Pumunta kinabukasan si Jeff sa DNA Expert para makumpirma na nga at matapos na ang kanyang pagdududa kung totoo niyang anak ang bata na si Marie. Dala-dala niya ang isang hibla na buhok ng bata na nakalagay sa isang zip-lock na plactic bag.
“Kailan ko makukuha ang resulta doc?” tanong ni Jeff.
“Mga four to six weeks, Mr. Dy”
“Ano?? Ba’t ang tagal?”
“Yan po kasi standard na releasing ng DNA Result, Sir”
“I don’t care” dugtong ni Jeff na tila nagagalit na “Maghanap ka ng paraan para mapabilis ang resulta”
“Meron naman na mas mabilis Sir. Pero mas mahal ito”
“So? Ini-insulto mo ba ako? Na hindi ko afford para mapabilisan ang resulta?”
“Hindi naman po sa ganun, Sir…”
“… e ano?? May I remind you ha, pagmamay-ari ‘to ng Kuya Jeremy ko ang hospital na ‘to” paalala ni Jeff sa doktor “Ayusin mo ang trabaho mo baka i-report kita sa kanya”
“Sorry po, Sir” sagot agad niya “Don’t worry po. After two to three days, tatawagan kita agad kapag nakalabas na ang resulta. Paki fill-up na lang po ng form na ‘to”
“Sige. Salamat”
Pagkatapos ng kanyang transaksyon ay kaagad nang umalis si Jeff sa hospital. Dumerecho siya sa kanyang opisina at tatapusin niya ang kanyang trabaho.
Pagkapasok niya sa opisina ay nandoon ang kanyang kaibigan na si Jacqui na nakaupo sa isang upuan.
“Hi bess!” sabay tayo niya na parang nagagalak sa kaibigan na matagal niya nang hindi nakita. Kaagad siyang tumakbo palapit kay Jeff “Grabe… na-miss kita ah. Kamusta ka na??”
“Ito. Okay lang naman ako”
“Good to hear that. Haay naku bess. Miss ko na talaga ang Iloilo”
“Ha? Bakit? San ka ba nanggaling?”
“Sa Cebu, bes. Nagbakasyon ako dun”
“Talaga??”
“Oo, bes. Nag-file ako ng leave ng ilang mga araw lang”
“So, how’s Cebu?””
“OMG, bes. Ang ganda ng Cebu. Pumunta ako sa Tumalog Falls na nasa Oslob. Ang lamig ng tubig. Tapos nag whale watching ako dun, bes” kuwento niya kay Jeff
“Good. Good for you dahil nag-enjoy ka”
“Oo nga eh. Stress na stress na ako sa trabaho eh” sagot niya sa kaibigan “Kung alam mo lang kung ano ako napagod nung hindi pa ako nagbakasyon. Then, okay na ako pagbalik ko dito”
“Okay lang yan. Ang importante, nakapag-unwind ka na”
“Ikaw…”
“Anong ako?”
“Kailangan mo din kaya ng bakasyon” payo ni Jacqui sa kanya “Para makahinga ka naman dito, bess. Tignan mo naman ang nasa paligid mo oh”
“Hay naku, bes. Hindi ko kailangan yan. Busy ako sa mga negosyo ko. Baka isang talikod ko lang ay mawala na ito ng isang iglap” sabay lapit ni Jeff sa kanyang mesa at umupo “At isa pa, ayaw kong madisapoint ang sarili ko. Baka naman ano pa ang sasabihin ni Guang Fen kung pinabayaan ko ang negosyo niya”
“Negosyo mo…” pagtatama ni Jacqui “Diba binigay na ng tatay mo yan?? Wala ka nang dapat na mapatunayan pa kasi nasa pangalan mo na yan at ikaw na ang may-ari nito. Sa totoo lang bes ha, pwede ka na kaya magbakasyon habambuhay”
“Okay ka lang?? Ayoko nga. Hindi naman ako ganong tao noh. Hindi naman ako happy-go-lucky noh”
“Alam ko naman yun. Ang point ko lang naman ay kailangan mo naman huminga. Pamper yourself. Spoil yourself” payo ulit ni Jacqui “Magtravel ka. Tutal, ikaw naman ang may-ari ng AirPhilippines at The Philippine Airways. Libre ang biyahe mo bes”
“Sige. Pag-iisipan ko”
“No. Gawin mo na ngayon”
“Haay bess. Huwag ngayon. Marami pa akong tatapusin”
“Iwan mo na nga diyan. Ilang araw ka namang mawawala”
“Hindi nga pwede, okay?” sambit ni Jeff na tila tumaas ang tono ng boses “Hinihintay ko pa ang DNA Result ko at ni Marie”
“Ano?? Who’s Marie?”
“Haay, bess. Marami ka ngang na-miss dito” huminga muna siya bago niyang ikuwento sa kaibigan ang tungkol sa bata “Remember Joy??” at tumango si Jacqui “Well, nagpakita siyang muli at may dala-dalang batang babae. She claims that ako daw ang ama ng kanyang anak. So, nagpa-DNA Test ako. Kanina lang, actually”
“For real?? So, asan na ang bata ngayon?”
“Nasa mansyon”
“Kinuha mo?”
“Nope. Sila ang pumunta doon. Pinipilit talaga ni Joy na anak ko ang bata. Pero everything will be cleared kapag lumabas na ang resulta”
“E kelan ba?”
“Two to three days daw”
“Wow. Bilis ah” sagot ni Jacqui “Pero okay na yun, para manahimik na ang Joy na yun”
“Bes??” sambit naman ni Jeff na tila may iniisip na malalim “What if kung totoo nga na anak ko yun?”
“Edi maganda. Blessing kaya ang magkaroon ng anak, bes” sagot niya sa kaibigan habang nakatingin siya sa kisame at ini-imagine niya ang kanyang sinasabi “Alam mo, bes. Kaming mga babae. Pangarap talaga namin na maging nanay at magkaroon ng anak… ng pamilya. Lalo na ako. Kasi parang nakukumpleto ang p********e mo kapag nagkaroon ka na ng anak. Basta. Mahirap i-explain eh” tumingin siya sa kanyang kaibigan “Ikaw ba? Ayaw mo magkaroon ng anak?”
“Hmmmm. Sa totoo lang, nung una. Hindi pa ako handa, pero habang tumatagal, napaisip ako na kaya ko naman pala. Handa na ako kung anak ko nga talaga ang batang iyon”
Ngumiti na lang si Jacqui sa sinabi ni Jeff. Linapitan ito at niyakap ng mahigpit “I’m happy for you, bestfriend. Tignan mo… inunahan mo pa ako oh. Grabe ka, bes”
“Anong grabe?? Kasalanan niyo nga ni Alvin ito noh. Kung hindi dahil sa inyo, walang Joy na nabuntis”
“Hehe. Sorry na nga, bes. Atleast diba? May anak ka na” at biglang sumulpot sa kanyang isipan ang partner ni Jeff, si Alvin “Teka, bes. Alam ba ‘to ni Alvin?”
“Yup. Alam niya” sagot ni Jeff “Actually, nakita niya mismo ng dalawang mata niya ang bata”
“E anong sabi? Okay lang sa kanya?”
“Okay lang naman. Pinagtatawanan lang ako. Sabi niya, okay lang daw yun kasi may baby na kami”
“Ayyy. Ang sweet ni boyfie” sambit ni Jacqui na tila kini-kilig ito “Understanding and supportive”
“Oo nga e” tanging sagot niya
Parang naintindihan ni Jacqui ang mukha ng kaibigan. Parang may problema na naman silang dalawa “Bess?”
“Oh?”
“Nag-away ba kayo ni Alvin?”
“Ha? Hindi ah”
“Yung totoo. Kaibigan mo ako”
“Wala nga” matigas na sagot ni Jeff “Alam mo, pareho kayo ni nanay. Nangungulit. Akala ninyo nag-away kami ni Alvin”
“Meron nga ba?”
Hindi makatingin si Jeff sa mata ng kaibigan na matagal ang pagkatitig sa kanya. “Oo na. Aaminin ko na. Oo. Meron.”
“Kita mo. Nagsisinungaling ka pa sa akin eh” hula niya sa kaibigan “E ano nga ang awayan ninyo?”
“Wala naman. Minor problem lang naman”
“Like?”
“Basta… Tampuhan”
“Like?”
“Bess… sa amin lang yon, okay?”
“Bahala ka… basta alam ko din ang tunay na rason noh. Sinabi niya sa akin”
“Ha?? Sinabi niya sa’yo ang problema namin kay Riley??!”
“Oh.. Kita mo..! Inamin mo din. Nahuli ka mismo sa bibig mo bes” dugtong ni Jacqui sa panghuhuli niya kay Jeff “Walang sinabi si Alvin tungkol sa inyo at sa problema ninyo. At isa pa, hindi pa kami nagkikita” at umupo si Jacqui sa mesa at nakaharap kay Jeff “Sabihin mo nga, anong problema ninyo kay Riley”
“Wala naman. It’s about on hiring him”
“Oh tapos? Ayaw niya?”
“Nope. It’s the other way around” sagot niya sa kaibigan “Pinasok ko si Riley sa Mǐ Hé Ròu as janitor. Pero ayaw ni Alvin. Pinagpakiusapan niya ako that I may reconsider his application kasi naaawa na daw siya kay Riley”
“And?”
“Ayaw ko”
“Teka… e bakit janitor ang trabaho ni Riley in the first place?? He’s overqualified for that position. I mean, no offense sa mga janitor ha. Marangal naman na trabaho yun. I mean, why him??”
“Para makapaghiganti”
“What??”
“I want to see him suffer. Umpisa pa lang yan sa mga plano ko kay Riley. Marami pa akong nakatagong pasabog para sa kanya” sagot ni Jeff sa kaibigan na parang bumalik ang galit sa kanyang mga mata “At kung mangyari man iyon. Sisiguraduhin ko na pinagsisihan niya ang ginawa niya sa akin. Gagapang siya palapit sa akin at magmamakaawa sa aking kapatawaran”
“Bess. Parang sobra naman ata yon”
“And why not?? Alam ko na alam mo kung ano ginawa niya sa akin dahil nakita mo rin ng dalawang mata mo ang paglalandi ni Fred sa kanya, diba?”
“Oo bes. But it’s too much. Kinakain na ng galit ang buo mong pagkatao. Anim na taon na ang nakalipas. Hindi ka pa ba nakapag-move-on”
“No. At hindi pa ako makapag-move-on kung hindi pa tapos ang mga plinaplano ko sa kanya”
“Pero bess. I’m worried” dugtong ni Jacqui na tila malungkot ang mukha nito
“Don’t be. Kaya ko ‘to. Remember? I’m Jeffrey Dy. I can do everything I want”
“Pero hindi ka ba naaawa sa kanya?”
“For real, Jack? Pati ikaw?? Naaawa ka na din sa kanya?”
“Hindi naman, bes. Naalala mo yun nung sa coffee shop tayo? Nung sinabi ko sa’yo na may rason siya kung bakit niya ginawa yon?” at tumango si Jeff bilang sagot “What if hindi niya sinasadya yon? What if kung napilitan lang siya?”
“Anong ibig mong sabihin, Jack?”
Huminga ng malalim si Jacqui at ngumiti lang ito nga pahapyaw. “Hindi ako ang dapat magpaliwanag sa’yo yan, bes. Kundi si Riley. Dapat kayong mag-usap”
“Para sa ano pa? Kahit ano pang rason niya. Natapos na yon. Sinaktan niya na ako… at magbabayad siya”
“Bess…” tanging sabi niya kay Jeff.
“Please Jack. Huwag ikaw. Ikaw na lang ang natitira kong kaibigan”
Kaagad naman tumango si Jacqui sa pakiusap ng kaibigan “Sige. Susuportahan kita. Sana hindi mo pagsisihan ang gagawin mo sa kanya, bes. Naaawa ako sa kanya”
“Thanks bes. Salamat sa pag-intindi”
***
Samantala.
Maagang pumasok si Riley sa kanyang trabaho at parang excited na excited ito dahil inaasahan niya na bibisitahin siya muli ni Jeff doon. Nang pagpasok niya sa gusali ay nadatnan niya na busy ang lahat ng mga waiters dahil maraming customers ang kumakain sa oras na iyon.
Pumasok siya kaagad sa kanilang locker upang magbihis at maghanda na sa kanyang trabaho. Pero sa kanyang pagpasok ay nadatnan niya si Ben na nakaupo lang sa upuan at nilalaro lang ng kanyang telepono na tila may katext ito.
“Uy brad. Kanina ka pa?” bati ni Riley sa kanya. Pero hindi pinansin ni Ben ang bati ng isa “Break mo?? Parang kailangan nila ng tulong sa labas eh. Daming customers” tanong muli ni Riley habang nagbibihis ito “Alam mo, brad. Excited ako ngayon. Inaasahan ko na bibisitahin ako muli ni Jeff”
Parang uminit ang ulo ni Ben at pinatay na lang ang telepono at tumayo. “Ano bang problema mo ha?? Ang ingay mo ah”
“Wala naman akong problema, brad. Concern lang naman ako sa mga kasama mo dahil hindi nila kaya sa labas”
“E ano naman ang pakialam mo??” sabay tulak niya sa dibdib ni Riley gamit ang isang kamay nito “Kung gusto mo, ikaw ang tumulong sa kanila. Ay… oo nga pala, hindi ka pala waiter. JANITOR ka lang”
“Bakit ganyan ka makapagsalita sa akin, brad? May kasalanan ba ako sa’yo?”
“Kasalanan?? Wala naman. Nayayabangan lang ako sa’yo”
“Ha?? Bakit? Saan?”
“Huwag na…! Sige. Lalabas na ako”
Tangkang lalabas si Ben pero hinawakan ni Riley ang balikat. Tumingin na lang siya sa kamay ni Riley “Brad. Please. Mag-usap nga tayo. Ayaw ko kasi ng kaaway eh”
“Sige. Mag-usap tayo” sagot niya habang kinukuha ang kamay ni Riley sa kanyang balikat.
“Bakit ba? Ano ang niyayabangan mo sa akin? Wala naman ako naalala na pinagyayabang ko sa’yo ah. Hindi nga tayo nag-uusap. Ngayon lang naman ulit.”
Ngumiti na lang si Ben na may halong naasar na ang mukha nito “Sa tingin mo lang… pero naiirita ako sa’yo” sabay lapit ng mukha niya sa kay Riley na nanlilisik ang mata sa galit “Pinagyayabang mo na malapit kayong magkaibigan ng boss natin. Pero asan ka ngayon?? Diba janitor ka?? O saan na ang pinagyayabang mo na magiging waiter ka?? Huwag kang assuming, brad. Sobrang layo ng agwat ninyo ng boss natin at sa’yo”
“E totoo namin eh.. close kami ni Jeff. Kahit itanong mo pa sa kanya”
“Wow… talaga?? Edi mabuti. Sige, itatanong ko din sa kanya. Close din kami eh. Okay ba?” sabay tawa ni Ben.
“Ini-insulto mo ba ako??” sabat ni Riley na parang naiinis na din.
“Oo. Bakit? Napipikon ka na??” sabay taas ni Ben ng damit ni Riley “Sige. Lumaban ka brad. Tapos sasabihin ko na ikaw ang nagsimula. Siyempre, ako ang paniniwalaan dahil matagal na ako dito nagtatrabaho. Samantala, ikaw. Bago pa lang” pagbabanta niya pa kay Riley “Sige. Subukan mo para mapaalis ka na namin dito”
“Pasalamat ka… Kailangan ko tong trabaho na ‘to dahil may pamilya ako. Kung hindi….”
“…. E ano?? Papatulan mo ako ngayon?? Sige. Subukan mo… Para magkaalaman na”
“Sorry. I do not stoop down to your level. Hind pa sa ngayon”
“Wow. Nag-english pa ha. Grabe ka talaga na janitor. Sosyalin”
“Is there any problem with you two?” sulpot ng kanilang Manager na nakatayo malapit sa pintuan.
“Wala po, Ma’am. Nag-uusap lang kami ni Nathan” sabay tapik sa balikat ni Riley “Diba brad??”
“O-oo. Yes po” pang-uutal na sagot ni Riley “Nag-uusap lang kami”
“Good” sagot ng babae “Sige na, Ben. Lumabas ka na diyan at tulungan mo na ang mga kasama mo” sabay alis niya
Tumingin ulit si Ben sa kanya “Hindi pa tayo tapos. Tandaan mo yan”
Itutuloy…