Nakatitig pa din si Alvin sa mga mata ni Jeff na tila puno ng galit ang mga ito. Naaawa na talaga siya sa kanyang mahal pero hindi niya alam kung paano mapawi ang galit niya.
“Hon?? Can you reconsider his application?” sambit niya kay Jeff na tila nagmamakaawa “Parang naaawa lang ako kay Riley eh”
“Pati ba naman ikaw?? Ang akala ko naiintindihan mo kung saan ako naghuhugot ng sama ng loob kay Riley na yan”
“Oo. Naiintindihan kita. Pero sobra na ‘to eh” dugtong ni Alvin “Sa iyo lang naman ako concern eh. Baka ano pa ang magawa mo sa susunod. Baka makulong ka, or worse, bala ikamatay mo pa”
“Hindi mangyayari yon, hon. Diba andiyan ka na tutulong sa akin?” paalala niya kay Alvin “Ano pa ang silbi ng pagiging pulis mo kung hindi mo ako tutulungan”
“Hindi ko masisiguro na matutulungan kita parati sa mga gagawin mo. I’m sorry hon”
“Ganon?”
“Oo hon. Sumusobra ka na eh”
“It’s okay. Naiintindihan ko. Wala kang suporta sa akin”
“Hindi naman sa ganon, hon”
“No Alvin. It’s okay” sabay tayo ni Jeff dahil naging masama ang kanyang loob “Salamat na lang sa paghihintay mo pero uuwi na ako”
“Hon…” sambit ni Alvin at hinawakan niya ang kamay nito “Huwag kang umalis”
“Pagod na ako, Alvin. Pagod na pagod na. Kailangan ko nang magpahinga”
Binitawan lamang ni Alvin ang kanyang kamay kay Jeff. Kaagad naman umalis ang isa palabas ng restaurant. Napatingin na lamang siya habang unting-unti nawawala si Jeff sa kanyang paningin.
***
Pagdating ni Jeff sa kanilang mansyon, nadatnan sa pagpasok niya ang isang pamilyar na batang babae na mabilis na tumakbo papunta sa kanyang direksyon.
“Papa…” sambit ni Marie habang niyayakap ang mga paa ng ama. “Mabuti naman na nakauwi na kayo”
Nagulat na lamang si Jeff sa ginawa ng bata at napatingin sa palapit ding si Joyce. “Nay, ano ginagawa ng batang ‘to dito?”
“Dinala ng ina niya dito, anak. Namimiss ka niya na daw” sagot ni Joyce na parang natutuwa. “May anak ka na pala, Jeff. Sa wakas, may apo na ako sa’yo”
“So nasaan na ang ina?”
“Umuwi na, anak. Pinauwi ko na. Sabi ko kasi na dito lang muna matulog ang anak niya sa bahay. Okay lang ba, anak?”
Ngumiti na lamang si Jeff at tumingin sa bata “Marie, pwede bang iwan mo muna kami?”
“Sige apo. Bumalik ka na dun sa silid mo”
“Sige po, nanay-la.” kaagad naman umalis ang bata at umakyat papunta sa kanyang silid.
Napatitig si Jeff sa kanyang ina dahil sa kanyang narinig. “Apo?? Nanay-la?? Ano yun nay?”
“Oh bakit? Anak mo siya diba?”
“Nay, hindi ko nga anak ang batang yan”
“E sabi daw ng kanyang ina, ikaw daw ang ama”
“Hindi pa ako nakakasiguro na anak ko talaga ang batang yon. At isa pa, hindi pa ako handa na maging ama noh”
“Jeff… hindi mo ba nararamdaman ang lukso ng dugo sa batang yon?” sabi niya sa anak “Halata kaya na mag-ama kayo kasi pareho ang mga mata ninyo. Singkit” at tinignan niya sa mata ang kanyang anak “At ano ang sinasabi mo na hindi ka pa handa?? Anak, 26 ka na kaya. Iyan ang edad ang saktong edad na dapat may pamilya na”
“Hindi pa nga ako handa nay” buntong-hininga ni Jeff
“E paano nga anak mo talaga yan? Anong gagawin mo?”
“Ipapaalaga ko sa’yo. Tutal, may pera naman ako. Ikaw lang ang tatayo na magulang niya pero ako ang magtutustos sa mga gastusin niya”
“Haaay naku, Jeff. Masarap kaya na magkaroon ng anak”
“Basta nay, hindi pa ako handa” pagmamatigas ni Jeff “Sige po, nay. Akyat na ako, magpapahinga na ako”
“Jeff??”
“Bakit po?”
“Okay ka lang ba?”
“Opo nay. Bakit?”
“Alam ko hindi ka okay”
“Don’t worry po, nay. I’m okay” ngiti ni Jeff at papaalis na sana siya pero nagsalita muli ang ina
“Jeffrey. Nag-away naman ba kayo ni Alvin?”
“Ha? Wala po nay”
“Alam ko kung may problema kayo ni Alvin kasi iba ang timpla ng mukha mo ngayon. Anak kita. Alam ko na may problema ka” sambit ni Joyce “At isa pa, tinawagan ako bago lang ni Alvin”
Huminga na lang ng malalim si Jeff bago nagsalita “Meron po, nay. Pero mild lang po na away. Sige po, akyat na ako nay”
***
Kinabukasan.
Nagtungo si Jeff sa restaurant na kung saan doon nagtatrabaho si Riley upang tignan kung ginagawa niya nga ng maayos ang kanyang trabaho.
Nang pagpasok niya sa restaurant ay kaagad linapitan siya ng manager doon. “Good Morning Sir. Andiyan po pala kayo, sana sinabi ninyo sa akin para naipaghanda ka naming ng pagkain”
Tumingin siya sa babaeng manager “No, it is okay. Hindi naman ang pagkain ang pinunta ko dito”
“E ano po Sir?”
“Meron ba kayong bagong empleyado dito?”
“Ahhmm. Opo Sir. Meron po kaming bagong janitor na pinapasok dito”
“Talaga?? Saan siya?”
“Andun po sa Comfort Room. Gusto mo ba na ipapatawag ko siya?”
“No. There’s no need. Ako na lang ang pupunta sa kanya sa banyo”
“Sige po, Sir. This way” sambit ng Manager habang ginagabay niya si Jeff
“Alam ko kung nasaan ang banyo. Salamat na lang”
“Okay po, Sir”
Nagtungo nga si Jeff sa banyo upang umihi doon at tignan kung nandoon nga si Riley. Pero sa kanyang pagpasok ay wala siya doon. Hindi niya na lang pinansin o hinanap pa ito at patuloy na sa pag-ihi.
Naghugas siya ng kamay pagkatapos at napansin niya mula salamin. Ang repleksyon ng bumukas na pintuan ng isang cubicle ng banyo. Si Riley ang lumabas doon na may dala-dalang panlinis.Muling yumuko si Jeff at nag-aarte na parang naghuhugas ulit ng kamay.
Parang bumilis ang t***k ng kanyang puso at parang nakaramdam siya ng panglalamig sa buo niyang katawan. Para gusto niyang tumakbo palabas ng banyo, ng restaurant. Gusto niyang makatakas sa lugar na iyon.
“Jeff..??” sambit ni Riley na palapit sa kanya “Ikaw ba yan?”
Tumayo ng matuwid si Jeff at inayos ang kanyang buhok na para wala lang sa kanya at tinignan si Riley mula sa salamin. “Yes. It’s me. Bakit?”
“What are you doing here?”
“Ano?? Ano ang ginagawa ko dito? This is my restaurant. Baka nakakalimutan mo”
“Ahh. Oo nga pala. Sorry”
“So, kamusta ka na pala? I mean ang first day mo dito?”
“Hmmm. Okay lang naman. Naninibago” sagot niya kay Jeff “Nasanay na kasi ako doon sa dati kong trabaho eh”
“Talaga? Okay lang yan” sagot ni Jeff. Nagtagpo ang kanilang mata at matagal ang kanilang pagtitigan. Bigla muling tumibok ng malakas ang puso ni Jeff. Pero hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa pagtatanong “Oo nga pala, bakit ka ba umalis sa dati mong trabaho?”
“’Pag sinabi ko bang umalis ako dun dahil pinili ko dito para makita kita parati. Maniniwala ka?”
“What??” sambit ni Jeff
“Just kidding” ngiti ni Riley “Nag-resign ako dun kasi hindi ko na gusto ang kanilang bagong management” kwento niya dito “Sakto din na hiring kayo. So, I grabbed the opportunity”
“Ahhh. Ganon pala”
“Ikaw? Kamusta ka na?” balik na tanong ni Riley sa kanya “It’s been awhile na huli tayong nagkita”
“Oo. Kasama mo pa yung ‘asawa’ mo” sagot ni Jeff “Ito. Okay naman ako. Palaging pagod sa trabaho”
“Oo nga eh. Parang kailan lang noh? Estudyante ka pa noon at nagtatrabaho na ako. Ngayon, ganun pa din. Walang nagbago. Samantala ikaw, nasa taas ka na. Ang layo mo na Jeff”
“Siyempre. Yung taong inaapi at sinaktan noon, sila pa ang pinagpala ng Diyos”
Ngumiti si Riley na parang natamaan sa sinabi ni Jeff “I’m happy for you, Jeff. That’s all I can say. I really do”
“Thank you” sagot niya naman “So pano? Alis na ako”
“Sige, Jeff. Ingat ka”
Mabilis ang kanyang paglakad palabas ng banyo at palabas ng restaurant dahil parang hindi niya kinakaya ang kirot sa kanyang puso. Napahinto siya gilid ng kanyang sasakyan. Napatulala si Jeff at napatitig na lamang siya ng derecho.
‘Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit mabilis ang kabog kanina ng dibdib ko nung nakita ko siya? Bakit nasasaktan ako nang makita ko siyang nahihirapan? Galit ako sa kanya diba? Naghihiganti ako’ sambit ni Jeff sa kanyang sarili ‘Hindi Jeff. Huwag kang magpa-apekto sa nararamdaman mo. Alalahanin mo ang ginawa niyang pag-gago niya sa’yo’
Bumalik ang ulirat ni Jeff at kaagad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay dito.
***
Samantala naman sa loob ng restaurant. Nakatitig na lang si Riley kay Jeff na sumakay na sa sasakyan. Hindi niya namalayan ay may lumapit na pala sa kanya. Ang kanyang manager.
“Nathan” sambit niya kay Riley “What are you doing? Tapos ka na ba sa ginagawa mo?”
“Ahmmm. Opo, Ma’am. Tapos na po”
“So? Ano ang ginagawa mo ngayon?”
“Wala po” sagot ni Riley
“Wala?? Aba naman Nathan. Binabayaran ka namin dito para maglinis ng buong restaurant. Hindi para tumayo lang”
“Sorry po, Ma’am” dugotng ni Riley “Sige po, lilinisin ko na po ang sahig”
“Okay” sagot ng Manager “Nathan?”
“Yes po?”
“May nagsumbong sa akin na nahuli ka daw na nagtetext”
“Ha?? Nagtetext? E hindi ko nga dala-dala ang cellphone ko. Nasa bag ko parati” sambit ni Riley na parang nagulat sa maling balita “Sino po ba ang nagsabi sa inyo, Ma’am?”
“Hindi na importante yun. Basta, I’m warning you, Nathan. Bawal ang cellphone dito”
“Okay po, Ma’am. Sorry ulit”
Sa pagpasok ng Manager sa kanyang opisina ay kaagad namang bumalik sa trabaho si Riley. Napansin niya naman na nakatingin ng masakit si Ben, ang waiter na nakausap niya nung isang araw. Pero hindi pinansin ni Riley iyon at nagpatuloy na lamang sa trabaho.
***
Humiga si Jeff sa kanyang kama na tila pagod na pagod ito kasi minamasahe niya ang kanyang ulo. Gusto niya nang matulog at magpahinga dahil gusto niya nang makabawi sa pagod. Pero ilang sandali lamang ay may kumatok sa kanyang silid.
“Pasok…” sambit ni Jeff na mahina ang tono ng boses.
Bumukas ang pintuan at linapitan at niyakap siya ng batang babae. “Good evening Papa” bati ni Marie sabay halik sa pisngi ng ama “Kamusta po ang araw ninyo, Papa? Kasi ako Papa, naglaro kami buong maghapon ni Nanay-la. Napagod ako”
“Haaay. Ikaw lang naman pala” buntong-hininga ni Jeff “Teka, wala ka bang pasok?”
“Wala na po, Papa. Hindi na ako nag-aaral”
“Bakit?”
“Ang sabi daw ni Mama, wala na daw kaming pera pampaaral sa akin”
“Ahh. Okay” tanging sambit ni Jeff.
Niyakap siya ulit ni Marie ng mahigpit na mahigpit “I love you Papa”
“Teka, anong ginagawa mo dito?”
“Nilalambing ko ang Papa ko. Kasi alam ko na pagod na pagod ka eh”
“No. Ang ibig kong sabihin ay, ano ang ginagawa mo sa pamamahay ko?”
“Dinala po ako ni Mama kasi miss na miss na po kita Papa eh” sagot ni Marie na parang maiiyak na ito “At sabi pa po ni Nanay-la, dito na lang po muna ako titira”
“Nang walang pahintulot ko?? E diba ang sabi ng nanay mo, isang gabi ka lang dito??”
“Opo” patuloy na tumutulo ang mga luha ng bata at nakatingin na lang ito sa sahig.
“E ano pa nga ang ginagawa mo dito?? Bakit hindi ka pa umaalis??”
“Bakit po Papa?? Ayaw mo ba akong makasama?? Ayaw mo ba sa akin?”
“Ayaw… Naiintindihan mo?? At huwag na huwag mo akong tatawagin na Papa dahil hindi mo nga ako ama” sambit ni Jeff na tila mainit na ang kanyang ulo. Nakaupo na ito sa upuan at nakaharap kay Marie “Isang gabi na lang, Marie ha? Isang gabi ka na lang dito. Bukas na bukas din, umuwi ka na sa inyo”
“Jeffrey!!” sigaw ni Joyce mula sa pintuan.
“Nay??” sagot naman niya na parang nakakita ng multo.
“Ano ‘to?? Huh??” sambit niya habang nilapitan ang umiiyak na bata at tingnan ito sa mata “Apo?? Bakit ka umiiyak?”
“Wala po, Nanay-la. Pinagalitan lang ako ni Papa dahil makulit ako” iyak ng bata.
“Ganon ba?? Sige. Lumabas ka muna at matulog ka na sa kwarto mo ha??” dugtong niya sa umiiyak na bata habang hinihimas ng paulit-ulit ang likuran nito “Huwag ka nang umiyak, apo. Kakausapin ko pa ang Papa mo”
Sinunod naman ni Marie ang pakiusap ng kanyang lola at kaagad naman itong lumabas. Nakatingin naman si Jeff sa bata na nanlilisik ang mga mata.
“Jeffrey, mag-usap nga tayo” alok ng nanay “Parang hindi ko nagustuhan ang ginawa mo sa anak mo ah”
“Nay. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko nga anak yon”
“Kahit na… Kahit hindi mo anak ang batang yon, hindi mo siya sana pinagalitan ng ganon”
“Ang kulet kasi eh”
“Bakit? Ano ba ang ginawa niya sa’yo kanina?”
“Kinukulet. Niyayakap at hinahalikan. Alam mo naman ang ugali ko diba, nay? Ayaw kong kinukulet ako lalo na’t pagod ako”
“Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Jeff? Bata lang yon. Naglalambing lang sa kanyang ama”
“Hindi nga ako ang ama niya!” sigaw ni Jeff at nanlaki ang mga mata ng ina “Hindi sa ayaw ko sa kanya, nay. Kundi natatakot ako baka mali ang sinasabi ng kanyang ina at baka mapaasa ko lamang siya” sabay ang pagtulo ng mga mata ni Jeff “Ayaw ko siyang matulad sa akin na umasa. Umasa na mahalin ako ng tatay ko. Umasa na yayakapin at lalambingin” at pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang kamay “Kaya malamig ako sa kanya, nay. Dahil iyon ang dahilan. Natatakot akong masaktan ang bata”
Napaiyak din si Joyce sa sinabi sa kanya nga anak. Linapitan siya nito at niyakap din ng mahigpit. “Sorry anak. Hindi alam ng nanay”
Itutuloy…