Chapter 12 (Ang Hindi Inaasahan)

2709 Words
Galit na galit si Riley habang naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay. Pinaalis siya kasi ng Manager ng restaurant na kung saan siya nagtatrabaho. Parang hindi kasi makatarungan ang paghusga ng Manager dahil hindi naman ito inalam ang buong pangyayari sa kanila ni Ben. ‘Walang hiya ka, Ben. Isusumbong kita bukas kay Jeff. Tignan lang natin kung sino na ngayon ang papaalisin sa trabaho’ sambit ni Riley sa kanyang sarili. Malayo ang kanyang nilakad mula sa eskinita dahil nagdesisyon na lang ito na huwag sumakay ng tricycle at lumakad na lang. Habang naglalakad ito ay may nahalata siyang nakasunod sa kanya na sasakyan. Madahan ang takbo nito na parang sinusundan talaga siya. Ilang saglit lamang ay naramdaman niyang bumukas ang pinto ng sasakyan at may bumaba mula dito pero hindi niya lang pinansin at patuloy pa din sa paglakad. “Brad” tawag ng isang lalaki mula sa kanyang likuran. Lumingon naman siya sa dalawang lalaki na may hawak na sigarilyo. “Bakit?” “May lighter ka ba?? Pa sindi naman” “Naku brad. Pasensya na. Hindi ako naninigarilyo eh” sagot niya at tumalikod sa dalawa. “Aba… Bastos ‘to ah” sambit ng isang lalaki at hinabol siya at sinuntok ito sa tiyan. Napahawak naman si Riley sa kanyang sa tiyan sa sobrang sakit “Ano? Masakit??” hawak niya sa balikat ni Riley at sinuntok uli ito tiyan “Huwag ka kasing bastos, brad” “Ano ba ang kasalanan ko sa inyo. Kung pera ang kailangan ninyo. Kunin nyo na lang” “Aba. Ang yabang. Hoy… hindi namin kailangan ng pera mo” sagot ng isang lalaki na nasa kanyang likuran niya at hawak-hawak siya. “Gusto lang naman namin sabihin sa’yo na huwag kang masyadong magyabang. Kasi nakakairita din minsan ang pagyayabang mo” “Bakit? Sino ba kayo?? Hindi ko nga kayo kilala eh” “Hindi kilala?? Pwes, magpapakilala kami..” Pinagpatuloy ng dalawang lalaki ang pambubugbog kay Riley. Ginawa siyang punching bag ng dalawa na hindi niya naman kilala kung saan at sino ang mga lalaking ito. Pagkatapos nila ginawa iyon ay kaagad silang umalis gamit ang kanilang sasakyan. Iniwanan nila ang duguan na si Riley sa tabi ng daan na puro pasa, bukol at sugat sa buong katawan. Halos ungol na lang ang lumalabas sa kanyang bibig dahil hindi niya maibuka ang bibig at hindi niya maigalaw ang katawan sa sobrang sakit. *** Kinabukasan. Magkatabi natulog sina Jeff at ang kanyang anak na si Marie sa kanyang silid. Ito ang unang umaga na magkasama sila sa kama na nagyayakapang bilang mag-ama. Napakahigpit ng yakap ni Marie sa kanyang ama na parang ayaw niyang bitawan ito. Mahal na mahal niya talaga ang ama na kahit ngayon lang sila nagkita. Nagising si Jeff ng mga bandang alas-siyete ng umaga. Inalis niya ang nakayakap na kamay ng anak sa kanyang katawan. “Anak…” kalabit niya kay Marie “Gising na. May pasok ka pa” Dumilat naman kaagad ang mata nito at tumingin sa ama “Good morning, Papa” “Good morning din, anak” ganti ni Jeff “Sige na, bumangon ka na at maligo. Ako ang maghahatid sa’yo sa school mo” “Anong school po?? Diba hindi na ako nag-aaral, Papa??” “Alam ko. Pero sasamahan kita ngayon sa school para pumasok. Ako na ang papaaral sa’yo, anak” “Talaga po??” “Oo anak” Tumayo naman si Marie sa galak at lalabas sana ng silid pero tinawag siya ng ama “Marie, saan ka pupunta?” “Doon po sa baba, Papa. Maliligo po” sagot niya kay Jeff “Si Nanay-La kasi ang nagpapaligo sa akin eh” “Ganon?? Dito ka na lang sa banyo ko” utos niya sa anak “Ako na lang ang magpapaligo sa’yo. Tutal, maliligo din ako. Sabay na tayo” Muling natuwa si Marie sa pagboluntaryo ng ama. Pumasok siya sa banyo ng silid ng ama at ganon din si Jeff para sabay na lang sila maligo. Pagkatapos nito ay bumaba sila mula sa kanilang silid para kumain ng agahan. “Nandiyan na pala kayo..” sambit ni Joyce na naghahanda ng kanilang agahan “Kumain na kayo” “Sige po, nay” ngiti ni Jeff sa ina. “Kamusta pala ang tulog ninyo?” habang umuupo ang dalawa sa hapag-kainan “Hindi bumaba si Marie para paliguan ko ah” “Okay naman po ang tulog namin, nay. Mahimbing naman” dugtong niya sa ina at tumingin sa anak “Sinabi ko kasi sa kanya na doon na lang maligo sa banyo ko. Ako na lang ang nagpaligo sa kanya” “Ahh. Kaya pala…” sambit ni Joyce “Spoiled na ng Papa niya” sabay ngiti nito. “Pupunta pala kami ngayon sa paaralan niya, nay. Mag-eenroll na siya” “Wow. Mabuti yan anak. Maipatuloy na ng apo ko ang kanyang pag-aaral” Pagkatapos nilang mag-agahan ay kaagad silang umalis gamit ang sasakyan ni Jeff. *** Nang pagdating nila sa isang private school ay kaagad lumakad si Jeff at ang kanyang anak na si Marie sa Registrar para ipa-enroll ang kanyang anak. Naging mabilis lang ang kanilang transaksyon sa loob dahil kilalang-kilala si Jeff at naipasok agad ang kanyang anak sa klase. Habang lumalakad sila sa papunta sa silid ni Sky ay nakatingin ang mga nanay kay Jeff na parang kinikilig ang mga ito nang pagkita nila kay Jeff. Talagang guwapong-guwapo sila sa ama ni Marie at tila hindi pa rin kumukupas ang alindog niya kahit sa mga babae. “Papa... nakatingin sila sa’yo oh” pansin ni Marie “Hayaan mo na sila anak. Hindi ko din naman sila type eh” sambit niya naman sa anak. Sakto din na nakarating na sila sa silid at binatawan na niya ang kamay nit okay Marie “Oh... andito ka na, anak. Sa wakas ay ipagpapatuloy mo na rin ang pag-aaral mo. Palaging makinig sa teacher mo ha... at be friendly” “Opo Papa. Susundin ko po ang payo ninyo” “Very good” ngiti niya sa anak “So alis na ako ha... gusto mo ba ako na mismo ang magsusundo sa’yo dito mamaya?” “Hmmm. Pwede din po, Papa” sagot ng anak pero parang nag-aalala ang mukha nito “Pero baka may trabaho ka po. Okay lang naman sa akin na si Mama ang magsusundo eh” “Kung sa bagay, anak. Tama ka. Bukas na lang siguro. Sasabihin ko na lang sa Mama mo na siya na lang ang magsusundo sa’yo” pagsang-ayon niya kay Marie “Teka, may cellphone ka ba? Para naman matawagan kita kung parating na ako sa school mo bukas” “Cellphone po?? Wala po ako nun. Mahirap lang po kasi kami ni Mama kaya hindi niya ako mabilhan” “Ganon ba?? Sige. Bibili ako mamaya ng cellphone mo. Ano ba ang gusto mong model, anak?” “Huwag na po, Papa. Nakakahiya naman” “Bakit ka naman mahihiya. E anak kita” pagdidiin ni Jeff sa anak “Sige na, Marie. Ano gusto mong cellphone?” “Hmmm. Kahit ano na lang po, Papa. Ikaw na po ang bahala” “Sige, anak. Bibili kaagad ako pag-alis ko dito. So, alis na ako ha” “Thank you po ulit, Papa. I love you po” sabay halik sa pisngi ng ama “Mahal din kita, Marie. Bye anak. See you later” Pumasok kaagad ang bata sa loob ng silid habang si Jeff naman ay lumakad na rin palayo sa kwarto. Hindi niya na lang pinansin ang mga nanay na kinikilig habang lumalakad ito. “Shiit. Siya ba si Jeffrey Dy?? Ang gwapo niya pala...” sambit ng isang nanay sa kanyang katabi ding nanay. “Ang yummy niya...” “Oo nga... Jeffrey... anakan mo ako....” dugtong din naman ng isa “Huuy. Tumahimik nga kayo, baka marinig ka niya. At parang mga dalaga pa ‘to. Tandaan niyo, may mga asawa na kayo...” “Ito naman... parang KJ eh. Minsan lang kaya tayo makakita ng mga ganitong kagwapo na lalaki” sagot ng unang nanay sa kanyang katabi “Aminin mo. Hindi ba nabuhay muli ang katawang lupa mo nang makita mo siya...?” “Hmmm. Aaminin ko, ang gwapo niya...” “Oh kita mo. Kung ako sa’yo, tumahimik ka na lang diyan and enjoy the view” Napangiti na lang si Jeff sa mga bulong nga mga nanay sa kanyang gilid at patuloy na lang lumakad palabas ng paaralan at sumakay sa kanyang sasakyan. *** Pagkatapos niyang bumili ay dumerecho siya sa kanyang trabaho. Pumasok siya sa main entrance ng building at doon siya sinalubong ng kanyang Assistant na si Gwen. “Good morning, Sir” “Good morning, Gwen” ganti ni Jeff sa kanya “So, what’s my schedule for today?” habang naglalakad siya patungo sa elevator. Nakasunod naman ito sa kanya habang binabasa ang planner. “Hmmmm.. as of now, Sir. Wala ka namang schedule” sambit ni Gwen “Pero you have a meeting later 4 pm para sa Hidalgo Breweries” “Teka… ngayon na ba yon?” kunot ng noo ni Jeff. Bumukas din ang pintuan ng elevator at pumasok silang dalawa dito. “Yes, sir. Ngayon na yon” Ang Hidalgo Breweries ay isa sa pinakamalaking brewing company sa Barcelona na matatagpuan sa España na may balak na mag-invest sa Pilipinas. Interesado ang kumpanya ni Jeff na kunin ang multi-milyong proyekto ng kumpanya at sa kanila na lang mag-invest. Si Don Rolando Hidalgo ang may nagmamay-ari nito at siya din ang President at C.E.O / Chief Executive Officer. “Oh my god…” sambit ni Jeff at napakagat ito ng labi. “Bakit, Sir?” “Hindi ako nakapaghanda ng presentation natin, Gwen” sambit ni Jeff na parang namumutla ang bibig “Naging busy ako this past few days. Nawala sa isip ko” “Don’t worry, sir. Ready na ang presentation ninyo mamaya. Everything is set” “Are you sure?” “Yes, sir. Sigurado ako” paniniguro sa kanya ni Gwen “Ang gawin mo na lang ay i-review ang presentation na ginawa ko para maging ready ka mamaya” “Thank you, Gwen” sabay hinga ng malalim ni Jeff na parang nakaramdam ng ginhawa “Salamat talaga at nandiyan ka. Thank you. Thank you talaga” “It’s okay, Sir. It’s my job” at sakto din bumukas ang elevator. Lumabas silang dalawa dito at muling naglakad papunta sa opisina ni Jeff. Nang pagbukas niya ng pintuan, laking gulat niya na may nakatayong lalaki sa loob at naghihintay sa kanya. “Gwen..??” “Yes, Sir?” “Pwede mo ba kaming iwan?” Walang sabi ay tumalikod ang assistant at lumabas ng opisina. “Hey baby… kamusta ka na??” sigaw ng lalaki sa kanya. “Anong ginagawa mo dito…??” sabay lapit ni Jeff sa lalaki “Napakatigas talaga ng ulo mo noh? Diba ang sabi ko, huwag ka nang bumalik dito?” “Sorry na… ‘to naman, parang hindi mo ako na-miss” sambit ni Ben na tangkang hahalikan siya sa pisngi pero lumayo si Jeff dito. “Bakit ka ba nandito?” “Woah. Ganon lang? Hindi ka talaga malambing sa akin” “Cut the crap, Ben” dugtong ni Jeff “Ano ba ang kailangan mo” “Well… Iniinform lang kita na nagawa ko na ang gusto mo” sambit niya at umupo sa upuan ni Jeff “… na pahirapan ko ang wala mong kwentang ex. As in literal na pahirap” “And what exactly is that??” “Well, pinaalis lang naman namin siya sa restaurant” sagot nito. “E bakit niyo pinaalis?? Diba ang sabi ko, pahirapan niyo lang?” “Oo nga. Pinahirapan ko nga” sambit nito na parang may pinagmamalaki “E saan dun ang paghihirap mo sa kanya?” “Well, meron akong inutusan na sundan siya hanggang sa pag-uwi niya” pagkuwento ni Ben ang buong detalye ng kanyang ginawang paghihirap kay Riley “Tapos, binugbog nila si Riley. Heto nga ang mukha niya oh” sabay abot ng litrato ni Riley na duguan ang mukha. Kaagad niyang sinauli ang mga litrato kay Ben at nagtungo sa kanyang mesa na parang natatakot ang mukha nito. “Bakit mo ginawa yon, Ben?? So, kamusta na siya ngayon? Buhay pa ba siya?” tanong ni Jeff na parang nag-aalala na kay Riley. “Oh bakit?? Nagiguilty ka??” “Hindi naman sa ganon. Pero…” “… pero ano?? Naaawa ka na sa kanya??” hula ni Ben “May I remind you na siya ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon. Siya ang dahilan na nagdurugo ang puso mo ngayon” “Pero hindi ko naman sinabi na ganito ang gawin mo sa kanya…” pagdidiin ni Jeff “Hindi ka ba naaawa sa kanya? Paano kung mamatay siya?? Paano ang pamilya niya?” “E siya?? Hindi ba siya naaawa sa’yo nung ginawa niya yun??” Pabalik-balik si Jeff sa kanyang silid na parang hindi alam kung ano ang kanyang gagawin “Mali ‘to, Ben. Paano kung malaman niya na ako ang may kagagawan nito? Ipakukulong niya ako. Ang tanga-tanga mo talaga” “Hindi mangyayari iyon. Mayaman ka diba? Magagawa mo lahat ng gusto mo” paalala niya kay Jeff “At isa pa, ginawa ko naman ang gusto mo para maging masaya ka Jeff” “Pero hindi ko ‘to hiningi sa’yo” habang papunta siya sa pintuan ng opisina “Ang gusto ko lang naman ay pahirapan siya, hindi ang masaktan siya” “Ganon din naman yon eh. Hirap at Sakit. Pareho din yun” “Bahala ka nga sa buhay mo… ayaw kitang makausap” “Saan ka pupunta??” tanong niya kay Jeff habang nakahawak na sa doorknob ng pinto. “Pupuntahan ko siya. Aalamin ko kung ano na ang kalagayan niya” *** Bumaba si Jeff mula sa kanyang opisina gamit muli ang elevator, at sa kanyang paglabas, sakto din na nakatayo doon si Gwen. “Sir Jeff… Meron po akong sasabihin sa inyo” panimula ni Gwen na parang nagmamadali itong sabihin sa boss. “It’s about Riley??” hula niya “Paano niyo po nalaman?” “Long story” sagot ni Jeff “Oo nga pala, saan siya ngayon?” “Sa ospital po. Sa Provincial Hospital” “Sige. Pupunta na ako dun” “Sigurado ka po, Sir?” “Of course. Siyempre, tauhan ko ang naaksidente” Nagmamadali lumabas si Jeff ng gusali at sumakay sa kanyang sasakyan. Nagtungo kaagad ito sa ospital na kung saan naka-admit si Riley. Nadatnan ni Jeff si Riley na nakahiga sa isa sa mga kama ng ward ng ospital. Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa nakahiga niyang ex. Pilit na pinipigilan ang kanyang iyak dahil sa awa, dahil kasalanan niya na kung bakit nasa ospital si Riley ngayon. Habang palapit siya ay nakita siya ni Cindy na kasalukuyang bantay sa kanyang asawa. Pinuntahan siya kaagad nito at biglang sinampal ng napakalakas. “Hayup ka. Ang kapal din ng mukha mong magpakita dito” sambit ni Cindy na nangangalit na ang ngipin sa galit. “Andito lang ako para kamustahin si Riley” “Wala kang pakialam kung ano ang kalagayan niya ngayon” pagmamatigas pa ni Cindy “Ikaw lang naman ang dahilan ng lahat ng ‘to” “Please. Don’t make a scene” “Gagawin ko ang gusto ko dahil ako ang asawa niya, okay?? So pwede ka nang umalis” pagtataray muli ni Cindy sa kanya “Sige. Alis na ako” tanging sagot ni Jeff Tangkang aalis na sana siya pero nakita siya ni Riley na kagigising lang mula sa pagtulog “Jeff… huwag kang umalis” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD