Chapter 1 (Bagong Simula)

2362 Words
Pagkatapos ng anim na taon ay tinaguriang ‘Youngest and Most Successful Entrepreneur’ sa kanyang henerasyon si Jeffrey Dy.Nag graduate siya bilang Magna c*m Laude sa kanyang batch pero sa kasamaang-palad, hindi siya nakapag-martsa dahil nasa China siya nung panahon na iyon dahil sa kanyang training at sa pag-aaral niya bilang bagong may-ari ng Dy Group of Companies. Marami ang kanyang pinagmamay-arian na mga negosyo kabilang sa mga ito ay nasa industriya ng Transportation, Hotels and Restaurants at iba pa. Sa kanyang tagumpay ay hindi naman mapapahuli ang mga kaibigan niya. Si Jacqui ay isa nang Customer Service Representative sa International Communication Services (InterComm), isang BPO Company na si Jeff din ang may-ari. Si Alvin naman ay isa nang ganap na pulis at nagtatrabaho na sa isang presinto sa kanilang lugar. *** Pina-cancel ni Jeff ang kanyang meeting sa Manila kasama ang mga lider ng kumpanya sa ilalim ng kanyang mga negosyo at umuwi siya kaagad sa Iloilo dahil may nabalitaan siya na hindi maganda sa isang supervisor ng isang hotel niya. Pagkadating niya mismo sa nasabing hotel ay pumasok siya kaagad sa opisina, umupo at pinatawag niya ang supervisor. Pagkalipas ng ilang sandali na paghihintay ni Jeff ay may biglang kumatok sa pinto ng opisina. “Pasok…” sigaw nito. “Good Morning, Sir” bati ni Vina habang papasok ng opisina. Dumerecho agad siya sa lamesa “Bakit maaga po kayong bumalik? Akala ko po kasi nextweek pa ang uwi ninyo.” “Bakit ka nagtatanong? Nanay ba kita?” sabat ni Jeff sa kanya “…na kahit ang mga kilos o mga ginagawa ko ay ipapaalam ko sa’yo?” “Hindi naman po. Nabigla lang ako” “Nabigla? Bakit ka mabibigla? May tinatago ka ba?” tumayo si Jeff at dahan-dahang lumalakad patungo sa aircon at pinalakas ang temperature dahil naiinitan siya. “What do you mean, Sir? Sorry, hindi ko talaga ma-gets” bumalik si Jeff sa kanyang lamesa at umupo muli ito. Tinignan niya ang babae mula ulo hanggang paa ng paulit-ulit at huminga siya ng malalim. “You may sit down” alok at turo ni Jeff sa bakanteng upuan. Umupo naman siya kaagad sa alok ng amo. “I cancelled my meeting sa Manila para lamang pumunta dito at kausapin ka. Please lang, bigyan mo ako ng magandang rason para worth din ang pagpunta ko dito” “Sige po, Sir. Ano po yun?” “Nakatanggap ako ng reklamo mula sa isang empleyado dito” “Anong mga reklamo, Sir?” “Inutusan mo daw ang isang tauhan na mag-distribute ng mga leaflets sa labas habang matindi ang sikat ng araw. After that incident, nagkasakit siya at kaagad mo siyang tinanggal…” sambit ni Jeff “Tama ba? Wala ka ba talagang konsiderasyon sa mga tauhan mo, Miss Olivares? O sadyang likas ka talagang tanga…?” “Ahmmm. Opo, Sir” “Na tanga ka…??” sabay ngisi ni Jeff sa kanya. “Hindi po. I mean totoo po na inutusan ko siya na magdistribute pero ang sabi ko sa kanya, sa hapon na lang kapag hindi na mainit. Pero nagpumilit siya at sinuway niya pa rin ako” tanggol niya sa sarili. “Hmmm. Talaga ba?” sumulyap si Jeff sa nakapatong na telepono sa bandang kanan ng kanyang lamesa, at may pinindot siya dito. Nag-ring ang telepono at may sumagot na lalake sa kabilang linya. “Carlo…? Pakisabi na pumasok na siya dito sa office.” Tila nanlaki ang mga mata ni Vina dahil pinatawag ng kanyang boss ang taong inapi niya. Gusto niya nang lumabas pero wala na siyang magagawa pa kundi harapin ang nagawa niya. Pumasok ang isang babae na may gasa ang kanyang mukha. Tila namumutla at kinakabahan ito. “Yes sir?” panimula niya habang palapit sa lamesa ng kanyang boss. Napasulyap siya kay Vina na nakatingin sa sahig na tila kinakabahan din ito. Tumingin din siya kay Jeff na nakangiti pabalik sa kanya. “Sige nga, Ana. Paki-kuwento nga ang buong detalye ng ginawa niya sa’yo” “Kasi po sir…….” “Yes?? Sige na… Wag ka nang matakot. Sabihin mo lahat sa akin” Sumulyap muli si Ana kay Vina na nangangalit ang mga mata sa kanya. Pero kailangan niya itong sabihin sa may-ari at baka ano pa ang magawa niya sa iba pang kasamahan. “Kasi po, pinagalitan niya ako nung tumanggi ako sa kanyang utos dahil mainit pa sa mga oras na iyon” “Tapos?” dugtong ni Jeff “Sinunod ko na lang po siya. Pagkatapos nun, nagulat lang ako na bigla niya lang hinila ang buhok ko at kinalmot ang mukha ko” sabay hipo ng kanyang sugat na may gasa. “Malalim ba ang sugat mo?” “Opo Sir” sagot ng babae “Ahmm. Sir?” “Bakit?” “Nasa labas po ang ina ko. Gusto niya ka din po makausap” “Sige. Papasukin mo” Kaagad namang lumabas si Ana para tawagin ang kanyang ina na nasa labas. Samantala naman ay lumapit si Vina kay Jeff at tila nagmamakaawa ang kanyang mukha. “Sir, sorry po sa nagawa ko. Sana po mapatawad ninyo ako. Nagsisisi ako sa nagawa ko” “Sana naisip mo muna yan bago mo yan ginawa. Meron nang nasaktan sa pagpapabaya mo” Nagulat si Vina dahil biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang ina ni Ana at kaagad siyang linapitan. Sinampal siya nito ng malakas at nagresulta ng pamumula ng mukha ni Vina. “Ano? Masakit? Walang hiya kang babae ka…” pangagalit ng ina ni Ana “Hindi ko nga pinapadapuan sa lamok ang anak ko. Tapos ikaw… nakuha mo pa siyang saktan” “Ma’am. Excuse me po” dugtong naman ni Jeff sa kaguluhan. “At sino ka naman?? Isa ka rin ba sa mga boss ng anak ko?” “Yes Ma’am” sagot ni Jeff “Alam ko na masakit ang ginawa niya sa anak ninyo pero sana, mapatawad niyo po siya” “Patawad?? Hinding-hindi ko talaga siya papatawarin. Napaka-hayup ninyo!” “Well Ma’am. I’m sorry sa nangyari sa anak ninyo” “Dapat lang. Sana patalsikin mo na lang ang babaeng yan” “Thanks for your suggestion pero we need further investigation” paliwanag ni Jeff sa nanay ni Ana “Hindi namin basta-basta papaalisin kaagad si Miss Olivares ng hindi solid ang mga imbidensya” “Ano??! Nagbibiro ka ba?? Ano pang ibidensiya ang gusto mo? E kitang-kita ang ginawang kasalanan ng babaeng ‘to” turo niya kay Vina “Ang hirap sa inyo na mga mayayaman, porket may mga pera kayo. Kaya niyong bilhin ang hustisya” “Hindi naman po sa ganun, Ma’am. Pero we need—” “—hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Salamat na lang. Magkita na lang tayo sa korte” Kaagad umalis ang babae sa opisina ni Jeff kasunod ang kanyang anak na si Ana. Samantala ay napatingin si Jeff sa kanyang tauhan na si Miss Vina Olivares. “Tignan mo ang ginawa mo. Pati ang hotel at ako, nadamay sa ginawa mong katangahan” “Sorry po, Sir. Hindi ko po sinasadya” “Yan lang ba ang palagi kong maririnig mula sa’yo??” at bumalik si Jeff sa kanyang pwesto at umupo “Alam mo, Miss Olivares. Kinuha at tinanggap kita dito dahil girlfriend ka ng Kuya Jeremy ko. Pero sa pagiging pabaya mo, pwede kitang paalisin dito sa hotel ko kahit kailan ko gusto” “Sir, sorry na po” “Umalis ka muna sa paningin ko bago pa may masabi pa akong hindi maganda” “Sir…” “Labas” panlilisik ng mga mata ni Jeff. Tangkang matutulog nasana siya at may biglang kumatok muli sa pintuan ng opisina at sa kanyang pagdilat ay nakapasok na ang taong iyon. Nakangiti sa kanya habang papunta sa kanyang lamesa. Ngumiti din si Jeff sa kanya bilang ganti. “Hello hon” bati ni Alvin sa kanya at umupo sa bakanteng upuan na kung saan doon din nakaupo kanina si Vina. “Akala ko sa Manila ka ngayon?” “Akala ko din eh. Pero bumalik kaagad ako dahil may emergency daw dito” “Ahhh. Tungkol ba’to sa tauhan mo na si Vina?” “Oo… Paano mo naman nalaman?” “Narinig ko sa kanila sa labas eh. Nagkwekwentuhan sila. Ano ba ang nangyari hon?” “As always. Lumabas na naman ang katangahan niya” sabay yukod niya sa kanyang upuan “Bakit may mga taong tanga noh?? Kahit anong paliwanag mo. Hindi pa rin nila nakukuha. Palibhasa kasi pinulot lang ni kuya sa tabi-tabi eh” “Hon?” saway niya kay Jeff “Yan ka na naman eh. Diba ang sabi ko sa’yo, huwag mainitin ang ulo?” “Oo hon pero nakakainis eh. Dagdag stress eh” Tumayo si Alvin sa kanyang upuan at lumakad patungo sa likuran ng upuan ni Jeff. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa mga balikat ng isa at sinimulan nang masahiin ang mga ito. “Huwag ka nang magsestress hon, okay? Ako ang bahala sa’yo” “Thanks hon. Alam mo talaga kung paano ako mapakalma” “Oo naman. Gamay na gamay na kita eh” “Ako din. Gamay na gamay din kita” sagot naman ni Jeff na tila may ibig sabihin ito. “Hmmmm. Ano na naman yan hon?” “Wala ha” “Ikaw hon ha. Baka may gusto kang sabihin” sabay halik ni Alvin sa pisngi nito “Gusto mo ba dito tayo?” “Hon naman. Busy pa ako eh. Mamaya na lang” “Hmmm. Sige” napatigil si Alvin at tila kumuha ng buwelo sa susunod niyang sasabihin niya “Ahhhmmm. Hon?” “Yes?” habang nakapikit ito sa kanyang silya. “Diba it’s our 6th Anniversary tomorrow?” napadilat si Jeff sa paalala ni Alvin sa kanya. Nakalimutan niya kasi na anibersaryo pala nila kinabukasan at hindi siya nakapaghanda. “Bukas na ba yun? Sorry, nakalimutan ko, hon” “Oo kaya… ‘to naman. Magtatampo ako yan eh” “Sorry hon. Busy lang kasi ako ngayon…” “Okay lang yun. Wala naman ako magagawa eh. Na wala kang oras sa akin” pagtatampo ni Alvin kay Jeff. “Ano ka ba… Sorry na nga…” “HMP! Ewan…!” “Hon naman…” tumayo si Jeff at lumapit kay Alvin at niyakap niya ito mula sa likuran ni Alvin. “Sorry na…please?” “Sige na nga… kung hindi lang kita mahal. Matitiis kita…” tumayo din siya at humarap kay Jeff “…pero ang problema…mahal kita eh” at hinalikan niya ito sa labi. “Salamat hon. Mahal din kita” “I know hon…” at hinalikan din ni Alvin sa noon ni Jeff “So, ano ba ang plano natin bukas?” “Bukas? Hindi ako pwede. Babalik pa ako sa Manila eh” “Hmmm. Okay. Gusto mo samahan kita papunta sa Manila?” “Pwede rin. E pano ang trabaho mo?” “Hmmm. Actually, nagawa ko na yan ng paraan” ngiti ni Alvin. “Ano?” “Nag-file ako kanina ng two-days leave” sagot ni Alvin “Para naman masamahan kita sa anniversary natin. Alam ko kasi na busy ka parati eh” “Talaga?” sambit ni Jeff na parang matutuwa o maiiyak sa ginawa ni Alvin sa kanya “Ang sweet naman ng honey ko” “Siyempre naman. Mahal na mahal kita eh” sabay kuha niya ng kamay ni Jeff at hinalikan ito “Iyon ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko” “Salamat hon ha? Salamat sa pagmamahal mo” yakap ni Jeff kay Alvin “Mahal na mahal kita” *** Pagkatapos ng kanyang trabaho ay kaagad naman silang umuwi sa mansyon. Pagpasok niya ay kaagad siyang humiga sa sofa. Linapitan siya ni Alvin at umupo sa kanyang tabi. “Hon? Doon ka na sa kwarto mo matulog. Maaga pa bukas ang flight natin diba?” “11 pa ng umaga hon.” “E halika na. Matulog na tayo” “Mauna ka na hon. Susunod lang ako” “O sige. Basta, susunod ka kaagad ha?” “Okay boss” Umalis na nga si Alvin at dumerecho na nga sa kanilang silid, samantala naman si Jeff ay nakahiga pa rin at parang pagod na pagod sa buong araw na trabaho. Hindi niya napansin na may umupo uli sa kanyang tabi. Hinimas ang kanyang ulo at hinalikan ang noo. Kaagad niya namang dinilat ang mga mata niya para makita kung sino iyon. “Nay??” sambit ni Jeff. Bumangon ito at nagmano sa kanyang ina “Magandang gabi po” “Magandang gabi rin, anak” sagot naman ni Joyce “Kamusta ka na?” “Okay lang po ako, nay.” “Alam ko kung bakit ka pa nandito” sambit ni Joyce “Sinabi sa akin ni Alvin” “Oo nga nay eh. Kakainis. Tapos galit na galit pa ang nanay na nasaktan niya” kuwento ni Jeff sa ina “Naalala ko lang yung panahon na sinaktan ka noon ni Guang Fen. Iyon din ang nararamdaman ko noon sa nararamdaman ng nanay ni Ana sa kanyang anak” sabay pagtulo ng mga luha ni Jeff “Hanggang ngayon, nay. Galit ako sa kanya. Ramdam ko pa rin ang sakit nung nakita kita na may maraming kalmot na ginawa niya” punas ni Jeff sa kanyang mga mata “Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Sabihin na nila na wala akong respeto sa matanda pero mas masakit ang pagtrato niya sa nanay ko na parang hayup” Walang imik si Joyce kundi yakap na lang ang kanyang ganti sa hinagpis ng kanyang anak. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD