Chapter 7 (Janitor)

2592 Words
Nakaupo si Gwen sa labas ng opisina ng kanyang boss at doon gumagawa at nag-a-arrange ng schedule nito. Hindi niya pala namalayan na lumabas si Jeff at nakatayo sa kanyang tabi habang tinititigan nito kung ano ang kanyang ginagawa. “Gwen” sambit ni Jeff. Nagulat naman ito dahil sa biglang pagsulpot ni Jeff at tumingin ito sa kanya “Yes Sir?” “May ginagawa ka ba? Para kasing nagulat ka nung nagsalita ako” “Wala naman po, Sir. Inaayos ko lang po ang schedule niyo sa araw na ito” “Ahmm. Okay” “Bakit po, Sir? May kailangan ka po ba?” “Wala naman. Tatanong ko lang sana kung nagawa mo na ang pinagagawa ko sa’yo” “Yung kay ano po??” balik na tanong ni Gwen na tila alam ang ibig sabihin ni Jeff. “Oo. Yon” “Opo Sir. Actually, mag-uumpisa na siya ngayon sa Mǐ Hé Ròu bilang waiter” “Waiter??” ulit ni Jeff habang nakakunot ang kanyang noo. “Opo Sir” “Bakit waiter??” “Kasi po….” “…don’t need to explain, Gwen. Hindi waiter ang bagay sa kanya” “E ano po?” “Sabihin mo sa head ng H.R. Department sa Mǐ Hé Ròu na tanggapin siya bilang janitor at hindi waiter” “Po?” “Bakit? Bingi?” “Hindi po. Sige po, tatawagan ko na kaagad ang kanilang HR” “Good” *** Excited na talaga si Riley sa bago niyang trabaho sa isang restaurant ni Jeff. Maaga siyang nagising at nagbihis para magtungo sa kanyang bagong trabaho. Sa kanyang pagpasok ng restaurant ay kaagad siyang nagtungo sa isang waiter na nakatayo malapit sa isang mesa. “Hello brad. Nandiyan ba si Ma’am Laarni?” bati ni Riley sa kanya “Sino po sila, Sir?” “Ako nga pala si Nathan Rodgers. Ang bagong waiter dito” sabay alok ng kamay ni Riley sa lalaki at kaagad naman pinaunlakan ng isa “Ngayon na ako mag-uumpisa eh. Excited na ako. Ikaw? Ano ba ang pangalan mo?” “Ako nga pala si Ben” “Matagal ka na ba dito, brad?” “Ah oo. Matagal na. Nung hindi pa si Sir Jeffrey ang may-ari ng restawran na ‘to” sagot niya kay Riley “Talaga? Alam mo brad. Kilalang-kilala ko ang may-ari nito eh” “Si Sir Jeffrey??” “Yup. He’s my closest friend” Napataas ng kilay ang lalaking kausap niya. Parang nayabangan ito kay Riley dahil sa sinabi niyang kilala niya ng lubusan ang may-ari ng pinagtatrabuhan niya “Teka ha, tatawagin ko muna si Ma’am. Alis muna ako” “Sige brad” Ilang minuto ang hinintay ni Riley bago lumabas ang H.R. Officer at pinatawag siya dahil may kailangan silang pag-usapan. Umupo sila sa bakanteng upuan sa pinakadulong parte ng restaurant. “Mr. Rodgers…” panimula ng babae “Yes Ma’am?” sagot ni Riley na abot tenga ang kanyang pag-ngiti “I have something to tell you…” “Bakit po Ma’am? Is there anything wrong?” “Unfortunetly, yes. We have no vacant position” sagot niya kay Riley “Pero unfair naman sa’yo dahil tinanggap ka na namin dito kahit puno na. In that case, we need to adjust or change the job description that you are applying for” “Like what?” “Like janitorial position?? It’s the only vacant position” “What??!” sigaw ni Riley dahil nagulat talaga ito “Janitor? Diba ang inapplayan ko dito ay waiter? Tapos janitor pala ang ibibigay ninyo sa akin??!” “I’m sorry. Hindi ko talaga alam na kumpleto na pala ang waiters namin” paliwanag niya kay Riley “Pero hindi naman permanente ang pagiging janitor mo, pinapangako namin na magiging waiter ka kung may magreresign na isa sa mga waiters ngayon” “No. I will not accept your offer” pagmamatigas pa ni Riley “Mr. Rodgers. Let me remind you na ikaw ang nag-apply dito sa amin. So kahit anong trabaho ang ibibigay namin sa’yo ay wala kang karapatang magreklamo” “Pero hindi ninyo ako ininform ahead of time. Nakakagulat lang na sasabihin ninyo sa akin” “We just did. Kaya nga nag-uusap tayo ngayon diba? I am informing you na walang vacant ang posisyon na inaaplayan mo” tanggol ng babae sa sarili “And please Mr. Rodgers, pwede ka na bang umupo? At pag-usapan natin ito ng maayos? In a civilized way?” “Sige” sambit niya at huminga ito ng malalim na tila kumalma na ang kanyang isip “Pero pag-iisipan ko muna ang offer ninyo. Alis muna ako” “Sige Nathan. Hihintayin kita bukas dito” sagot ni Laarni sa kanya “I hope na maging magkatrabaho tayo ” “Thanks” *** “Marie…! Bumalik ka nga dito. Mag-usap nga tayo” sigaw ni Joy sa anak. “Hindi mo talaga naiintindihan anoh??” “Ayoko Ma! Akala ko babalik tayo doon ngayon kay Papa” sagot niya mula sa kanyang silid na parang umiiyak “Nangako kayo diba?? Excited lang ako at gustong-gusto ko na makita at makasama ulit ang Papa ko.!” “Babalik nga tayo doon pero hindi muna sa ngayon. Marami pang ginagawa ang Papa mo kaya hindi niya naman tayo papansinin doon” sabay pasok ni Joy sa kwarto ng anak. Tumingin din ang batang babae sa pumasok niyang ina “E kailan pa, Ma?” “Hindi ko alam, Marie. Pero sana maiintindihan mo muna ang sitwasyon ng Papa mo” paliwanag ni Joy sa anak “Nakaya mo naman na maghintay ng limang taon na wala kang tatay diba? Ano pa yung dagdag na ilang buwan, anak” “E bakit maghihintay pa tayo ng ilang buwan, Ma?” “Kasi may gagawin pa ang Papa mo, anak” “Ano yun, Ma?” “Isang test na magpapatunay na totoo ka niyang anak” “Bakit ba gagawin pa niya yon. Ma? Hindi ba siya naniniwala sa inyo?” Napatingin sa sahig si Joy at huminga muna ng malalim bago niya sinagot ang tanong ng anak “Hindi anak. Hindi naniniwala ang Papa mo na anak ka niya” “Ha? Bakit Ma? Totoo ba na hindi ko siya tunay na ama?” “Hindi totoo yun, anak. Sigurado ako na siya ang ama mo” “E bakit hindi siya naniniwala?” Ngumiti si Joy sa maraming tanong ng anak at hinalikan niya na lang ito sa noo “Nagulat lang siguro ang Papa mo dahil may anak pala siyang kasing ganda mo” sabay kiliti niya sa tagiliran ni Marie. Napatawa naman kaagad ang anak niya “Sige na Marie, maligo ka na dahil may pasok ka pa” “Sige po, Mama” sabay tayo niya mula sa kama “Basta promise ha? Babalik tayo dun kay Papa” “Pangako, anak. Sige na. Maligo ka na” *** Sa mga oras ding iyon ay nakaupo si Jeff sa kanyang opisina at tila nag-iisip ng malalim nang may biglang kumatok sa pintuan. “Pasok..” sambit ni Jeff Kaagad pumasok ang kanyang Executive Assistant na si Gwen at tila may balita. “Sir Jeffrey” panimula ni Gwen. “Bakit Gwen? May problema?” “Wala naman po . Update lang po kita tungkol sa kanya” “And what about him?” “He did not accept it Sir” balita niya kay Jeff “Pero ang sabi daw ni Miss Laarni, ay pag-iisipan niya muna at babalik na lang daw siya bukas” Ngumiti na may halong may inis ang mukha “Choosy pa talaga ang taong iyon? Sa kanyang estado? My god. Kahit kailan, pride pa rin ang pina-iiral niya” “Hindi naman po siguro, Sir. Ang sabi pa daw ni Miss Laarni, parang nagulat lang talaga siya sa pag-iba ng kanyang trabaho” “What ever. Ang sabihin mo kay Laarni na yan na pilitin niya talaga na makapasok ang taong yon” utos ni Jeff. “Yes, sir. Masusunod” pero huminto ng ilang saglit si Gwen at tumingin muli kay Jeff “Ahhm. Sir?” “Yes??” “Bakit ninyo ba ginagawa ito?” “What do you mean?” “Ito po. Ang pagtanggap ninyo sa kanya” “Excuse me?? Kwinekwestiyon mo ba ang mga ginagawa ko?” balik ni Jeff sa kanya “Hindi naman po, Sir. Kasi nahahalata na eh” “Ang ano?” “Ang mga ginagawa mo sa kanya” “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Gwen” at tumayo si Jeff at tinititigan si Gwen “May I remind you, Gwen. Assistant lang kita. Wala kang karapatan na kwistyunin ang mga ginagawa ko dito sa negosyo ko” “Oo nga. Assistant mo lang ako dito pero isa ako sa mga kaibigan mo, Jeff.” sambit naman niya “Bakit mo nga ba ginagawa ito?” “Wala naman. I’m just helping. Tinutulungan ko lang naman ang Riley na yon or Nathan o ano pa ang kanyang pangalan” “Tinutulungan sa ano?” “Sa paghahanap ng trabaho. Nalaman ko kasi na nagresign na siya sa BPO Company na pinagtatrabuhan niya noon” “Talaga?? O baka naman, parte ‘to sa mga plano mo sa kanya” “What plans?? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Gwen” “Jeff…” sambit ni Gwen “Aaminin ko na hindi ako matalino pero naman, kahit papaano alam ko mag one-plus-one” “Wala nga, okay? Wala akong masamang plano sa kanya” “Okay. Kung hindi mo sasabihin, ayos lang sa akin pero sana hindi totoo ang mga duda ko sa’yo. Maawa ka sa kanya” “Maawa?? Talaga? Ako pa talaga ang maawa??” dugtong ni Jeff na tila naiinis na ito “Hinding-hindi mangyayari yon. At pwede ba, Gwen? Nandito ka sa opisina ko. Ako pa rin ang boss mo. Learn to respect me and my decisions kaya umalis ka na” “Sorry po, Sir” sagot ni Gwen “At kung may plano ka na hindi maganda sa likod ng pagtulong mo sa kanya, ikaw pa rin ang kawawa, Jeff. Learn to move-on and let go. Para marelease ka na diyan sa galit mo” “I don’t care. Please. Leave now” *** Kinabukasan. Nagdesisyon si Riley na tanggapin na lamang ang alok sa kanya ng restaurant bilang isang janitor. Wala na siyang pakialam dahil gusto niya lang magtrabaho doon para makita niya si Jeff parati dahil umaasa pa rin siya na mapatawad pa rin nito at maipaliwanag niya lahat na nangyari sa kanya. “Nathan. Andito ka na. Nakakagulat naman na tinanggap mo ang offer ko sa’yo” sambit ni Miss Laarni sa kanya “Ang akala ko ay mag ba-back-out ka na” “Hindi po Ma’am. Napag-isipan ko na totoo ang sinabi mo na ako ang may kailangan ng trabaho” “Very good, Nathan. Mabuti naman at napag-isipan mo ng maayos” “Opo Ma’am. Sorry po talaga sa ugali ko kahapon” sambit ni Riley “Nagulat lang talaga ako kahapon eh” “No. It’s okay dear. Walang problema. Naiintidihan kita” “Thank you po ulit, Ma’am” “Saan?” “Sa pagtanggap ninyo sa akin dito. Kailangan ko kasi ng trabaho ngayon dahil may binubuhay akong asawa at isang anak” “Wow. That’s good. Isang responsableng ama” at tumalikod siya kay Riley at kaagad nang lumakad habang nakasunod sa kanya si Riley sa kanyang likuran “Well, you can start now… dito” at binuksan niya ang banyo ng restaurant. “Sa CR?” “Yup. Bakit? May problema ba?” “Nothing. Sige po. I’ll start na” “Good. By the way, Nathan” “Yes Ma’am?” “Pagkatapos mo diyan, ayusin mo kaagad ang mga basura sa labas ha” utos niya kay Riley “Nakakalat eh. Kukunin na kasi ng truck ng basura mamaya” “Sige po, Ma’am. Masusunod” “Good” *** “Hello Hon” sambit ni Jeff habang palapit sa lamesa ng isang restaurant. Nakaupo doon si Alvin at hinihintay siya sa kanilang date “I’m sorry kung nalate ako, marami pa kasi akong tinatapos sa office eh” “It’s okay, hon. Don’t worry” “Are you sure?” “Yup.” “Okay. Teka, kanina ka pa ba?” “Hmmmm. Let me see…” habang tinignan ang kanyang orasan sa braso “I arrived here at exactly 6:16 pm. and 8:31 na. So roughly, more than two hours ang hinintay ko dito. So, may answer is yes. Kanina pa” “Uuyy. Sorry na nga” “Hindi naman ako galit eh. Okay lang sa akin. Nakahintay nga ako ng ilang buwan diba?” paalala niya kay Jeff “Naalala mo yon, hon? Yung hinintay kita sa pagbabalik mo nung nagtraining ka sa China?” “Oo hon. Naalala ko yun” ngiti ni Jeff “Wait. Umorder ka na ba?” “Yup. Done” Sakto din lumabas ang waiter at dala na ang kanilang pagkain sa kanilang mesa “Wow. Ang sarap nito, hon. Tamang-tama, gutom na gutom na ako” sambit ni Jeff at kaagad kumuha ng pagkain at nilagay sa bibig. “Uyy. Dahan-dahan lang kaya. Baka maubos mo” sambit ni Alvin na parang nagbibiro ang tono “Tirhan mo naman ako” “Sorry hon. Gutom na gutom kasi ako eh. Hindi ako nakapag-lunch” “Ha? Bakit?” “Busy ako kanina hon. Maraming ginagawa” “Hon..??” dugtong ni Alvin na may parang may sasabihin ito “Yes?” “How’s Riley?” “Ha?? Bakit mo yan tinatanong sa akin?” “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Totoo ba na tinanggap mo siya sa isang restawran mo?” “Sino namang tsismosa ang nagsumbong sa’yo?” “Si Gwen. Tinawagan niya ako kanina” Biglang uminit ang ulo ni Jeff at kinuha niya ang kanyang telepono sa kanyang bulsa. “Ang babae na ‘to talaga. Napaka pakialamera. Tignan lang natin kung may trabaho ka pa bukas” “Hon. Huwag mo siyang pagalitan” “… at bakit?” “Kasi pinilit ko siyang sabihin sa akin” paliwanag ni Alvin sa kanya “Narinig ko kasi kanina sa hallway na may pinasok ka daw na ex mo sa restaurant para gantihan. That’s why, pinilit ko siyang sabihin sa akin ang ginagawa mo” sabay abot ni Alvin ng kamay ni Jeff “Hon… totoo ba?” “Oo. Tama ang mga narinig mong tsismis” pag-amin niya kay Alvin “Unting-unti ko na ginagawa ang mga plano ko laban sa Riley na yon” “Talaga bang tototohanin mo ito, hon?” “Why not??” dugtong niya “Simula pa lang ‘to. Gusto kong iparamdam sa kanya ang bawat iyak at sakit ng puso ko nung inawan at niloko niya ako” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD