Chapter 3 (Ang Paghaharap)

2467 Words
Patuloy pa din ang kanilang pag-uusap na magkaibigan sa coffee shop. Hindi pa rin kasi makapag-move-on si Jacqui dahil may nararamdaman si Jeff sa kanyang ex. “Teka, alam na ba nito ni Alvin?” tanong niya kay Jeff. “Hindi pa. Hindi ko pa sinasabi sa kanya. Sa’yo pa lang” “Aah. Okay” sambit ni Jacqui “Basta bes ha? Sure ka na wala ka nang nararamdaman kay Riley?” “Wala na nga. Ang kulet eh” “Naniniguro lang. Kasi naaawa ako kay Alvin eh. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal” “Oo. Alam ko. Swerte nga ako sa kanya eh. Hinding-hindi na ako maghahanap pa ng iba” “Good. Basta, happy ako para sa inyong dalawa, bes” *** Alas-nwebe na ng gabi pero hindi pa rin nagbibihis si Riley para pumasok sa kanyang trabaho. Nakatulog siya kasi at parang pagod sa lakad nila kanina. “Nathan…” gising ni Cindy sa kanya “Hindi ka ba papasok sa trabaho?” “Hindi…” sambit ni Riley na tila inaantok pa “Ha? Bakit? May nararamdaman ka ba?” sabay sa paglagay ng kanyang palad sa noo ni Riley. “Wala. Tinatamad lang ako pumasok” “Bakit na naman ba, Nathan? Sabihin mo nga sa akin” “Wala nga. Okay? Pwede ba? Lumabas ka muna ng kwarto. Matutulog pa ako” Napahinto si Cindy at tumayo ito. Tila alam niya na kung bakit nagkakaganyan ang kanyang asawa. “Tungkol ba ‘to kanina sa restaurant? Tungkol sa ex mo?” “My God. Cindy naman. Bakit ganyan ang mga sinasabi mo?” biglang pagbangon ni Riley mula sa pagkahiga “Hindi si Jeff ang dahilan ko kung bakit nagkaganito ako” “Wala akong sinabing pangalan, Nathan. So, siya nga?” “Hindi nga. Okay? Huwag mo namang lagyan ng malisya” “E bakit nga? Sabihin mo kaya para malaman ko. Asawa mo ako, Nathan. Baka nakakalimutan mo” “Pagod lang ako. Okay?” paniniguro niya sa asawa “Sige na.Lumabas ka na muna sa kwarto. Matutulog na ako” “Sige. Ikaw ang bahala” sagot naman ni Cindy “Tutulungan ko na lang muna si Stephen sa kanyang mga assignments” Walang imik si Riley sa paalam sa kanya ng asawa. Lumabas na lamang ito at pumunta sa anak nila na si Stephen na kasalukuyang gumagawa ng kanyang takdang-aralin sa lamesa. Umupo kaagad si Cindy sa tabi ng kanyang anak at tinulungan ito. “Mommy…” “Bakit anak?” “Nag-aaway na naman ba kayo ng Daddy?” “Ha? Bakit mo naman nasabi yon, anak?” “E kasi nagsasagutan na naman kayo eh. Naririnig ko kayo mula sa kwarto ninyo” Hinimas niya na lamang ang ulo ng anak at hinalikan ito “Hindi kami nag-aaway. Nagkukuwentuhan lang kami ng Daddy mo” paniniguro niya sa anak “Sige na, ituloy na natin ‘to para makatulog ka na” *** Dakong ala-una ng hapon nakapunta si Jeff sa kanyang opisina upang mag-interview ng mga aplikante na nakapasok sa unang screening sa isa niyang restaurant. Nagmamadali siyang pumasok sa restaurant at biglang tumayo ang mga aplikante at binati siya ng sabay. Mga sampung aplikante ang naghihintay sa kanya at tila kinakabahan silang lahat sa pagdating ni Jeff, na ang susunod na mag-iinterview sa kanila at ang may-ari mismo ng restaurant. Nang makapasok si Jeff sa kanyang opisina, agad itong umupo. Nakasunod sa kanyang pagpasok ang kanyang Executive Assistant na si Miss Gwen dela Cruz. Matangkad, maputi at seksing babae na sunod-sunod kay Jeff na kung saan siya pumunta. May mga bulong-bulungan nga na may nangyari na daw sa kanila sa loob ng office at meron ding tsimis na may relasyon daw sila. Pero ang lahat ng mga iyon ay hindi totoo at hindi pinansin ni Jeff ang mga tsismis na iyon. Binigay ni Gwen ang sampung resumé ng mga nakapasok na mga aplikante at kinuha din naman ito ni Jeff. “Sorry po Sir for inconvenience ha? Si Miss Olivarez po sana ang mag-iinterview sa kanila kaso absent siya” “Hay naku. Parati lang naman yan absent. Wala namang pinagkaiba kung andito siya. She’s useless” Habang tinitgnan niyang mabuti ang mga resumé, may napansin siya sa isa. Wala itong litrato ng aplikante. “Ahhmmm. Gwen?” tawag niya sa kanyang assistant. “Bakit sir?” “Bakit walang picture si Nathan Rodgers sa kanyang resumé?” tanong ni Jeff sa kanya “…sayang, ang ganda pa naman ng pangalan niya. Pang foreigner” “Yun nga po, sir. Nakalimutan niya daw maglagay ng picture sa kanyang resumé kasi nagmamadali daw siya sa pagpunta dito kahapon” “Ganon? So, bakit nakapasok siya? At sino naman ang shungang tao na nag-interview sa kanya?” “Si Miss Vina po” “Siya??” dugtong ni Jeff na nakataas ang isang kilay niya “Kahit anong gawin ko sa babaeng yan… bobo pa din. Walang tamang nagawa” “Kalma lang sir. Ang wrinkles mo oh” biro ni Gwen. “Sige na Gwen. Pakitawag na lang siya.” utos niya “…siya na lang ang uunahin ko at para mapagsabihan ko siya” “Sige, sir” lumabas kaagad si Gwen at tinawag niya si Nathan Rodgers na bilang una niyang iinterviewhin. Naghanda si Jeff at inayos ang kanyang sarili sa papasok na aplikante. Binasa niya muli ang resumé ni Nathan.Biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya at may pumasok na pamilyar na lalake. Si Riley. Matagal ang pagkatitig ni Jeff sa lalake habang palapit ito sa kanyang mesa. “What are you doing here?” tanong nito kay Riley. “Well, I’m here for my final interview” sagot naman niya. Tinignan at hinanap ni Jeff ang mga resumé sa kanyang harapan. “Sorry. Pero wala ang pangalan mo dito sa mga aplikante. Nice try, Riley. But you may go” Pero ngumiti lang si Riley sa sinabi ni Jeff sa kanya. “Baka naman hawak-hawak mo ang resumé ko” paalala ni Riley. Napatingin si Jeff sa kanyang hawak-hawak pero iba ang pangalan. “Nope. Si Nathan Rodgers ‘to, hindi ikaw” paniniguro ni Jeff. “Exactly. Ako nga si Nathan Rodgers” napatigil si Jeff na tila hindi ito humihinga sa kanyang narinig. “Nice try. Please, Riley. Lumabas ka na dahil marami pa akong gagawin…” “Jeff. Ako nga ‘to. I’m Nathan, Nathan Rodgers, not Riley. Ito ang totoo kong pangalan” “Umalis ka na, Riley.” utos ni Jeff na mahina ang boses. “…at kung ano naman ang trip mo ngayon, tigilan mo na yan. Hindi na nakakatuwa…” “But I’m not joking… I am Nathan Rodgers… Amerikano ang tatay ko” “So?? Edi congrats” “Jeff. Please. Makinig ka naman oh” “I’m sorry, hindi ako interesado sa trip mo ngayon. Utang na loob. Umalis ka na” “Please. Maniwala ka sa akin ngayon. Trust me” “Trust???” ulit ni Jeff “Bakit naman ako maniniwala sa taong nanloko sa akin?? Na hindi kontento sa isa lang. Na naghanap pa ng iba para maibsan lang ang l***g niya” sambit ni Jeff. Parang bumabalik ang kanyang mga sakit na nadama noon. “Sa tingin mo? Maniniwala pa ako sa’yo?” “Jeff. It’s been six years. Hindi ka pa rin ba nakapagmove-on?” “Wow. Ikaw pa ngayon ang nagdedemand na move-on? Ano ba ang tingin mo sa nararamdaman ko? Isang file lang sa cellphone, na isang delete lang, mawawala na kaagad??” dugtong ni Jeff “Yan ang hirap sa’yo. Napakadali mo lang sabihin ang mag move-on ako dahil hindi ikaw ang biktima. Hindi ikaw ang nasaktan” “Nasaktan din naman ako” sambit ni Riley “Nandito ako para ipaliwanag ko lahat sa’yo ang nangyari sa buhay ko for the past six years…at kung bakit kita iniwan” napaupo na ito sa bakanteng upuan. “Iniwan mo ako dahil kayo na ni Fred diba??” dugtong niya sa paliwanag ni Riley “Wala ka nang dapat ipaliwanag pa, Riley. Umalis ka na” “Pero please, Jeff. Hayaan mo muna ako magpaliwanag. Hindi naging kami” “Talaga? E ano yung nakita ko? Wala lang yon?” “Ginawa niya yon dahil mahal niya pa rin ako. Pero hindi kami, maniwala ka” “Sa tingin mo ba na maniniwala pa ako sa’yo? Kahit ano pa ang paliwanag mo, tapos na yon, sinaktan mo na ako. Wala akong pakialam kung ano kayo” pagmamatigas niya kay Riley “Kaya umalis ka na” at may siya pinindot sa telepono na nakapatong sa mesa. “Guard, pakilabas ng tao dito sa opisina ko. Nanggugulo” “Jeff… Please” “Tama na, Riley” “Sige. Basta sorry sa ginawa ko noon sa’yo. Hindi ko sinasadya na masaktan kita” sagot niya kay Jeff “Minahal kita. At hanggang ngayon, mahal pa rin kita” Nagdesisyon na lamang si Riley na mauna nang lumabas ng opisina kahit paparating pa lang ang guard na tinawag ni Jeff. Sakto din na pumasok agad si Alvin sa opisina. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil baka nakita niya si Riley na lumabas mula sa kanyang opisina. “Hon??” sambit ni Jeff “Kanina ka pa ba?” “Kararating ko pa lang naman. Bakit?” “Wala naman, hon” “Oo nga pala, nakita ko ngayon lang si Riley na lumabas ng opisina mo” dugtong niya sa usapan “Nagkikita na pala kayo ulit” “Oo hon. Pero —” “—pero hindi mo lang naman sinabi sa akin?? Ano yon? May tinatago ka?” “Hon naman. Wala akong tinatago sa’yo” paliwanag niya kay Alvin na galit na galit na “Oo, nagkita kami kahapon. Pero aksidente lang dahil kumain sila dito kasama ng asawa niya” “Talaga lang ha” “Oo. Promise” “E bakit kayo magkasama ngayon?” “Isa siya sa mga aplikante na iinterviewhin ko pero hindi iba ang kanyang pangalan. Hindi ko napansin” walang imik si Alvin at parang lumamig na ang kanyang ulo. Kaagad naman siyang pinuntahan ni Jeff at niyakap ito ng mahigpit “Hon, sorry na. Sasabihin ko na sana ito kanina eh, pero nakalimutan ko na sa sobrang busy ko” “Huwag kang humingi ng sorry hon. Naiintindihan kita. Sorry din kasi parang bumalik ang mga insecurities ko nung nakita ko uli siya eh” “Huwag kang mag-alala, hon. Ikaw ang mahal ko” “Mahal din kita hon” “Oo nga pala, bakit ka pala nandito?” “Break ko ngayon. Pinuntahan kita kaagad dito. Nagbabaka-sakali na makita kita” kuwento ni Alvin “Ayon, iba pala ang nakita ko” “Hon…?? Akala ko okay na?” “Okay na nga. ‘to naman. Nagbibiro lang eh” ngiti niya sa mahal “Alis na ako hon. Balik na ako sa presinto” Nang pagkalabas ni Alvin mula sa opisina, umupo siya sa kanyang upuan para magpahinga. Muli niyang tinawag ang kanyang assistant na si Gwen sa opisina niya. “Yes sir?” “Gwen, pwede mo bang sabihin sa kanila na cancel muna ang interview? Sabihin mo na lang na bumalik na lang sila bukas” “Bukas sir?” at tumango si Jeff habang nakaupo sa kanyang upuan . Kinuha ni Gwen ang planner ng kanyang boss at kaagad ito tinignan ang schedule “Hindi ka pwede bukas, sir. You have a meeting with a foreign investors. Hindi mo pwedeng i-cancel ang meeting bukas” “Hmmm. How about nextweek?” “Meron ka po dito na vacant” habang tinitignan niya pa ang schedule ng amo “Pero Sunday pa sir” “Sure. Sunday” at nilagay niya ang mga paa niya sa mesa “Sabihin mo sa kanila na next Sunday na lang ulit ang interview” “So paano po kayo, Sir?” “Ano na naman ang tungkol sa akin?” “Kasi yun lang ang araw ng pahinga n’yo Sir. Baka magkasakit po kayo” “Ngayon ako magpapahinga, Gwen. Pagod na pagod ako” sagot ni Jeff “Sige na, lumabas ka na at sabihin mo na sa kanila na next Sunday na lang ang interview” “Sige Sir.” *** “Nathan… Saan ka nanggaling?!” sigaw ni Cindy sa kanyang asawa na papasok ng bahay “Buong maghapun ako naghintay sa’yo. Saan ka ba pumunta?” “Pwede ba, Cindy? Tumahimik ka na nga. Nakakairita na ang boses mo” sabat niya sa asawa “Magpapahinga na ako. Pagod ako” “Pagod?? Saan ka napagod? Sa paglalakwatsa mo? E hindi ka nga pumasok kagabi sa trabaho mo” “Ang ingay mo talagang babae ka noh. Ang sabi ko, tumahimik ka” “Bakit ako tatahimik?? E napakabatugan mo nang lalake. Hindi ka naman ganyan noon ah” patuloy pa din ang kanyang pagdadaldal kay Riley “Saan ka ba nanggaling ha?” Nairita si Riley sa bunganga ng asawa at nagdesisyon na lang na bumangon ito at hinarap si Cindy “Gusto mo ba talagang malaman kung saan ako nanggaling?” “Oo. Gusto kong malaman. Bakit? May bago ka na ba? May babae ka ba?” “Nanggaling ako kay Jeff. Doon ako naghanap ng trabaho sa kanya” “Bakit doon? Diba masaya ka naman satrabaho mo ngayon? Bakit ka pa maghahanap?” “Basta. Gusto ko lang” dahilan niya kay Cindy. “Gusto mo lang siguro na makita mo ang ex mong bakla. Tama ba ako?” hindi makasagot si Riley at napayuko na lamang ito “Tignan mo, tama ako. Bakit mo ba parati binabalikan ang baklang yan?? Bakit? Andito na ako, Nathan. Kami ng anak mo. Hindi pa ba kami sapat sa’yo” pero wala pa ding imik si Riley sa iyak ng asawa “Ano??! Magsalita ka naman…” “Mahal ko pa rin siya…! Simula’t sapul, alam mo na mahal ko si Jeff” “Hindi pa ba yan mawawala kahit may asawa at anak ka na, Nathan?” “Hindi. Pasensiya na” “Ang sakit naman, Nathan. Pero mahal kita eh. Ikaw ang buhay ko. Ikaw ang buhay namin ng anak mo” “Pero buhay ko si Jeff. Kasi mahal ko siya at hinding-hindi mawawala yon” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD