Chapter 14 (Si Ben)

2617 Words
Dakong alas-sais ng gabi, nagdesisyon na lang si Jeff na umuwi sa kanyang bahay dahil pagod na pagod siya sa buong araw na trabaho. Nang pagpasok niya ay kaagad tumakbo si Marie papunta sa kanya. “Good evening po, Papa” sabay yakap niya sa ama “Pagod ka po ba?” Biglang ngumiti si Jeff dahil sa lambing ng anak at kinarga ito “Pagod?? Kanina, oo eh. Pero ngayon na nakita na kita. Nawala na ang pagod ko, anak” “Talaga po, Papa?” “Oo. Mahal na mahal kita eh” sagot naman niya sa anak. May hinugot siya sa kanyang bulsa. Ito ang cellphone na binili niya kanina sa mall na pinangako niya sa anak. “Para sa’yo, anak” “Ano po ‘to, Papa?” “Cellphone anak. Iphone7 yan. Binili ko yan para sa’yo” sagot ni Jeff “Diba ang sabi ko sa’yo kaninan na bibilhan kita niyan para may communication tayo?” “Oo nga, Papa. Pero dito naman ako umuuwi diba? Bakit may cellphone pa?” “Para matawagan kita bukas kung parating na ako sa school mo” paliwanag ni Jeff sa anak “Nangako ako na susunduin kita bukas, diba??” “Oo nga po pala, Papa” ngiti niya sa ama “Salamat po, Papa” “You’re welcome anak” “Wow…” sulpot ni Joyce mula sa kusina “May bagong cellphone ang apo ko ah” “Opo, Nanay-La. Binili po ‘to sa akin ni Papa” “Jeff anak. Baka sumusobra ka na sa binibigay mo sa anak mo ha?” paalala ni Joyce “Baka maging spoiled na yan” “Naku, nay. Hindi naman siguro. Para naman ‘to sa kanya eh” sabay tingin sa anak habang karga ito “Lahat gagawin at ibibigay ko para sa prinsesa ko” “Thank you po ulit, Papa. I love you po” “I love you too anak” sagot ni Jeff habang tinititigan niya ang anak na parang umiidlip na. “Oh. Mukhang inaantok ka na ah” “Opo Papa. Antok na ako” “Sige…” habang binababa niya si Marie sa sahig “Matulog ka na. May pasok ka pa bukas” “Sige po, Papa. Goodnight po” sabay halik sa ama at sa kanya ding lola “Goodnight din, Nanay-La” Habang paakyat ang bata sa hagdanan patungo sa kanyang silid ay bumaling si Joyce sa kanyang anak. Napansin niya ito na tila mabigat na mabigat ang mukha ni Jeff na parang may problema. “Anak?? Ayos ka lang?” sambit ni Joyce sa anak. Tumingin naman agad si Jeff sa ina “Opo, nay. Okay lang ako” “Sigurado ka, anak?? Parang hindi eh” “Okay lang po ako nay” paniniguro ni Jeff sa ina habang ngumiti na may halong pait “Don’t worry” “Oh sige, anak. Basta kung may problema ka. Andito lang ang nanay ha?” sabay tapik ng likod ni Jeff. Napangiti siyang muli na parang napilitan lang “Salamat po” Umalis siya sa tabi ng ina upang dumerecho sa kanyang silid para magpahinga na ito sa nakakapagod na araw. Habang nakahiga na ito sa malambot niyang kama ay sumagi ulit sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina; ang pagsugod ni Riley sa ospital, ang away nila ni Alvin na parang malabo na silang magkaayos, at ang pagkabigo niya makuha ang multi-million project deal sa Hidalgo Breweries. ‘Don’t worry, Jeff. Kaya mo ‘to. Malalagpasan mo din ito’ sambit ni Jeff sa kanyang sarili ‘Magiging okay din ang lahat, lalung-lalo na si Alvin’ *** “We’ve lost a multi-million project” sigaw ni Dwight Chua, isang presidente ng isa sa mga kumpanya ni Jeff sa emergency meeting nila sa Manila “Nang dahil sa kapabayaan ng may-ari. Hindi natin nakuha ang pinakamalaking investor na papasok sana dito sa Pilipinas” “Then, what shall we do?” tanong naman ng isang presidente “I don’t know. Maybe, we will wait for him. Pera na, naging bato pa” “Maybe, he’s not worthy on handling this very large company?” sagot naman ng isa “After all, he’s just a kid” “Oo nga. Tama ka. Mabuti pa nun si Ma’am Guang Fen. Napatakbo niya pa ito ng maayos” Natahimik ang lahat nang pagpasok ni Gwen sa silid “Good morning po” sambit nito “Ako po ang Executive Assistant ni Mr. Dy. He’s coming naman po” “Hindi ba kayo magkasama?” “Magkasama po kanina pero may pinuntahan pa po siyang importante” “Ano?? May mas importante pa ba dito sa emergency meeting na ‘to?? How irresponsible” “Sorry po, sir. Parating naman po siya” “E saan na siya??” sigaw ulit ni Mr. Chua “Where the hell is he?!” “I’m here” sulpot ng isang boses na nasa pinto ng silid. Pumasok kaagad si Jeff sa conference room at umupo sa kabisera ng lamesa “Pasensiya na kung na-late ako, gentlemen” “Well… then explain it now” dugtong pa niya kay Jeff “Bakit nawalan ng interes ang Hidalgo Breweries sa atin?” “I’m sorry” tanging sagot ni Jeff sa kanila “Yun lang?? Sorry lang??” sabat ni Mr. Chua kay Jeff “Sorry. I’ll take full responsibility sa nagawa ko” dugtong ni Jeff “Inaamin ko na hindi napaghandaan ang meeting namin” “Dapat lang. Dahil bobo ka! Akala ko kaya mo. Hindi ka talaga karapat-dapat diyan sa pwesto mo” Biglang uminit ang tenga ni Jeff at tumingan sa kanya “Aba teka lang. Ako pa ang bobo?? E ako nga ang humarap mag-isa kay Don Hidalgo. Wala ngang sumama sa akin kahit isa sa inyo” sabay tayo ni Jeff sa kanyang upuan “Kung kayo kaya ang humarap sa kanya. Ang kakapal ng mga mukha ninyo na sabihin sa akin yan” “Mr. Dy, we did not mean to insult you” dugtong ng isa pang presidente “Yes, you did. Diba Mr. Chua?” tumingin naman sa kanya si Mr. Chua “Hindi ako karapat-dapat? Kahit presidente ka pa, kaya kitang paalisin diyan sa pwesto mo at palitan ng bago, dahil ako pa rin ang may-ari nito” “I’m sorry, Sir” sagot niya “Nasayangan lang kasi ako sa Hidalgo Breweries eh” “Then, ikaw ang kumausap sa kanya. Pumunta ka sa hotel kung saan siya ngayon nakatira” “Sorry po ulit, Sir” “So, what’s our plan, Sir?” tanong ng isa kay Jeff. “We will wait. Ang tono kasi ng pananalita niya ay may chance pa tayo sa kanya” “So hindi pa sure? You’re just assuming, Mr. Dy” “Yes. I’m assuming” “Hindi pa sigurado yan” buntong-hininga ng kanyang kausap na presidente “Ito ang sigurado. May meeting ang Hidalgo Breweries kasama ang competitor nating Teng Prime Holdings dito sa Manila” “And…?” dugtong ni Mr. Chua “Well, its our chance to steal their meeting. Sasalisihin natin” “Wait” sambit ni Jeff “Sigurado ka ba sa info mo?” “Yup. Sure ako” “At saan mo nakuha yan?” “It’s from his wife. Your half-sister” “Jean?” at tumango siya bilang sagot “Hindi totoo yan ang sinasabi niya” “And why??” “Kasi kapatid ko siya. Alam ko na may pinaplano ang Jean na yan sa atin” “Pinaplano?? Anong plano?” “Ewan ko. Basta, maniwala kayo. Huwag kayong pumunta diyan” “Nonesense. Miss Jean will never do that” tanggol ni Mr. Chua kay Jean “And besides, naging parte siya sa kumpanyang ‘to. Her loyalty will be here, on our side” Nagpabuntong-hininga na lamang si Jeff sa pagtanggol sa kanya ni Mr. Chua. “Well, bahala kayo. It seems na may desisyon na kayo. Kayo na ang bahala diyan” “Sorry, Mr. Dy. Binigay na namin nung una ang tiwala namin sa inyo. Pero sinira ninyo” sabat naman ni Dwight Chua sa kanya “Kami na lang ang bahala dito. Pwede ka nang bumalik sa Iloilo” Parang tinamaan si Jeff sa sinabi sa kanya at parang kumurot ito sa kanyang puso. Tumayo na lamang siya at lumabas ng silid. Sinundan naman siya ni Gwen palabas dahil alam nito na parang sumama ang loob ng isa. Nadatnan niya ito na nakatayo lang at nakatitig sa malayo. “Sir??” kibo ni Gwen sa amo. Napasulyap naman si Jeff sa kanya “Bakit Gwen?” “Okay ka lang, Sir?” “Yup. I’m okay” sagot ni Jeff “Tama naman sila eh. Nawala ang tiwala nilang lahat sa akin dahil sa kapabayaan ko. I deserve this, Gwen” “No Sir” sabay himas ni Gwen sa likuran niya na habang umiiyak at pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata “Ginawa mo naman ang lahat pero ayaw pa din siguro ng may-ari ng Hidalgo Breweries na yon ang kumpanya natin” “Please, Gwen. Stop it” sabat naman ni Jeff sa kanya “Alam ko na pinapagaan mo lang ang pakiramdam ko pero alam mo din na ako ang dapat sisihin. Kasalanan ko ang lahat ng ‘to” “Buti alam mo” sulpot ni Mr. Chua sa usapan. Kanina pa pala siya nandoon at nakikinig sa kanilang usapan “Buti alam mo na kasalanan mo. At wala namang dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon kundi ikaw lang” “Alam ko naman eh. That’s why, lumabas na lang ako” “Oo nga…” sagot ulit nito. Tinignan niya ng maigi si Jeff sa mukha “Teka, umiiyak ka ba?? Oh my god. For real?” “Sorry. Pagod lang kasi ako” sabay punas ni Jeff ng kanyang luha “Pagod? Parang yon lang?? Napagod ka agad?” balik ni Mr. Chua sa kanya “Ang hina mo naman. Hindi ka talaga bagay sa ganitong klaseng pamumuhay” “Hindi ako mahina” sagot ni Jeff “Marami lang akong iniisip na personal kong problema” “Well, good for you” pambabara ulit niya “Mabuti pa ang personal mong problema. Iniisip mo. Napaka-iresponsable mo” “Teka lang ha…” sabat ni Jeff na tila napipikon na din kay Mr. Chua “May galit ka ba sa akin, Mr. Chua?” “Wala naman. Ayaw ko lang sa mga taong kagaya mo na mang-aagaw” dugtong niya “Inaagaw ang hindi dapat sa kanyang negosyo” “Anong inaagaw…? Wala akong inaagaw sa’yo” “Sa akin. Wala. Pero sa dating may-ari nito. Meron” “Si Guang Fen?” panghuhula ni Jeff “Hindi ko inagaw sa kanya ito. Binigay ‘to sa akin ng mismong anak niya, na ama ko” “Hindi siya ang tinutukoy ko” sagot naman ni Mr. Chua “Kundi si Jean. Ang kinikilalang apo ng dating may-ari na si Guang Fen. Kung siya siguro ang nasa posisyon mo ngayon, sigurado ako na makukuha namin ang multi-million deal na yon sa Hidalgo Breweries. Nasayang lang talaga sa kapabayaan mo” Imbes na mainis si Jeff ay parang natuwa na lang ito sa sinabi sa kanya ni Mr. Chua “Talaga?? Sigurado ka talaga?” dugtong ni Jeff “Baka naman nakakalimutan mo na dahil din sa kapabayaan ng kinikilalang apo ni Guang Fen na si Jean, na-bankrupt ang kanyang hinahawakan na kumpanya. May I remind you ha, nag-iisa lang yon. How much more kung siya ngayon ang nasa pwesto ko?” sabay lapit ni Jeff sa kanya “Sigurado ako na isang linggo lang, mawawala lahat ang mga pinaghirapan ng kanyang lola” “Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Basta ikaw pa rin ang umagaw” “Oh sige. Ako na ang mang-aagaw. Pero ito ang tanong ko… bakit ka ba nangingialam sa buhay namin? E hindi ka naman parte ng pamilya” “Gusto ko lang sabihi—” “—I don’t need your explanation. Hindi ka naman kita ka-anu-ano. Pwede pa din kita paalisin dito” Tuluyan nang umalis si Jeff kasama ang kanyang E.A. na si Gwen palabas ng gusali. Nagdesisyon na lang siya na bumalik sila ng Iloilo dahil may kailangan pa siyang gawin doon. *** Sa kanyang pagbabalik sa Iloilo ay naisip niya na bibisitahin muli si Riley sa ospital para kamustahin ulit ito sa kanyang kalagayan. Habang naglalakad siya papasok sa ward ay may humarang sa kanyang daanan. Lumaki ang mga mata ni Jeff sa gulat dahil hindi niya inaasahan na pumunta ito sa ospital ang kanyang nakita. “Ben..?” sambit ni Jeff “Anong ginagawa mo dito?” “Wala naman. Gusto ko lang bisitahin ang dati kong katrabaho na si Nathan, should I say, Riley” sagot nito habang inakbay niya si Jeff patungo sa kama ni Riley. “Oh brad, kamusta ka na?” bati ni Ben kay Riley. Tila nagulat din ito sa pagbisita ni Ben dahil ang akala niya ay naiinis ito sa kanya “Okay lang naman ako” tanging sagot nito “Kasama ko pala ang boss natin, brad” sabay tapik ng likuran ni Jeff. Tumingin at napangiti si Riley dahil andoon din si Jeff. Pero napansin niya na para itong kinakabahan at wala sa kanyang sarili “Jeff? Okay ka lang?” “Ahhmm. Okay lang ako, Riley” sagot nito “Kamusta ka na?” “Ayos lang naman ako. Baka lalabas na ako bukas dito” “Mabuti kung ganon” sambit ni Jeff na parang nanginginig ang kanyang boses sa kaba “Ako na lang ang bahala sa bill mo dito ha?” “Sige. Salamat sa tulong Jeff” ngiti ulit niya kay Jeff. Sabay nito ay nagulat muli si Jeff sa muling pagtapik ng malakas sa balikat niya si Ben. “Sobrang bait talaga nitong amo natin brad eh. Tignan mo, siya pa mismo ang magbabayad ng bill mo dito sa ospital?? Napakabait. Sobra” sabay tingin niya kay Jeff na nanlilisik ang mga mata. “Oo nga eh. Bait talaga yan” “Totoo nga pala na magkakilala kayo ni bossing noh?” sambit ni Ben “Sorry kung nayabangan ako sa’yo dati” “Ayos lang yon, brad. Hindi na ako galit sa’yo” sagot naman ni Riley sa kanya “Ang importante ay okay na tayo ngayon” Inabot naman ni Ben ang kanang kamay niya sa kanyang harapan parang makipagkamay silang dalawa “Mag-brads na tayo talaga ha?” “Sige” sagot naman ni Riley at tinanggap niya ang alok ni Ben na kamayan siya at ang pagkakaibigan ni Ben. “Pero brad. Kung hindi mo naitatanong. Matalik din kasing magkaibigan ng boss eh” sabay tingin ulit kay Jeff “Diba boss?” “Oo” tanging sagot niya na hindi siya makatingin ng derecho sa mata ni Riley “Marami kaming MEMORIES na dalawa nito eh” “Talaga?? Tulad ng?” tanong ni Riley. “Mga memories na akala mo na hindi pwedeng mangyari sa totoong buhay…” “Ano??” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD