Umuwi kaagad si Riley pagkatapos ng kanyang trabaho. Nang pagpasok niya sa kanilang bahay ay nahalata ni Cindy na may problema ang asawa dahil iba ang timpla ng mukha nito.
“Oh. Bakit nakakunot yang noo mo? May problema ba sa trabaho, Mahal?”
“Wala ‘to. Simpleng problema lang” sagot niya sa asawa.
“E bakit parang iba ang nababasa ko diyan sa mukha mo?” lapit niya kay Riley “Sabihin mo nga, Nathan. Ano ba ang problema mo? Baka makatulong ako sa’yo”
Bumuntong-hininga muna si Riley bago niya ikuwento sa kanyang asawa ang nangyari kanina sa restaurant “Meron lang akong kaaway sa trabaho”
“…ano?! Kaaway agad?? Nathan naman. Kabago-bago mo lang diyan, may kaaway ka na agad? Paano na ‘to? Saan ka na naman maghahanap ng trabaho??”
“Teka naman, Cindy. Huwag ka ngang O.A. .Hindi pa ako tapos eh. Pwede ba? Patapusin mo muna ako??” biglang tumahimik ang kanyang asawa at nagsimula nang muli makinig ito sa kanya “Meron lang naiinggit sa akin. Kasi sinabi ko sa kanya na close kami ng may-ari. At yun… galit siya sa akin dahil mayabang daw ako pero janitor lang daw ang trabaho ko.”
“E hindi ko naman siya masisisi eh” sagot ni Cindy na parang mainit na ang ulo.
“Bakit naman?”
“E kasi sinabi mo nga sa kanya na kilala mo ang may-ari. Natural. Maiinggit yon. Baka iniisip niya na assuming ka o talagang sipsip ka” paliwanag niya kay Riley “Sa totoo lang? Ganyan din ang magiging reaksyon ko. Ang yabang mo eh”
“Teka… kinakampihan mo ba siya?”
“Hindi naman. Naiinis lang din ako”
“Saan ka naman naiinis? Sa akin?” panghuhula ni Riley “Ang akala ko, maiintindiham mo ako dahil asawa kita, pero nagkamali pala ako”
“Hindi ako galit sa’yo. Nathan”
“E saan?”
“Kay Jeff na yan!” sigaw niya sa asawa
Nanlaki naman ang mata niya dahil parang sinisisi niya si Jeff kung bakit siya may kaaway.
“Bakit siya?? Anong kasalanan niya sa away namin ng waiter na yon?”
“Meron. Meron siyang kasalanan. Nang dahil sa kanya, umalis ka sa dati mong trabaho at nag-apply sa kumpanya niya” sambit ni Cindy “Nang dahil sa kanya, naging mababa na ang pwesto mo at may kaaway ka na. Hindi mo ba nahahalata yan, Nathan? He’s using you. Nilalaro ka lang niya sa palad niya. Binibilog ka lang niya”
“Hindi totoo yan, Cindy. Mali ang iniisip mo” tanggol niya kay Jeff “Sarili kong desisyon na umalis sa dati kong trabaho para makita ko siya. Hindi kasalanan ni Jeff yon. Kundi akin.”
“Yun nga eh. Nabubulag ka sa pagmamahal mo sa kanya pero siya, hindi ka na niya mahal. Ginagamit ka lang niya para maghiganti sa ginawa mo sa kanya noon” pagdidiin pa niya lalo kay Jeff “Diba?? Sa’yo na mismo nanggaling na hindi ka pa rin niya napapatawad??”
Biglang uminit ang ulo ni Riley sa mga pinagsasabi ng kanyang asawa tungkol kay Jeff “Tumahimik ka na kung ayaw mong masaktan, Cindy” panduduro niya “Hindi ganyan si Jeff. Kilala ko siya”
Hindi niya nakayanan ang kanyang galit at dumerecho na lang sa kwarto at nagbihis doon. Samantala naman si Cindy ay nakatayo pa din at parang may iniisip.
***
Kinabukasan. Nakaupo si Jeff sa kanyang opisina. Tulala at iniisip niya ang sinabi ng kanyang kaibigan si Jacqui kahapon. ‘What if hindi niya sinasadya yon? What if kung napilitan lang siya?’
‘Ano kaya ang ibig sabihin ni Jacqui..? Napilitan lang?? Hindi ko talaga maiintindihan’ sambit niya sa kanyang sarili.
Naputol ang pagtulala ni Jeff nang may biglang pumasok sa opisina.
“Good Morning, Sir” bati ni Gwen sa kanyang boss “Meron ka pong bisita”
“Sige, Gwen. Papasukin mo” utos niya.
Lumabas kaagad si Gwen sa opisina at mga ilang sandali lamang ang lumipas ay pumasok na isang lalaki na tila masaya ang mukha nito.
“Ben..??” sabi ni Jeff.
“Sir Jeff”
Tumayo kaagad si Jeff mula sa kanyang upuan at nagtungo sa direksyon ni Ben “Anong ginagawa mo dito?? Diba sabi ko, i-text mo lang ako kung ano na ang update sa pinapagawa ko sa’yo”
“Sorry po, sir. Hindi ka kasi nagrereply sa text ko eh”
“Busy ako” rason ni Jeff “And besides, bakit pa ba ako magrereply??”
“E gusto ko lang. Kasi gusto kita. Ginagawa ko ‘to para makapaghinganti ka sa ginawa ng gago mong ex sa’yo” sagot ni Ben habang hinimas ang pisngi ni Jeff “Ganyan kita kamahal”
Tinanggal naman ni Jeff ang kamay ng isa at parang naiirita na ito “Pwede ba, Ben. Tama na??”
“Oh bakit? Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa atin noon?” paalala ni Ben sa kanya “Pagkatapos sa nangyari sa atin?? Gaganyanin mo lang ako?? Parang wala lang sa’yo yon?? Mahal kita Jeff”
“Pero mali ito, Ben. Mahal ko si Alvin. Ayaw ko naman na masaktan siya”
“Pero ginusto mo yon, diba?? Ginusto mo ang yakap at halik ko sa’yo” paalala muli niya na parang nilalandi si Jeff “Ang bawat kadyot ko sa’yo. Ginusto mo yon”
“Hindi. Hindi ko ginusto yon. Aksidente lang lahat ang nangyari”
“Wow. Aksidente. Ang sakit naman. Pero sa akin, hindi yon aksidente eh. Dahil naramdaman ko ang pagmamahal mo”
“Well, mali ang nararamdaman mo, Ben” pagpipilit ni Jeff “At pwede ba? Matagal na yon”
“Oo nga. Matagal na. Halos isang taon na”
“Kaya kalimutan mo na yon. At hinding-hindi na mauulit yon, tandaan mo yan”
“Ayaw ko. Mahal kita, Jeff”
“Sir Jeffrey” pagtatama niya kay Ben “Itigil mo na ang nararamdaman mo sa akin. Please. Tama na. Ayaw ko na nang karagdagang problema sa buhay ko”
“Sige. Kung iyan ang gusto mo, Sir. Sorry”
“Good” sagot ni Jeff “So, ano na pala ang irereport mo sa akin?”
“Well. Ginagawa ko na ang pinapagawa mo” sagot niya kay Jeff “Sinisigurado ko na mas gugustuhin niya pang magutom ang kanyang pamilya kesa sa magtrabaho dun”
“Good. Very good”
“Ganon lang? Walang kiss?”
“Anong kiss?? Umalis ka na nga, Ben. Baka may makakita pa sa atin na nag-uusap”
“Ito naman. Nagbibiro lang ako eh. Sige na nga, alis na ako. Ba-bye” sabay kindat niya kay Jeff at kaagad lumabas.
***
Dakong alas-sais ng gabi ay hinatid muli ni Joy ang kanyang anak sa mansyon ni Jeff pagkatapos silang mamelengke. Nagmamadaling tumakbo si Marie sa kanyang Nanay-La pagkapasok nila sa bahay at parang nasasabik itong yakapin.
“Nanay-La…” sambit ni Marie habang yakap-yakap niya si Joyce “Miss na miss po kita”
“Sus… parang kanina lang tayo nagkita. Miss mo ako agad?” sagot naman niya sa batang babae habang hinihimas ang mahabang buhok nito.
“Oo kaya, Nanay-La. Miss kita kaagad eh”
“Naku. Ang batang ‘to. Napakalambing” dugtong niya sa bata “Alam mo, nung bata pa ang Papa mo, ganyan din siya sa akin noon. Niyayakap niya ako tuwing pag-gagaling niya mula sa school”
“Talaga, Nanay-La??”
“Oo apo ko” sabay kurot sa pisngi ng batang babae “Ang cute-cute mong bata ka. Kamukha mo talaga ang Papa mo”
“Pero sabi ni Papa, hindi daw siya ang ama ko, Nanay-La” pumalit ang masayang mukha ng bata sa malungkot na mukha. Naalala niya kasi na pinagalitan siya ni Jeff nung isang gabi at pinapalayas niya na ito.
“Hay naku, apo. Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan” paniniguro niya sa bata “Ito lang ang sasabihin ko sa’yo. Kahit hindi mo totoong ama ang Papa Jeffrey mo, ako pa din ang Nanay-La mo, okay?”
“Okay po, Nanay-La. Salamat po talaga”
Ginantihan na lang ni Joyce ang muling pag-ngiti ng bata at bumaling ang tingin niya kay Joy. “Joy, dito ka ba kakain? Nakaluto na ako ng hapunan”
“Naku. Huwag na po. Hinatid ko lang naman si Marie dito at tsaka aalis”
“Ano ka ba naman, Joy. Halika na dito. Kumain na tayong tatlo” sabay hila ng kamay ni Joy papunta sa hapagkainan. “Mabuti nga na nandito na kayo sa mansyon. May kasama na ako”
Magkatabi umupo si Joy at ang kanyang anak na si Marie. Umupo naman si Joyce sa kabilang parte ng mesa. Ilang saglit ay natapos nang kumain ang bata at nagpaalam na ito na umakyat sa kanyang silid.
Inisip ni Joyce na ito na ang pagkakataon na tanungin si Joy tungkol sa kanyang buhay. “Joy…” tawag ni Joyce sa babae.
Napasulyap naman si Joy sa kanya habang nangunguya ng kanyang pagkain “Bakit po?”
“May tanong ako sana ako sa’yo. Sana hindi ka magalit”
“Hmmm. Sige po, tungkol po saan?”
“Tungkol sa buhay mo, sa pamilya mo at sa trabaho mo” panimula niya “Paano mo nabubuhay si Marie?”
“Ahmm sige po” sagot niya kay Joyce “Nagtitinda lang po ako ng mga kakanin ngayon, Ma’am. Medyo mahirap nga dahil ako lang mag-isa ang nagpapalaki kay Marie. Hindi ko naman malapitan ang tatay niya noon baka magalit. Pero kinapalan ko na lang ang mukha ko ngayon at pumunta ako sa opisina ni Jeff”
“Paano naman kayo nagkakilala ng anak ko?”
“Alam niyo naman po, Ma’am kung paano kami nagkakakilala ng anak ninyo” tumango naman si Joyce bilang sagot “Sa totoo lang po, Ma’am. Hindi po ako p****k na kagaya sa iniisip ninyo. Pumasok lang ako dun dahil kinakailangan ko ng sapat na pera sa tatay ko” sabi niya kay Joyce “Nung gabing iyon, sakto din ang pagpasok ko sa club at linapitan ako ng isa sa mga kaibigan niya. Sabi niya daw, paligayahin ko daw ang kanilang kaibigan”
“At tinanggap mo naman?”
“Nung una, hindi siyempre dahil nahihiya ako. Pero kinapalan ko na lang ang mukha ko dahil kailangan ko talaga ng pera dahil nga nasa ospital ang tatay ko. Sakto din na malaki ang binigay nilang pera” kuwento ni Joy “Pero sa totoo lang, Ma’am. Ginawa ko rin yun dahil gusto ko ang anak ninyo. Isang sulyap ko lang ay napa-ibig niya na ako. Kaya nagbunga ang ginawa ko noon sa kanya”
“At iyan ang dahilan kung bakit siguradong-sigurado ka na anak yan ni Jeff?”
“Opo, Ma’am. Anak niya talaga si Marie”
Ngumiti muli si Joyce na parang umiiyak ang mga mata niya. Inabot niya ang kamay ni Joy at piniga ng mahigpit “Naniniwala ako sa’yo, Joy. Pero maghintay lang muna tayo ng resulta ng DNA Test. Hindi pa kasi sigurado si Jeff. Respetuhin na lang natin ang kanyang desisyon”
Naputol ang kanilang usapan sa pumasok na tao sa mansyon. Napatingin silang dalawa sa pintuan at nakilala kung sino ang pumasok.
“Jeff. Anak. Kumain ka na ba?” lumalapit si Jeff sa mesa pero walang imik at tinititigan lang si Joy. Subalit ang isa naman ay hindi makatingin ng derecho sa kanya dahil nahihiya ito “Ayy anak. Dito ko lang pala pinakain si Joy ha. Wala kasi akong kasama sa mansyon eh”
Umupo si Jeff sa kabisera ng mesa at kaagad kumuha ng ulam at kumain. “Well Joy. Kamusta ka na?”
“Ahmm. Ayos lang naman ako, Jeff” tanging sagot niya “Hinatid ko lang si Marie dito pero pinigilan ako ni Ma’am Joyce. Sasamahan ko daw siya na kumain. Sorry Jeff. Kumain ako dito”
“You don’t need to apologize, Joy. Okay lang. Kumain ka hanggang sa gusto mo” dugtong ni Jeff “Tutal… ‘ANAK’ ko naman ang anak mo diba? Pwede ka na pumunta dito hanggang kailan or better yet, dito ka na lang manirahan” pang-iinsulto niya kay Joy.
“Jeffrey…” sabat naman ni Joyce na tila sinasaway ito.
Tumingin naman siya sa kanyang ina “Bakit nay? Kinakampihan mo ang babaeng ‘to??”
“Hindi naman sa ganon, anak. Ang akin lang naman ay marunong kang rumespeto”
“Ganon?? E hindi nga siya marunong magpaalam sa akin na dito na pala tutuloy ang anak niya… na if I know, hindi ko talaga anak yan at ibang lalake ang ama yan”
“Jeffrey, tama na. hindi na maganda ang lumalabas diyan sa bibig ko” napatingin na lamang si Jeff sa kanyang ina at nagdesisyon na lamang tumayo. “Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain ah”
“Matutulog na ako. Nawalan na ako ng ganang kumain”.
Mabilis ang lakad ni Jeff at umakyat ito sa kanyang silid. Samantala naman ay nakayuko si Joy na parang nahihiya ito. Pero hinawakan muli ni Joyce ang kamay ng babae at tinititigan niya ito sa mata.
“Pagpasesnyahan mo na lang anak ko, Joy. Pagod siguro sa trabaho kaya mainitin ang kanyang ulo”
“Okay lang po yon, Ma’am. Sanay naman po ako na ginaganyan ako ni Jeff eh. Hindi na po bago yan sa akin” ngiti ni Joy sa kanya.
“Basta, sorry sa kanyang ugali, Joy. Tiisin mo lang ng mga ilang araw. Pangako. maiiba ang pakikitungo niya sa’yo at sa anak mo kapag lumabas na ang DNA Test Result”
“Sana nga po, Ma’am”
“Maniwala ka lang sa akin. Anak ko siya. Kilalang-kilala ko ang pagkatao niya”
Itutuloy…