Alas-siyete na ng gabi at naghahanda na si Jeff ng kanyang sarili para umuwi sa kanilang mansyon. Pero sa kanyang paghahanda ay tumunog ang kanyang telepono at kaagad niyang sinagot.
Jeff: Hello?
Cindy: Hello Jeff…?
J: Yes? Speaking, sino ‘to?
C: Pwede ba kitang makita at makausap mamaya ng masinsinan?
J: Mamaya? Gabi na ah
C: Kahit saglit lang? Please?
J: Sino ba’to?
C: Si Cindy.
J: Sinong Cindy? Sorry pero hindi kita kilala. At saan mo kinuha ang number ko?
C: Sa kakilala ko.
J: Sino nga?
C: Basta. Makikilala mo din ako kapag magkita na tayo. And I believe, nagkita na tayo before.
J: Ganon? At paano naman ako maniniwala sa’yo?
C: Maniwala ka lang. I assure you, mabuti akong tao. So? Meet me later at around 8:30 p.m. sa mall?
J: Pinipilit mo talaga na makipagkita ka sa akin noh? Ano ba ang kailangan mo?
C: Wala lang. Gusto lang kita makita at makausap…
J: Pano kung sasabihin ko sa’yo na ayaw ko? May magagawa ka?
C: E di, pipilitin pa din kita at pupuntahan kita diyan sa bahay o office mo. So, kung ako sa’yo, makipagkita ka na lang mamaya sa akin. Okay?
J: Pagbabanta ba ‘to?
C: No. it’s not. I’m trying to be friendly.
J: Sige. Papatulan ko na lang ang gusto mo. See you later.
C: Bye Jeff.
At binaba kaagad ng babae ang telepono.
Dakong alas-otso na ng gabi. Nakipagkita nga si Jeff sa misteryosang babae na pinipilit siyang makita. Naging interesado na din siya na makita ito dahil parang may nararamdaman siya na hindi maganda.
Nakatayo siya malapit sa foodcourt ng mall at naghihintay na dumating ang babaeng tumawag sa kanya kanina sa opisina. May nakita siya sa hindi kalayuan na pamilyar na babae na may dalang bata habang palapit sa kanyang direksyon. Nakita niya na nga ito at pamilyar ang mukha ng babae pero hindi niya talaga maalala kung kailan at kung saan.
“Hello” bati ng babae “… masaya ako dahil pumunta ka sa planong pagkikita natin . By the way, I’m Cindy” pakilala ng babae sa kanya habang inabot niya ang kanyang kamay para ikamay si Jeff at pinaunlakan din naman niya ito at kinamay ang babae. “…Riley’s… I mean, Nathan’s wife” dugtong nito.
Totoo nga, siya nga ang babae na kasama ni Riley sa restaurant na nagrereklamo sa mapait daw na chocolate cake na kanyang kinain. Bakit ngayon niya lang naalala… Pero bakit niya gustong makausap si Jeff?
“Ahh. Well I’m–”
“You’re Jeffrey Dy. I know” biglang dugtong ni Cindy “THE Jeffrey Dy. Kilalang kilala kita dahil napanood kita sa news na ikaw daw ang ‘THE YOUNGEST AND MOST SUCCESSFUL ENTREPRENUER’ dito sa Pilipinas… at gumagawa ka na ng pangalan sa international scene.”
“Well thank you…” at ngumiti si Jeff sa papuri sa kanya ni Cindy.
“…at hindi pa yan ang alam ko tungkol sa’yo” pambibitin ng babae.
“And what else?”
“Alam ko na ikaw ang ex ni Nathan” paniniguro ni Cindy “Ang baklang ex ni Nathan”
“Hmmm. Hindi ko na talaga mabigyan ng chance na ma-introduce ang sarili ko dahil alam mo na lahat-lahat ang buong detalye ng buhay ko”
“Oo nga. Alam na alam ko lahat. At alam ko din na nilalandi mo pa din si Nathan”
“Hindi ko nilalandi ang nobyo mo…”
“Asawa…” pagtatama ni Cindy.
“Ang asawa mo…” dugtong din ni Jeff “..as far as I remember, siya ang bumalik sa buhay ko”
“Alam mo ba kung bakit pinakasalan ako ni Nathan?”
“Hindi. Bakit?”
“Bukod sa MAHAL na MAHAL niya ako… pinakasalan niya ako dahil may anak kami… ITO” sabay tingin sa katabing bata at tumingin din si Jeff. “Ang bunga ng aming pagmamahalan”
“Hindi ko pala alam na may anak na kayo…” tanging sambit ni Jeff.
“Well, alam mo na ngayon. So dapat, layuan mo na kami…at lalung-lalo na ang ex mo which is unfortunately, my husband”
Parang nairita si Jeff sa bunganga ng babaeng kaharap niya at tila nag-iinit na naman muli ang kanyang tenga “Alam mo rin ba kung bakit kinausap ako ng asawa mo kanina?”
“Hindi. Ano yon?”
“Bukod sa kailangan niya ng trabaho, bumabalik din siya sa akin dahil mahal na mahal niya pa daw ako” patama sa kanya ni Jeff “Isang lalaki na nagmamakaawa na balikan ko siya daw ulit dahil mahal niya ako”
“Walang hiya kang bakla ka” tangkang sasampalin na sana siya ni Cindy pero sinangga niya agad ito.
“Sige. Gusto mo ng g**o?? Sasaktan mo ako?” sambit ni Jeff sa kanya “Sige, gawin mo. Baka nakakalimutan mo na ako ang may-ari ng mall na ‘to. Kaya kitang ipakulong”
Kaagad namang binaklas ni Cindy ang kanyang kamay kay Jeff “Hindi pa tayo tapos, Jeff. Humanda ka” at hinawakan niya ang kamay ng bata habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Jeff “Halika na, Stephen. Umalis na tayo”
***
Pasadong alas-nwebe nang nakauwi si Jeff sa mansyon. Nang kanyang pagpasok ay naghihintay pa pala ang ina niyang si Joyce sa sala dahil nag-aalala na din ito.
“Magandang gabi po, nay” sabay mano niya kay Joyce.
“Magandang gabi din, anak” sagot niya sa anak “Bakit nga pala ginabi ka na?”
“I’ve met someone sa mall kanina, nay”
“Sino anak?”
“Si Cindy po”
“Ha? Sinong Cindy?”
“Asawa ni Riley”
Nanlaki ang mga mata ni Joyce dahil sa narinig niya na may asawa na pala si Riley. Nagulat siya talaga dito “May asawa na si Riley?”
“Oo nay. Pinagbantaan niya ako kanina dahil daw inaagaw ko ang kanyang asawa”
“Bakit niya naman nasabi yon?”
“Kasi pumunta kaninang umaga sa opisina si Riley” paliwanag ni Jeff “Akala niya siguro kung nilalandi ko ang asawa niya”
“Nag-usap kayo?” panghuhula ni Joyce.
“Opo. Humihingi siya ng tawad at magpapaliwanag daw kung bakit niya yon ginawa” kuwento ni Jeff sa ina “Pero hindi ko pinakinggan at pinalayas ko siya”
“Ganun lang? At pinagbantaan ka na ng asawa niya?” at tumango si Jeff bilang sagot “Normal lang naman siguro na mag-usap ang dalawang tao diba? Lalung-lalo na kung wala closure ang kanilang relasyon”
“Oo nga nay. Insecure talaga ang babaeng yon”
“Baka naman may dapat pagselosan ang Cindy na yan sa inyong dalawa”
“Kami ni Riley?? Wala nay ha. Walang malisya ang pag-uusap namin kanina”
“Pwede kaya yon. Baka bumalik pa ang pag-iibigan ninyong dalawa”
“Nay… Hinding-hindi mangyayari yon. Mahal ko si Alvin” paniniguro ni Jeff “Ayaw kong gumawa ng kasalanan sa kanya”
***
Kinabukasan. Mga alas-siyete ng umaga.
Habang natutulog si Cindy kasama ang kanyang anak sa silid ng kanilang bahay ay may biglang pumasok at isinara ang pintuan ng kwarto ng malakas.
Naalimpungatan si Cindy dahil sa ingay mula sa pagbagsak ng pinto.
“Ano ba…?! Ang ingay!! Dahan-dahan ka naman” sigaw niya kay Riley na tila galit na galit ang mukha.
“Ano ‘yon? Ano ba ang ginawa mo…? Huh?” sunod-sunod na tanong ni Riley kay Cindy na tila nangangalit ang kanyang ngipin sa galit.
“Ha? Ano ba yan ang mga tinatanong mo sa akin, Nathan? Hindi kita maiintindihan”
“Pwede ba Cindy. Huwag ka nang magmaang-maangan…” sambit ni Riley “Bakit mo kinausap si Jeff…??”
Ngumiti lang si Cindy na tila naiinis sa kanyang narinig. “So,ito pala ang dahilan na kung bakit galit na galit ka ngayon sa akin. Sinumbong niya na pala ng bakla mong ex ang nangyari kagabi”
“Hindi siya ang nagsumbong sa akin…”
“E sino?”
“Si Stephen… ang anak mo…” at tinignan ni Cindy ang natutulog niyang anak na kanyang katabi “…tinawagan ko ang telepono mo kanina pero siya ang sumagot… ang sabi niya na kakarating niyo lang dito sa bahay at nakatulog ka na agad. Tinanong ko ulit siya kung saan kayo nanggaling dahil gabi na, at ang sagot niya ay nakipagkita ka kay Jeff at inaway mo…” kuwento ni Riley sa kanya. Natahimik na lang si Cindy dahil nabisto siya mismo ng kanyang anak “For real, Cind? Nakipagkita ka sa ex ko para awayin lang??... at sa harap pa mismo ng anak natin?”
“Oo. Ex mo nga siya pero siya pa din ang mahal mo. Akala mo hindi ko alam?” sabat ni Cindy sa kanya “…sa tuwing bukambibig mo si Jeff. Kumikislap din ang mata mong yan na parang nakakita nang babaeng anghel pero bakla pala”
“Tama na yan. Hindi ko na gusto ang mga pinagsasabi mo…” banta ni Riley sa kanya.
“Tama naman eh. Diba? Na bakla siya!! At ikaw siyempre, bakla ka din kasi pinatulan mo si Jeff na isa ding bakla!! BAKLA kayong lahat!! Diba? At tama ako na mahal mo pa din ang bakl–”
Napatigil ang pagtatalak niya dahil nasampal siya ni Riley. Naiirita na kasi siya sa kanyang mga narinig mula sa babae.
“Oo…” pag-aamin ni Riley “Mahal ko pa din siya hanggang ngayon. At ikaw na babae ka…” panduduro niya kay Cindy “…kung hindi lang kita nakilala sa bar at nabuntis, matagal na kitang iniwan. Nang dahil sa’yo, nagka-letse-letse na ang buhay ko….”
Umiyak si Cindy habang hawak-hawak niya ang pisngi na nasampal ni Riley. Hindi siya nasaktan sa sampal kundi sa sinabi sa kanyang katotohanan na hindi siya mahal ni Riley at ang rason kung bakit siya pakakasalan ay binuntis siya nito. “Hayop ka, Nathan, napakasama mo…!”
“Hindi ako masamang tao, Cind. At wala akong may tinatago sa’yo dahil noon pa man, alam mo ang tungkol sa akin, na may mahal akong iba pero gusto mo pa din na magsama tayo”
“Bakit? Masama ba?” iyak ni Cindy “Masama ba na gusto na maging masaya ang pamilya natin?… ako, ikaw at ang anak natin na si Stephen…”
“Pamilya na pilit mong ginagawang mag-isa…” balik niya sa babae “Si Stephen lang naman ang rason kung bakit nandito pa rin ako at pwede ko naman gawin ang responsibilidad ko sa kanya bilang ama niya na hindi tayo kasal… Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo sa akin?”
“Kasi mahal kita, Nathan… Mahal kita…”
“Riley… Ang pangalan ko ay Riley, hindi Nathan…” pagtatama niya kay Cindy “Pero hindi kita mahal. Sana maiintindihan mo ito. Sorry”
Tumayo si Riley at lumabas ng silid at habang si Cindy naman ay umiiyak pa din sa kama.
“Mommy…?” tawag ng kanyang anak na tila nagising sa iyak ng ina.
Tumingin si Cindy sa anak hinimas ang kanyang ulo. “Bakit anak?”
“Bakit po ba kayo umiiyak? Nag-away na naman ba kayo ni Daddy? Hindi ka niya ba mahal. Hindi niya na ba ako mahal?”
Huminga si Cindy sa mga tanong sa kanya ng anak at sinagot ito ng mahinahon ang boses “Ano ka ba? Mahal tayo ng Daddy mo…Hindi lang kami nagkasundo sa aming usapan kanina kaya nag-away kami. Okay? Matulog ka na ulit, anak.”
“Pero narinig ko po na iba ang kanyang mahal…”
“Hmmm. Ikaw ha. Kanina ka pa pala gising. Hindi mo sinabi kay Mommy” sambit niya sa kanyang habang tumutulo ang kanyang luha. “Wala yon, anak. Sige na. Matulog ka na…”
***
Kwinento din ni Jeff ang tungkol sa nangyari sa kanya kagabi sa kaibigan na si Jacqui. Habang umiinom ulit sila ng kape sa isang coffee shop na kung saan parati silang nagkikita at doon tumatambay.
“Talaga? Napaka-insecure niya pala bes” sabat ni Jacqui sa kuwento ni Jeff “Iba na talaga ang beauty mo bes. Pati babae, insecure na sa’yo”
“Seryoso kaya ng usapan natin, huwag ka kaya magbiro ng ganyan”
“Totoo naman eh. Ang OA niya sa kanyang asawa”
“Baka ganyan lang talaga siya. Hayaan mo na”
“Ang sabihin mo, insecure talaga dahil siya ang umagaw kay Riley sa’yo”
“Ha? Paano mo naman nasabi?”
Napatigil si Jacqui dahil nadulas ito sa kanyang sinabi “Ahhm. Bes? Meron akong tanong sa’yo”
“Sige. Mukhang seryoso ito ah. Ano yon?”
“Hmmm. What if kung isang araw, malaman mo na may rason pala ang lahat na nangyari noon kay Riley? Kung bakit ginawa niya lahat ng yon?”
“Like what?”
“Like hiniwalayan ka niya dahil may mas malalim pa na dahilan”
“Oo. Alam ko naman ang dahilan”
“Talaga? Alam mo? So hindi ka na galit sa kanya?”
Parang nagtataka si Jeff sa mga sagot sa kanya ng kaibigan. Iba ang sagot niya sa mga sinasabi ni Jeff. Tila may alam ito na hindi alam ni Jeff. “Bes?? Ano yan? Alam ko na may tinatago ka”
“Bes? Huwag ka sanang magalit ha?”
“Oo. Ano nga yon?”
“E kasi, pinuntahan ako kagabi ni Riley sa office ko”
“And…??”
“Nagmamakaawa siya sa akin na ako na tulungan ko daw siya tungkol sa’yo” sabay hawak ng kamay ng kaibigan “Kwinento niya ang lahat sa akin, bes. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sincerity. Totoo lahat ang kanyang mga sinabi sa akin. Sana mapatawad mo na siya, bes. Kahit for closure na lang daw, para matahimik siya”
“Hindi mo naman ininform sa akin na uto-uto ka pa rin pala, bes”
“Pero bes. Let him explain it first. Para lang naman mapanatag na kalooban niya”
“Akala ko naman ay #TeamAlvin ka? E bakit gusto mo na makausap ko si Riley?”
“E kasi naaawa na ako sa kanya, bes.”
“I have to go” tanging sagot ni Jeff at kaagad tumayo
“Uyy bes. Saan ka pupunta?”
“I still have a meeting with a foreign investors, Jack. Importante ito kesa sa mga drama ni Riley”
Kaagad nang umalis si Jeff sa coffee shop haban si Jacqui naman ay nakaupo. Tinititigan niya ang kaibigan na lumalakad palayo. Kinuha niya ang kanyang telepono at dina-dial ang telepono na parang may tatawagan.
‘Hello Riley? Sorry. I’ve done my part. Kinausap ko na ang kaibigan ko. Ikaw na ulit ang bahala’
Itutuloy…