Carl Marco POV:
Ngayon pala ang party ng mga villaflor
na bestfriend ni dad kaya pala nila pinapapunta ni dad at mom si kuya at ang pamilya nito.
"Carl, are you ready for the party tonight? makikilala mo na ang bestfriend ni dad, balita ko may dalawang anak na babae yang bestfriend ni dad". Sabi nito sa akin. Oo meron daw, pero hindi ko alam kung maganda at mabait ang mga anak ng bestfriend ng dad ko at sana makilala ko rin sila. Hindi ko na kasi sila na meet nung nagmigrate sila sa America.
" Well bro, tingnan ko kung matipuhan ko, pero paghindi, di na ako mangarap na makapag asawa at mabigyan din ng apo ang mommy at daddy, lalo na at mahirap maghanap ng babaeng katulad ni mom na mabait at sobrang masarap magluto". Mahabang sagot ko sa kanya. Maipagmamalaki ko talaga si mom dahil sa luto niya na napakasarap at hindi nakakaumay kahit ulit ulitin siyang ulamin.
' Bago pa kami matapos magsalita pumasok si Emily at Gelo sa kawarto.
"Guys, ready na ba kayo sa malaking welcome party of the family Villaflor?" Sabi ni kuya Gelo. Exited pa to kaysa sa akin.
" Malamang, itong kapatid natin may mabingwet yon na babae doon sa party lalo na at matikas na makisig na lalaki." Ngising sabi ni Emily sa akin.
"Shut up sis" Pagpapahinto ko sa kanya, kung makapagsalita kasi akala mo naman may boyfriend na eh, bantay sarado ni daddy ang Emily na to.
" Akala mo naman kung sino ang makapagsalita eh, wala ka din namang boyfriend" Pang aasar ko sa kanya. Inirapan niya ako at bigla siyang nagwalk out, madali talaga siya mapikon. Kapag ako ang nang asar sa kanya. Pero kapag siya ang mang asar sa akin, super wagas lang. Tatawa pa yan at guguluhin ang buhok ko, tsaka siya tatakbo sa room niya at magsisigaw sa tuwa dahil napipikon ako.
" Bro, lagot ka talaga nun kapag siya ang mang asar sayo, lalo na at pinikon mo na naman, bakit ba kasi lagi kayong nag gaganyan? alam niyo ang mabuti pa magprepare na tayo para sa party ng mga Villaflor lator. Hon, pakibihisan naman ang mga bata para tayo nalang mamaya ang magprepare pagdating ng mga make up artist natin." Si kuya Gelo, napakaswerte talaga niya kay Molly. Ayun, sumunod din naman agad si Molly sa utos ni kuya Gelo. 10 years na din silang kasal. nabiyayaan ng dalawang anak at balak na naman ni kuya Gelo buntisin si Molly. " Ang lalim nung hininga mo anak, may problema ka ba?" Si daddy, lumapit pala sa akin di ko na napansin. Sana, katulad ni kuya Gelo, mapasaya ko sila mom at dad sa pamamagitan ng pagbigay ng mga apo sa kanila.
" Naiinggit lang ako sa pamilya ni kuya. Si Molly, mabait at maalagain, swerete si kuya sa kanya. Samantalang ako daddy, ito still single. Kailan ko kaya matagpuan ang babaeng parehas ng ugali ni mommy? dad, makita ko pa kaya siya? makilala ko pa kaya siya?" Tumingin ako kay daddy at ngumiti. Makita ko sa mga mata ni daddy ang lungkot.
" Anak, huwag ka mag alala may babaeng darating sayo para mahalin ka ng tunay at bigyan ng anak na maganda at gwapo." Sana nga, ibigay na ni lord sa akin ang babaeng nakabangga ko sa may washroom.
" Kuya, si Michael nandito, papasukin ko ba para sabay na tayo pumuntang party mamaya?" Tumango at lumabas sa aking silid. Si Michael, imbitado din dahil kilala din sila sa pagiging negosyante katualad. " Bro, ang aga mo naman yata dito? hindi mo ba dala ang sasakyan mo at sa akin ka makikisakay ngayong gabi?" Masyado kasi tiong kuripot si Michael, pero kapag babae na ang involve laging nangunguna sa gastos.
" Nasaan na ang mga kapatid mo? doon nalang ako sasabay sa kanila kung ganyan ang turing mo sa akin." Loko talaga ang lalaking ito, kunyari pang umiiyak, patayuin ko sana siya ng pumasok si Emily sa room ko. " What the heck, bakit nakaluhod ang taong yan sayo, kuya?" Gulat na hindi makagalaw si Emily. As in lumuhod talaga siya ng naabutan siya ni Emily. " Pabayaan mo siya sis. That's what he want, kneeling on me it's not a big deal for me." Binatukan ako ng kapatid ko sa batok at sinigawan ako. " Hindi ka diyos kuya para luhuran ng mga kaibigan mo. Ikaw Michael, umayos ka nga para kang baliw sa pinaggagawa mo dyan." Tumayo ang kaibigan ko at tumakbo sa kapatid ko. May gusto kaya to si Emily kay Michael? hinila ko siya at pinatayo din si Michael, but I drag my sister sa aming sala at doon ko siya kinausap. " Ikaw nga ay umamin sa akin Emily? may gusto ka ba sa kaibigan ko" Kinompronta ko na siya para malaman ko ang totoo.
" Kuya, maghunos dila ka nga? bakit naman ako magkakagusto sa Michael na yan kung alam ko din naman na babaero siyang tao?" Naiinis man, pero alam ko na may pagtingin ito sa kaibigan ko na si Michael.
" Bakit ka ba nagagalit? alam mo kahit babaero yang si Michael, once na magkagusto yan sa isang babae, he will obssess and according to him, he will surely that he will going to stick on that girl. So, please, pagbigyan mo na man ang kaibigan ko. Alam mo, kahit hindi mo sabihin, alam ko na may pagtingin ka sa kanya." Ayun, nagwalk out siya ulit at lumabas ulit ng kwarto. Pagkalipas ng isang minuto, dumating na ang kaibigan kong si Michael. " Bro, balita ko. Ang mga anak ng Villaflor are sofisticated. Specially the woman named Elleri Claire. As I've heard earlier, Elleri Claire is the most beautiful woman of the family Villaflor. Do you think, is it true?" I chuckles and move to my bed. " I don't know and I cannot answer your question for now. Lalo na at hindi ko pa nakikita ang babaeng sinasabi mo. Pero kung siya man, baka hindi ko na siya pakawalan pa. But, I'm sure, she's not available for being the girlfriend of Montemayor like me." Nakita ko ang pag alinlangan ni Michael. Mabuti na rin yung hindi aasa para hindi na din ako masaktan.