang tawag niya ng magsalita siya. Kaya sinagot ko nalang. " Andito ako sa bahay, andito kasi ang kuya kaya tinawagan ako ni mommy to come over. Alam mo naman na miss ko na si kuya at ang mga bata. Kailangan ko rin ng time para sa pamilya ko. Enough na muna ako sa pagtatrabaho, unahin ko muna ang pamilya ko, lalo na si mommy hindi ako makahindi non at alam mo yan. Next time dude, sasama ako sa pagbabar mo para mapakilala mo ako sa mga babae mo." Ang akin lang naman ay gusto ko ng babaeng karapat dapat mahalin at mapagkatiwalaan. " Okay dude, hindi naman kita pipilitin, gusto ko lang kasi na sumaya ka man lang sa love life mo kahit papaano. Sige na, ikumusta mo ako sa kanila huh. One day, bibisita ako para man lang makita ko din sila tito at tita. See you later, dude." Pinatay na niya ang tawag at bumuntong hininga ako. Lumabas ako ng kotse at nagmadaling pumasok ng bahay. Namiss ko ang bahay na ito, sa condo na kasi ako umuuwi dahil malapit ito sa kompanya namin. Nakita ako ng mommy at pinuntahan ko siya. Humalik ako ng tapos niya akong yakapin. " Kumusta ang pagpunta mo ng America? naka close ka ba ng deal at nakapirma ng mga contract?" Kahit kasi ako ang namahala sa company. Hands on pa din sila mom ang dad. " Hello iho," Si daddy. Ang kisig niya pa din tingnan, ang tikas at gwapo pa rin kahit medyo may edad na. " Kumusta ang anak ko? mabuti naman at napasyal ka dito. Bakit ba hindi ka umuwi dito sa bahay? kung hindi ka namin dalawin sa condo mo, hindi na namin makikita ang mukha mo." Pagbibiro ni daddy sa akin. Kaya napatawa na rin ako. Hanggang sa lumabas ang mga bata. At nagtakbuhan sa akin. " Daddy!" Sigaw ni Marjorie papunta sa akin. Daddy kasi ang gusto ko na itawag nila sa akin, para kapag hindi ko makita ang babae na gawin kung ina sa mga anak ko sila ang magbibigay ng ligaya sa akin kapag dadalaw sila. Pumayag naman ang kapatid ko. " How are you kids? ngayon lang ninyo dinalaw si daddy, nagtatampo na ako sa inyo." Yumakap si Marjorie at Daniel sa akin, habang si Molly naman ay tumawa. Swerte si kuya kay Molly, bukod sa maganda din ito, mabait din. " Pasensya kana Marco, ngayon lang kami nagkalugar na mag anak. Bakit kasi ayaw mong magpasyal sa bahay? lagi ka nga tinanong nitong dalawa mong pamangkin kung kelan ka bibisita." Sabi ni Molly. Oo wala na talaga akong time bumisita sa kanila dahil busy ako sa kompanya at sa paghahanap ng babaeng gusto kong makasama habang buhay. Bago mahuli ang lahat baka di na ako magkaanak dahil sa totoo lang wala na akong pag asa kung saan ko hahagilapin ang babaeng gusto ko. Ang babaeng nakabangga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD