Maagang naligo at nagbihis si Jeff dahil ito na ang araw na lalabas na ang DNA Test Result nilang dalawa ng batang babae na si Marie.
Habang bumababa siya sa hagdanan ay nakikita niya ang ina na naghahanda ng kanilang agahan. Napansin niya na may kasama ang kanyang ina na lalaki.
“Oh anak. Bakit ang aga mo??” sambit ni Joyce sa kanya “May importante ka bang gagawin?”
“Opo nay” sabay tingin niya sa kasamang lalaki “Bakit ka nandito?”
“Gusto lang kita bisitahin. Masama ba?” sagot ni Alvin sa kanya “Na-miss lang kita eh”
“Hindi naman. Nagulat lang ako”
“Anak…” sulpot ni Joyce sa kanilang usapan “Magbreakfast muna kayo”
“Huwag na po, nay. Kailangan ko nang umalis”
“Saan ka ba pupunta?” tanong naman ni Alvin
“Basta. May pupuntahan lang”
“Gusto mo samahan kita?”
“Wala ka bang pasok?”
“Wala. Day-off ko ngayon”
“Hmmm. Sige. Kung gusto mo, samahan mo ako” bumaling ang kanyang tingin sa ina na nakatayo at nakatingin sa kanila “Nay, mauna na po kami”
“Sige mga anak. Mag-iingat kayo”
“Okay po, nay”
Lumabas kaagad si Jeff kasama si Alvin ng mansyon at sumakay sa kanyang kotse, pinaandar at umalis agad ito. Habang nagmamaneho siya papunta sa ospital ng kanyang kuya ay may maraming tumatakbo sa kanyang utak na tila kinakabahan ito. Paano kung hindi niya totoong anak ang bata? Siguro sasama ang loob nito ng todo. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung masasaktan lang ang bata.
“Hon… saan ba tayo pupunta?” tanong muli ni Alvin habang nagmamaneho si Jeff.
“Sa ospital ni kuya. Kukunin ko na ang DNA Test Result namin ni Marie”
“Talaga?? Ngayon na ba yun?” sambit ni Alvin na parang nagulat ito na may halong pananabik ang mukha “E bakit hindi mo sinabi sa nanay mo kanina?”
“Ayaw ko muna ipaalam sa kanya. Natatakot kasi ako”
“Natatakot saan?”
“Baka hindi ko anak ang batang iyon. Kinakabahan lang ako”
Hindi alam ni Alvin kung paano mapapagaan ang nararamdaman ni Jeff. Inabot niya na lang ang isang kamay nito na nakahawak sa manibela at hinalikan ito “Everything will be alright, hon” ngumiti naman si Jeff ng pahapyaw bilang sagot sa sinabi ni Alvin.
Dumating sila sa ospital na halos kalahating oras ang biyahe. Natagalan si Jeff sa pagmamaneho dahil mabigat ang daloy ng traffic sa mga oras na iyon.
Habang naghihintay na sila sa klinika ng doktor ay parang kinakabahan ito lalo sa magiging resulta ng DNA. “Kinakabahan talaga ako, hon” sambit ni Jeff.
“Kumalma ka, okay?? Relax”
Ilang saglit ang lumipas at pumasok ang doktor na may hawak-hawak na malaking brown envelope.
Dumerecho ito sa kanyang upuan at kaagad umupo.
“So, ano po ang resulta dok?” tanong ni Jeff sa kanya na parang kinakabahan ito.
“You better see it for yourself” abot ng doktora ng brown envelope sa kanya.
Kinuha naman ito ni Jeff at tinignan muna mabuti ang envelope. Huminga ng malalim at hinugot ang papel na nasa loob nito. Binasa niya ito ng mabuti. Bawat nakasulat sa papel na iyon ay kanyang binasa na parang naniniguro talaga ito.
Pagkatapos niyang basahin ay kaagad niyang binalik sa envelope. Tumayo at kinamay ang doktor “Thank you, dok. Ngayon ay alam ko na ang katotohanan. Pagpasensiyahan mo lang ako nung huli akong pumunta dito”
“Don’t worry, Mr. Dy. Naiintindihan ko”
“Salamat. So, alis na kami”
***
Samantala sa mansyon ni Jeff.
“Nanay-La, bakit po hindi ako pwedeng ilabas ngayon ni Mama?” nagtatakang tanong ni Marie sa kanya. “At bakit pinaalis niyo siya...?”
“E kasi apo… inutos sa akin ng Papa mo na huwag ka munang lumabas ng mansyon ngayon. Katatawag niya lang nga eh”
“Bakit nga po?”
“Hindi ko rin alam apo” napasulyap si Joyce sa labas ng bahay dahil may narinig siyang ingay ng sasakyan “Oh.. andiyan na pala ang Papa mo eh”
Naaninag ni Joyce na parang nagmamadaling bumababa ang anak sa kanyang sasakyan. Tumakbong papasok sa mansyon.
Napatigil na lamang si Jeff sa pintuan na nakaharap sa ina “Saan si Marie, nay”
“Iyon sa sala. Nanonood ng TV” sagot niya sa anak “Bakit anak? May problema ba?”
Sumulyap naman si Jeff sa bandang kanan niya at nakita nga ang bata na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.
Marahang lumalakad si Jeff patungo sa sala habang tinititigan ang bata. Nakasunod naman sa kanyang likuran si Alvin “Marie” tawag ni Jeff “Anak…” sabay tulo ng kanyang luha.
Napatingin din ang bata sa kanya. “Po…??”
“Halika… Yakapin mo ang Papa mo” sambit ni Jeff na nakaluhod na ito sabay unat ng kanyang dalawang braso na handang magbigay ng mainit na yakap. Tumayo naman si Marie sa sofa at lumapit sa ama at niyakap ito ng mahigpit. Nagyakapan silang dalawa na parang matagal na panahon sila hindi nagkita “Anak. Patawarin mo ako. Patawad kung hindi pinaniwalaan na anak kita”
“Okay lang po yun, Papa. Hindi naman ako galit sa’yo eh” paniniguro ng anak “Ang importante po sa ngayon na niyayakap ko na ang Papa ko…”
Biglang sumagi sa isipan ni Jeff na kung paano sila nagkita ng kanyang ama na si William noon. Galit na galit siya sa kanyang ama, na parang sinusumpa niya ito. Pareho sila ng kanyang anak na matagal ang pagkawalay nila sa kanilang ama.Pero iba si Marie. Hindi siya nagtanim ng galit sa kanya. Pinatawad niya pa rin ito kahit pinagtabuyan pa siya nito.
“Anak… patawad talaga” iyak pa ni Jeff sa anak.
“Si Papa talaga. Ang kulet. Hindi nga ako galit sa’yo”
“Alam ko. Pero gusto ko lang humingi ng tawad sa’yo” tinanggal niya ang kanyang kamay sa pagkaykap at hinawakan ng kanyang mga palad ang magkabilang pisngi ng bata “Pangako ko sa’yo anak. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay. Aalagaan kita”
“Salamat po Papa dahil tinanggap mo na ako bilang anak. Salamat po talaga” ganti din niya at nag-umpisa na siyang umiyak.
“Babawi ako sa’yo, anak. Pangako yan”
“Anak… ano ang ibig sabihin nito?” sulpot ni Joyce
Tumayo si Jeff habang karga ang anak niya at humarap sa kanyang ina “Lumabas na kanina ang resulta ng DNA, nay. Positive. Anak ko si Marie”
Biglang umiyak din ang ina ni Jeff at tinakpan ito ng kanyang kanang palad. Dumerecho sa mag-ama at sumali sa kanilang yakapan. “Masaya ako anak dahil napatunayan mo na anak mo talaga si Marie”
***
Magkatabi humiga sina Jeff at ang kanyang anak sa kama habang si Alvin naman ay nakaupo sa gilid at tinititigan ang dalawa.
“Magkamukha talaga kayo noh?” sambit ni Alvin at nakatingin sa natutulog na si Marie.
“Oo nga eh..” sabay ngiti ni Jeff
“Tatay ka na talaga, hon” biro niya kay Jeff “Kumpleto na tayong pamilya oh. Ako ang tatay, ikaw ang nanay, at ang baby girl natin”
“Loko ka talaga hon” sabay suntok na marahan si Alvin sa braso “Nanay talaga ha??”
“Pero seryoso… masaya ako ngayon para sa atin… Sabik na sabik na ako na makita kita at makasama sa altar habang binabanggit natin ang ating mga panata sa isa’t-isa” dugtong ni Alvin habang tinititigan niya ang mga mata ni Jeff. “Kelan kaya yon?”
“Malapit na yon, hon. Huwag kang mag-alala”
“Bukas kaya… magpakasal na tayo”
“Hon..?? Okay ka lang?? Diba napag-usapan na natin ‘to?”
“Okay-okay. Sorry. Hindi ka pa ready ngayon dahil marami ka pang dapat patunayan” kita sa mukha ni Alvin ang lungkot.
Nahalata naman ito ni Jeff “Hon… galit ka?”
“Hindi hon. Naiintindihan kita. Sorry kung naging makulit ako. Don’t worry, okay?”
“Salamat, hon”
“Sige na. Matulog na kayo”
***
“Ano ka ba namang bata ka…??! Simpleng equation lang, mali pa??!” sambit ni Jean sa kanyang anak na parang pinapagalitan habang gumagawa sila ng takdang-aralin. “Ayusin mo…”
“Ano ba yan?? Ang ingay…” dugtong naman ng asawa niya na si Richard. “May ginagawa ako dito oh… pwede ba, tumahimik kayo??”
Sinunod kasi ni Jean ang sinabi ng kanyang lola na pakasalanan na lang ang ama ng kanyang anak dahil ito na lang ang kanilang pag-asa para umangat muli sa lipunan at mapantayan si Jeff.
“Ito kasing anak mo eh” sagot ni Jean “Hindi marunong mag-minus eh. Ano na?? Bilisan mo na, Michael. Napakabobo mong bata ka”
Hindi napigilan ni Richard ang awa sa anak at linapitan na lang ang kanyang mag-ina“Jean… ako na lang ang magtuturo sa kanya. Magpahinga ka na dun. Alam ko naman na pagod na pagod ka din sa trabaho”
“Haay salamat” sabay tayo ni Jean “Ngayon pa kasi umalis ang walang kwenta niyang yaya eh. Wala tuloy magtuturo nito sa kanya”
“Magpahinga ka na nga dun sa loob” sabay halik ni Richard sa asawa. Ako na lang ang bahala sa anak natin”
“Sige… magpahinga ka na din pagkatapos mo diyan”
“O sige”
Kaagad umalis si Jean sa sala na hindi hinalikan ang asawa o ang kanyang anak man lang. Hindi niya namalayan na sinusundan siya ng mga mata ng anak niya papasok ng silid.
“Daddy…?” panimula ni Mike sa ama.
“Hmmmm..?? Bakit Mike?”
“Galit ba si Mommy sa akin?”
“Hindi, anak. Bakit mo naman nasabi yon?”
“Kasi pinagalitan niya ako kanina nung hindi ako makasagot sa assignment ko”sambit ni Mike na parang malungkot ang mukha nito “Parang na disappoint ko si Mommy eh”
Napatingin naman si Richard sa anak at hinamas ang ulo nito “Hindi naman siguro anak. Nagalit lang ang Mommy mo dahil pagod siya sa kanyang trabaho pero hindi siya galit sa’yo. Maniwala ka”
“Talaga po…?”
“Oo anak. Mahal ka namin ng Mommy mo” paniniguro niya sa anak “Sige na, mag-aral na tayo para makakuha ka ng mataas na grades. Para ikaw ang magpatuloy sa negosyo natin sa hinaharap”
“Sige po, Daddy”
***
Habang naglalampaso ng sahig si Riley sa dining area ng restaurant ay may napansin siya na hindi maganda dahil ang kanyang natapos nang nalampaso na sahig ay naging marumi ulit ito.
Nakita niya na si Ben ang walang panay na lumalakad sa basang sahig at tila sinasadya niya itong marumihan. Tinignan niya lang ito at hindi lang umangal at pinagpatuloy niya na lang ang paglampaso ng sahig. Pero hindi pa rin tinantanan ni Ben si Riley at binangga niya ito. Napatumba si Riley dahil sa malakas na pagbangga sa kanya na parang tinulak talaga ito.
Hindi napigilan ang galit ni Riley at tumayo ito at sinuntok si Ben ng malakas. “Kanina ka pa ah??!!! Ano ba problema mo??”
“Sorry brad… hindi ko sinasadya na matumba ka” sagot naman ni Ben na parang umaarte ito
“Ano ‘to?? Bakit kayo nag-gugulo?” sulpot ng kanilang Manager
“Ito kasi si Ben, Ma’am eh” turo niya kay Ben “Tinulak ako. Alam niya naman na naglalampaso ako dito”
“Totoo ba ‘to, Ben?” tanong ng Manager sa kanya.
“Opo, Ma’am. Pero hindi ko naman sinasadya eh” rason niya “Nawalan kasi ako ng balance at napasandal ako sa kanya. Yun. Natumba din siya. Nagulat nga lang ako na sinuntok niya na ako ng malakas eh”
“Anong hindi sinasadya?? Tinulak mo ako eh” tanggol ni Riley sa kanyang sarili “Hindi naman ako ganun ka-lampa na matutumba sa simpleng sandal mo lang”
“E sorry, brad. Hindi ko talaga sinasadya. Pasensiya ka na talaga”
“Hindi naman pala sinasadya ni Ben, Nathan. Patawarin mo na siya” sambit lang ng Manager sa kanya. “Huwag ka lang mag-iskandalo sa restaurant ko na maraming taong kumakain”
Nagulat naman si Riley sa sinabi ng Manager sa kanya. Parang hindi niya inaasahan iyon dahil hindi naman niya inalam lahat ng pangyayari at kaagad siyang nagpasiya nang ganon lang.
“Ano?? Ganon lang, Ma’am?? E hindi mo nga inalam ang totoong pangyayari…”
“Alam ko na. At alam ko na mali si Ben pero hindi niya naman sinasadya iyon at siya na ang humingi ng tawad sa’yo” tanggol ng Manager kay Ben “Ikaw pa kaya ang grabeng mag-react na parang inalipusta ka”
“Totoo naman, Ma’am eh” sigaw ni Riley “Hindi mo alam ang tunay na rason kung bakit ginawa niya yon. May galit ang Ben na yan sa akin. I’m sure na parte yan sa plano ang na ginawa niya kanina”
“Hindi totoo yan, Ma’am. Grabe naman siya makapagbintang sa akin” patuloy pa din ang pag-aarte ni Ben “Oo.. kasalanan ko kung bakit siya natumba pero hindi ako ganong tao, Ma’am. Alam mo naman kung gaano ako kabait diba? Tumagal ako dito sa Mǐ Hé Ròu na malinis ang record ko”
“Actually. You’re right, Ben” sambit ng Manager “Matagal ka na dito sa restaurant na ‘to ng walang masamang record”
“Ano?? Pinagtatanggol mo talaga ang lalaking yan?? Ma’am naman. Sana maging fair naman kayo sa judgement ninyo”
“Are you questioning my judgement, Nathan?? May I remind you na kabago-bago mo lang magtrabaho dito. Ngayon lang ako na nakaranas ng ganitong kagulo nung pumasok ka dito” sagot niya kay Riley “Hindi ko nga alam kung bakit ka pa pinasok ng H.R. namin dito eh. Ang bastos ng ugali mo”
“Hindi naman ako maging ganito kung hindi sa kanya eh”
“Tama na, Nathan. Ayoko na marinig ang boses at ang wala mong galang. You’re fired”
“Po…??” nanlaki pa lalo ang mata ni Riley sa pagpaalis ng Manager sa kanya sa trabaho “Ganon lang?? Papaalisin niyo na ako?”
“Oo. Isa kang malaking banta sa mga tao dito. Napaka-bastos mo”
“Fine” sagot niya “Aalis na ako. Mas mabuti pang magutom ang pamilya ko kesa magkatrabaho kayo. Hindi kayo patas sa tauhan ninyo…”
“Then go. Umalis ka na” sagot ng Manager “Hindi ka namin kailangan dito”
Tumingin si Riley kay Ben na parang nakangiting demonyo pero ginantihan lang niya nang nanlilisik na tingin. “Magkikita pa tayo, Ben” pagbabanta niya dito.
Itutuloy…