Humarap muli si Jeff at nakita niya na gising na pala si Riley. Parang masaya ang mukha nito kahit na namamaga pa ang kanyang kaliwang mata dahil sa bugbog ng dalawang lalaki.
Lumapit naman siya kaagad sa nakahiga niyang ex na tila nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa kaba niya kay Riley dahil baka kung ano na ang nagyari sa kanya.
“Kamusta ka na?? Ano ba ang nangyari sa’yo?”
“Wala ‘to. Pinagtripan lang ako sa daan pero huwag kang mag-aalala. Okay na ako”
“Sigurado ka?? Parang hindi ka pa okay eh”
“Oo nga, Jeff. Don’t worry, malayo ‘to sa bituka” sabay ngiti ni Riley.
“Oh sige. Baka may kailangan ka. Sabihin mo lang sa akin ha??”
“Huwag ka nang mag-abala pa, Jeff. Okay naman ako eh. Baka makauwi na ako bukas at makapasok ulit sa trabaho” at may naalala pala siya “Ay mali. Wala na pala akong trabaho”
“Ha?? Bakit?”
“Tinanggal na ako ng Manager mo sa Mǐ Hé Ròu eh”
“Talaga? Hindi ko alam yan. Ano ba ang nangyari?”
“Basta. Explain ko lang sa’yo kapag okay na ako”
“O sige. Basta magpagaling ka agad ha?” pakiusap niya sa kanyang ex “Don’t worry, ako na lang ang magbabayad sa gastusin ninyo dito”
“Naku! Salamat na lang. Pero kaya ko na tong bayaran ang bill ng asawa ko dito. Public hospital ito noh” sulpot ni Cindy sa usapan “If I know, nagi-guilty ka lang sa ginawa mo at bumabawi ka ngayon”
“Tumahimik ka nga Cindy” saway ni Riley sa asawa “Tinutulungan na nga tayo eh. Tapos aawayin mo pa”
“Okay lang yan, Riley. Baka ganon lang siya talaga magpasalamat” sabay ngiti ni Jeff kay Cindy “So pano, alis na ako ha?”
“Sige Jeff. I know na may trabaho ka pa. Salamat sa pagbisita mo sa akin dito” sambit ni Riley na abot-tenga ang kanyang kay Jeff “Mag-iingat ka sa pag-alis mo”
“Salamat din dahil okay ka na ngayon” sagot naman niya kay Riley
“Bye.”
“Bye”
Tuluyan nang lumabas si Jeff sa ward ng ospital nang may biglang may tumawag sa kanya mula sa loob. Lumingon naman siya kaagad at nakita niya na lumalakad patungo si Cindy sa kanya.
“Bakit Cindy?”
“Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa’yo na, ang galing mo magpanggap” pang-iinsulto niya kay Jeff “Kung nabilog mo ang ulo ni Nathan na parang concern na concern ka sa kanya. Ibahin mo ako, Jeff. Hinding-hindi mo ako mauuto”
“Okay. Naiintindihan ko naman yun” sabay talikod ni Jeff pero hinawakan siya ni Cindy sa kanyang braso.
“Hindi pa ako tapos, Jeff”
“Ano pa ba ang gusto mo, Cindy?”
“Stay away from my husband and leave him alone”
“Ganon ka ba kumausap sa tao na concern sa asawa mo?” balik ni Jeff sa kanya “Ako na nga ang nagmamagandang loob na tulungan kayo, inaaway mo pa ako?”
“Hindi. Pero ganito ako kumausap sa tao na hindi ko gusto” balik ni Cindy “Ito ang tandaan mo, Jeff. Kung mapatunayan ko lang na may kinalaman ka sa mga nangyayari ngayon kay Nathan. Humanda ka. Hindi mo alam kung paano ako bumwelta” pagbabanta niya kay Jeff.
Ngumiti na lamang si Jeff na may halong pang-iinis na tawa sa kanya “Ateng… kung ako sa’yo, tumigil ka muna sa pag-iinom ng kape. Baka sakali mabawas-bawasan lang ang kaba mo. Nagpapraning ka na eh” sabay alis ni Jeff na tumatawa .
***
Bumalik si Jeff sa kanyang opisina para magreview ng kanyang presentation para sa kanyang meeting sa Hidalgo Breweries. Nang pagpasok niya sa opisina ay kaagad siyang umupos sa kanyang upuan. Sumandal ito at huminga ng malalim. Parang nahimasmasan ito dahil alam niya na ang kalagayan ni Riley sa ospital at wala na siyang problema.
Biglang naisip niya na tigilan na lang ang kanyang paghihiganti sa kanyang ex na si Riley. Ayaw niya naman itong masaktan ng lubusan dahil naaawa naman siya sa kanya kahit matindi ang galit niya dito.
Binuksan niya ang kanyang laptop at nagsimula nang magbasa para sa presentation niya mamayang hapon. Nang may biglang kumatok sa pintuan.
“Pasok” sambit nito.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na mukha sa opisina niya. Isang lalaki na nakadamit ng pulis na uniporme na naglalakad patungo sa kanyang mesa at umupo sa harapan ni Jeff. “Kamusta ka?”
“Okay lang naman ako, hon. Bakit ka naparito?”
“Actually, kanina pa ako eh” sagot ni Alvin “Pero sabi ni Gwen, pumunta ka daw sa ospital.”
Nanlaki ang mga mata ni Jeff sa sinabi sa kanya ni Alvin na alam niya na kung saan siya kanina pumunta “Ah. Oo, hon. May pinuntahan lang ako dun”
“At sino naman yun?” pero hindi makasagot si Jeff sa tanong ni Alvin at panay lang ang kanyang tingin sa monitor ng laptop “Hon…? Naririnig mo ba ako?”
“Ha…?? Ano yun hon?” sambit ni Jeff “Sorry, hon. Nagrereview kasi ako para mamaya”
“Ang sabi ko, sino ang pinuntahan mo doon…?” ulit ni Alvin “Si Riley ba?”
“Paano mo nalaman?” sabay paglaki ng kanyang mga mata pero sa isang iglap ay parang alam niya na ang sagot sa mismong tanong niya “Si Gwen ba ang nagsabi sa’yo?”
“Yup” sagot ni Alvin “So, kamusta na siya?”
“Okay naman siya. May mga pasa, sugat at bukol lang siya sa kanyang katawan pero okay naman siya”
“Good”
“Hon…?” sambit ni Jeff na parang nag-aalala kay Alvin
“Yes?”
“Galit ka ba?”
“No. Why should I?”
“E kasi dinalaw ko siya sa ospital, without you knowing”
“Naku hon. Don’t worry, hindi ako galit sa’yo” paniniguro niya kay Jeff “Parang okay na din yan eh. Kasi parang senyales na yan para maging okay na kayo. Masaya ako hon kasi hindi ka na galit sa kanya” sabay ngiti ni Alvin sa kanya “Happy ako sa’yo dahil nakapag-move-on ka na sa nangyari sa inyo ni Riley” pero imbis na ngumiti si Jeff, biglang nalungkot ang mukha niya. Gusto niyang sabihin kay Alvin ang totoong nangyari kay Riley na siya ang dahilan kung bakit siya nasa ospital ngayon. Pero kinakabahan siya na sabihin ito dahil ang taong inutusan niya na pahirapan si Riley, ay ang taong kasama niya sa kanyang pagkakasala “Oh hon. May problema ka ba?”
“Hon…?? Meron akong sasabihin sa’yo” sabay abot ng kamay ni Alvin sa mesa “Sana huwag kang magalit”
“Bakit hon?? Parang kinakabahan ako ah”
“Hon… just promise me na huwag mag-iiba ang paningin mo sa akin after I tell you this”
“Hmmm. Sige hon. Para sa’yo”
Huminga muna ng malalim si Jeff para maalis kaunti ang kanyang kaba sa sasabihin niya kay Alvin “I had an affair with Ben”
“What?!” sabay tayo ni Alvin mula sa kanyang silya. “Ano ‘to?? Are you joking? At sinong gagong Ben na yan??”
“No, hon. Just please, calm down” pagmamakaawa niya kay Alvin “I will explain everything. Umupo ka muna”
Pinipigilan na lang ni Alvin ang kanyang galit at muling umupo. Gusto niyang pakinggan ang buong paliwanag ni Jeff. Mula sa hindi sinasadyang pangyayari sa kanila ni Ben hanggang sa pag-utos nito na sundin ang kanyang plano na pahirapan si Riley, at hanggang sa pag-utos na pambubugbog ni Ben sa ex ni Jeff.
“Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa’yo” tanging sambit ni Alvin. “Parang nandidiri ako sa’yo, Jeff”
“Hon, please. Patawarin mo ako”
“Nasusuklam ka kay Riley dahil sa ginawa niyang pangloloko sa’yo pero hindi mo ba naisip na nagawa mo din sa akin ang ginawa niya sa’yo?!” habang tumutulo ang luha ni Alvin sa harap ni Jeff “Hindi mo ba naisip yun, Jeff?? Bakit mo ba yun ginawa ha?”
“Hindi ko din alam. Everything happens so fast. Lasing ako nun. Hindi ko talaga alam. Sorry hon” iyak ni Jeff
“Kahit lasing ka kung mahal mo talaga ako. Hindi mo gagawin yan”
“Hon naman. Please? Sorry na. I’m trying to be honest naman sa’yo eh”
“Honest?? Hinintay mo pa matapos ang isang taon para sabihin sa akin ‘to?” dugtong naman ni Alvin sa paliwanag ni Jeff “Well. It doesn’t matter naman eh. Kahit sinabi mo agad o ngayon lang. Masakit pa din”
“Hon… please” sabay yakap ni Jeff sa kanya “Sorry na”
Pero lumalayo pa din si Alvin na parang nandidiri ito sa kanya “Sinabi mo lang siguro ang lahat nang yan dahil nakokonsensiya ka sa ginawa niya kay Riley mo diba?? Naaawa ka dahil mahal mo pa din siya diba??”
“Hindi. Ikaw ang mahal ko”
“Bullshit!!” nanlaki ang mga mata ni Jeff dahil ngayon niya lang nakita at narinig na nagmura at nagalit si Alvin sa kanya “Hindi ako tanga, Jeff. Pulis ako. Alam ko kung paano tumatakbo ang utak ng mga tao na masasama at niloloko ako. Kilos mo pa lang. Alam ko na” sambit ni Alvin “Yan siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa siya napapatawad at hindi ka pa nakakapag-move-on matapos ang anim na taon. Sa kabila nang pagpapakita ng pagmamahal ko sa’yo sa matagal na panahon, siya pa din ang laman ng puso mo hanggang ngayon” sabay tulo ulit ng luha niya sa sobrang inis.
Tumalikod na lang siya dahil hindi niya na makayanan ang sakit at tuluyan nang lumabas sa opisina ni Jeff. Habang siya naman ay umiiyak din sa pagsisisi at napaupo na lang sa sahig.
***
Dakong alas-kwatro ng hapon ay nagtungo si Jeff sa The Deluxe Suites Hotel, na kung saan nagchecheck-in ang may-ari ng Hidalgo Breweries.
Nakaupo si Jeff sa lounge ng hotel, naghihintay ng tawag nito mula sa front desk. Kahit magulo ang utak niya at wala konsentrasyon ng dahil sa away nila kanina ni Alvin, pinilit niya ang kanyang sarili para makuha lang multi-milyong deal mula sa Hidalgo Breweries.
Ilang saglit lang ay lumapit sa kanya ang babae sa front desk.
“Excuse me, Sir?? Mr. Jeffrey Dy, right?”
“Yes, Miss. Ano ang sabi ni Mr. Hidalgo?”
“You may proceed sa Ruby Function room” sagot ng babae “Iga-guide ka lang po ng conceirge namin”
“Salamat”
Dinala si Jeff ng lalaki sa isang silid na may mesa sa gitna at maraming upuan na nakapalibot dito. Kaagad naman nilabas niya ang laptop at kaagad nang hinanda ang kanyang presentation habang wala pang tao sa loob ng Function Room.
Pagkatapos ng halos sampung minuto ay dumating na si Don Rolando Hidalgo. Isang espanyol na lalaki na halos 70 ang kanyang edad. Kinamayan ni Jeff ang matanda at tinanggap naman ito ng isa. Umupo ito sa katabi ng projector na hinanda ng hotel para sa kanila.
“Ahora puede continuar, Señor Dy” sambit ng matanda
“Po?? Sorry Sir, I can’t understand”
“Ang sabi ko, pwede ka nang magsimula”
Nagulat naman si Jeff dahil alam niya pala mag Tagalog pero nag-eespanyol pa siya. “Sorry, Sir” sabay klaro ng kanyang lalamunan “Well, Dy Group of Companies, also known as The Dy Prime Holdings, is a Filipino business conglomerate owned by our family. The Dy Family” panimula ni Jeff sa kanyang presentation “The Dy Group of Companies holds many businesses in all kinds of industries here in the Philippines, like in Transportation, in Entertainment, Hotels and Restaurants, Banking and Finance, Business Process Outsourcing Company or BPO and many more. As you can see, I am holding the majority shares of this business conglomerate compared to my other siblings”
“And how is your current ranking?”
Hindi alam ni Jeff kung ano ang ibig sabihin ng lalaki. Hinanap niya ito sa presentation pero hindi niya makita ang sagot sa tanong.
“Ahmm. Sorry Sir. I don’t know’
Ngumiti ang matandang lalaki na parang hindi sang-ayon sa presentation ni Jeff at tumayo ito “Mr. Dy… It seems that you are not ready sa presentation mo. Parang hindi ka interesado to have a deal with Hidalgo Breweries”
“No, sir. Nagkakamali po kayo. Interesado po ako sa inyo”
“Pero hindi yan ang pinapakita mo sa akin, Mr. Dy” sagot niya kay Jeff “You are very dependent on your Powerpoint Presentation. Parang hindi ka handa sa sasabihin mo. Binabasa mo lang ang nakasulat diyan” at lumapit siya kay Jeff “Better luck next time, Mr. Dy. And by the way, I’m going to leave you a piece of advice, if ever you will encounter a foreign investor with a different language. Bigyan mo ng time ang sarili mo para matutunan ang lingwahe nila. Just to impress him or her, okay?” sambit niya kay Jeff “Just like what I did. Pinag-aralan ko ang lingwahe ninyo” kaagad lumabas ang matanda sa silid habang si Jeff naman ay natulala sa nangyari.
Itutuloy…