Chapter 3

3509 Words
Tahimik ang set matapos ang malakas na “Cut!” ni Direk Soraya. Kanina lang, luhaan at halos nagmamakaawa si Araya—pero ngayon, pagharap muli nila kay Amara, para bang walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Diretso siyang tumayo mula sa basang kalsada, pinatuyo ang pisngi gamit ang towel na inabot ng staff, at saka nag-ayos ng buhok na parang wala lang. Tumayo si Direk Soraya, nakangiti at bakas ang paghanga sa kanyang mukha. “You know what impressed me the most?” aniya sa malinaw na boses, nakatingin diretso kay Amara. “Not just your emotions, but your control. Most actors, when they give everything, they break down even after the cut. But you—” bahagya siyang ngumiti, sabay turo kay Amara, “—you close the door instantly. Like nothing touched you. That discipline, that precision… it’s something even veterans struggle with.” Nagtinginan ang lahat, tila sabay-sabay na sumang-ayon. May ilan pang staff na napapalakpak. “This,” dagdag ni Direk Soraya, “is exactly why she’s our Araya.” Si Lia ay bahagyang napangiti, halos mapailing habang pinagmamasdan si Amara na kalmado lang, walang emosyon, parang hindi siya ang babaeng umiiyak at nasaktan kanina sa ilalim ng ulan. She’s… terrifyingly good, bulong niya sa sarili. "พอแล้วใช่ไหม?" (That’s enough, right?) tanong ni Amara, hindi pinansin ang mga papuri. Direk Soraya: "มากกว่าพอ...คุณเป็นอารยาแล้วจริง ๆ" (More than enough… you truly became Araya.) Agad pumasok ang makeup team, dala ang makakapal na tuwalya at robe para sa dalawang artista. Nilapitan muna nila si Amara, maingat na isinampay ang puting robe sa balikat niya at pinatuyo ang mahaba niyang buhok. Isa pang staff ang mabilis na nagbigay ng mainit na tuwalya para i-warm up ang balat na kanina lang ay giniginaw sa ilalim ng ulan. Si Lia man ay agad ding inalalayan, sinuot ng robe at inabutan ng hair dryer ng make-up assistant. Magkahilera silang dalawa sa upuan, parehong basa ngunit halatang mas apektado pa rin si Lia—nakabuntong-hininga, parang iniisip pa ang matinding eksena. Habang inaayos ang mga gamit, may isang make-up assistant na hindi nakatiis at mahinang nagtanong habang pinupunasan ang pisngi ni Amara. "คุณร้องไห้จริง ๆ เหรอ?" (Did you really cry?) tanong ng make-up assistant. "ไม่ ฉันแค่แสดง" (No. I just acted.) simpleng sagot ni Amara. Nagulat ang buong paligid. May ilang staff na napanganga, ang iba naman ay napatawa nang mahina, parang hindi makapaniwala na ganoon lang kasimple para sa kanya. Si Lia, na kanina pa nakatingin, napakagat-labi, iniwas ang tingin at inilingon sa kabilang direksyon. Just acted? bulong niya sa sarili. For me, it felt too real. Sa gilid naman, hindi maitago ni Direk Soraya ang tuwa. Tumingin siya sa team at marahang tumango, para bang pinapaalala sa lahat na iyon ang dahilan kung bakit si Amara ang napili bilang Araya. Habang nagreready na ang mga crew sa next clip. Lia stays seated, staring at her reflection. She’s still Isara. Or maybe she’s just Lia—confused, moved, shaken. "เธอทำให้ฉันเชื่อว่าเธอเจ็บจริง ๆ..." (She made me believe she was truly hurting…) bulong ni Lia sa kanyang sarili. No one else is in the room. Just her, the mirror, and the echo of Amara’s performance. Hindi niya alam kung paano nangyari. Sa rehearsal, Amara was distant. Professional. Cold. But when the camera rolled, she transformed. She became Araya—fragile, fierce, unforgettable. And then, just as quickly, she was gone. Back to being Amara. No trace of emotion. No vulnerability. Parang sinarado ang pinto at tinapon ang susi. "เธอเป็นนักแสดงที่น่ากลัว...เพราะเธอไม่ต้องรู้สึกเพื่อให้คนอื่นรู้สึก" (She’s a terrifying actress… because she doesn’t need to feel for others to feel.) Lia felt something shift. Not just admiration. Something deeper. A kind of fear. A kind of envy. A kind of longing. She remembers watching Amara during the scene. The way her eyes glistened. The way her voice cracked. And yet, when the director yelled “Cut,” Amara didn’t flinch. Parang hindi siya umiyak. "เธอไม่ใช่คนธรรมดา..." (She’s not ordinary…) Lia felt small. Not because she lacked talent, but because she realized something: Amara could disappear into a role so completely, she didn’t need to feel it herself. She’s amazing. *** Tahimik si Amara sa gilid ng set. Habang abala ang lahat—mga ilaw na inaayos, kamera na iniikot, crew na nag-uusap tungkol sa susunod na anggulo—siya naman ay nanatiling nakaupo, parang hindi apektado sa gulo ng paligid. Hindi siya kailanman nagrereklamo, ngunit hindi rin siya nakikisama. Kung may sariling mundo ang bawat isa, mas lalo siyang may sarili. She’s warm, but I’m not. Sa loob-loob niya, malinaw ang pagkakaiba. Si Araya, ang karakter na ginagampanan niya, ay parang araw na walang sawa sa pagbibigay ng liwanag. Lagi itong handang magpatawad, laging nakangiti, laging umaalalay sa iba. Pero si Amara? Hindi kailanman siya naging ganoon. Hindi kailanman siya naniwala sa pagmamahal, sa mga yakap, sa mga salita ng pag-asa. Kung tutuusin, hindi niya kailangan ang mga iyon. Hindi niya kailanman hinanap. Hindi niya kailanman pinangarap. Hindi niya kailanman naranasan ang humabol o magpahabol, ang mag-alala kung iiwan ba siya ng isang tao. Para sa kanya, ang buhay ay trabaho, responsibilidad, at paninindigan. Walang puwang para sa mga bagay na tinatawag nilang love o affection. Sa tuwing nagsusuot siya ng karakter bilang si Araya, doon lamang niya nagagawang ipakita ang soft side na hindi naman kanya. Parang maskarang isinusuot, tinutularan lamang para sa camera. Ngunit sa likod ng eksena, ang malamig niyang pagkatao ang namamayani. Ice queen. Untouchable. Hindi niya kailanman ipinahihintulot na may makalapit nang husto. Pinagmasdan niya ang paligid. May ilang staff na napapatingin sa kanya, tila sinusubukang hulaan kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Sa di kalayuan, nakita niyang may hawak na bottled water si Lia, parang nag-aatubiling lumapit. Sandaling nagtagpo ang kanilang paningin. Sa huli, tumango lang si Amara, isang maliit at malamig na gesture na nagsasabing sapat na iyon—huwag nang dagdagan pa. Isang bagay ang malinaw sa kanya: hinding-hindi niya gagawin na ikumpara ang sarili niya kay Araya. Dahil magkaibang-magkaiba sila. Kung si Araya ay apoy, siya ay yelo. Kung si Araya ay humahawak ng mga kamay, siya ay laging nakaipit ang sarili. Kung si Araya ay marunong magmahal, siya naman ay walang interes sa kahit sino—hindi babae, hindi lalaki. Sa wakas, muling tinawag ng direktor ang kanyang pangalan. At sa isang iglap, nagbago ang lahat. Mula sa malamig na mga mata ni Amara, unti-unting sumilip ang sinag ng init ni Araya. Parang switch na kayang buksan at patayin ayon sa pangangailangan ng eksena. At iyon ang pinakamatindi sa lahat—hindi kailanman matukoy ng iba kung alin ang totoo, at alin ang akting lamang. *** Pagkatapos nito, rehearsal para sa dating scene sa park. Ang crew ay tahimik, focusing sa subtle touches, hand-holding, at soft eye contact. Si Lia ay bahagyang nagtaas ng kilay, tinitingnan si Amara para sa timing. Si Amara ay composed, hawak ang props, at pinapakita ang subtle softness sa eyes at expressions. Habang nagpapatuloy ang shooting, bawat snippet ng teaser ay nai-capture: mula sa pursuit, closure, dates, intimate hints, hanggang sa condo farewell scene. Kahit na mabilis ang pacing, ramdam ng crew at ng camera ang bawat emotion at tension sa pagitan ng characters. Sa bawat roll ng camera, bawat take, bawat eye contact at subtle smile, naipapakita na ang teaser ng Orchids Dream ay hindi lang tungkol sa kwento ng Araya at Isara, kundi pati na rin sa chemistry at professionalism ng dalawang babae sa likod ng characters nila. Ang mga crew ay abala sa pag-adjust ng lighting at camera angles, si Lia ay hindi mapakali. Bawat sandali ay may tanong siya o joke para kay Amara. Nakangiti siya, lively, halos hindi mapigilan ang excitement, habang si Amara ay composed, Ice Queen posture—tahimik, controlled, halos hindi pinapansin ang kakulitan ni Lia. Lia, lumapit habang inaayos ang props, nagbiro. “คุณ… วันนี้พร้อมจะทำให้ดีที่สุดใช่ไหม?” (Hey… you’re ready to give your best today, right?) Si Amara, barely glanced at her, subtle tilt ng ulo lang, hindi nagsasalita. Gestures niya lang ang nag-sasabing yes, let’s do this. Hindi ito nakapigil kay Lia. Sa bawat take, kahit Araya ay nakafocus sa camera, si Lia ay sumusunod sa kanya, nagbubunyi sa bawat flawless movement at expression ni Amara. Lumapit siya at nagbiro ulit, “คุณทำได้ดีมาก… แต่ฉันอยากดูว่าคุณจะหัวเราะได้ไหม!” (You’re doing so well… but I want to see if you can laugh!) Si Amara ay hindi nag-react. Tahimik, nakatingin sa monitor ng camera, posture firm at composed. Ang Ice Queen persona niya ay malinaw—walang drama, walang exaggerated expression, bawat galaw ay precise at professional. Habang nagpapatuloy ang shooting, ang crew ay nakangiti sa side. Kitang-kita ang chemistry sa pagitan ng dalawang lead, kahit sa playful teasing ni Lia at composed silence ni Amara. Ang kakulitan ni Lia ay hindi nagbubunga ng pagbabago sa Ice Queen demeanor ni Amara; she remains untouchable, focused, at perfectly in-character. Lia, nag-offer nang tulong “คุณจะให้ฉันช่วยถือ props ไหม?” (Do you want me to help hold the props?) Si Amara, isang maliit na nod lang ang ginawa, walang salita. Hindi man niya pinapansin ang kakulitan, ramdam pa rin ng lahat na aware siya, bawat gesture niya ay nagpapakita ng subtle acknowledgment at kontrol sa set. Sa break ng shooting, nakaupo si Amara sa isang sulok, mahigpit ang hawak sa script at tahimik na nagbabasa. Untouchable ang aura niya, malamig, parang estatwa na walang sinumang makakabasag ng katahimikan. Lumapit si Lia, dala ang maliit na snack bar, at iniabot iyon kay Amara. “น้องอมรา จะเอามั้ย?” (Do you want this, Nong Amara?) Isang mabilis na tingin lang ang isinukli ni Amara, bago muling ibinalik ang mata sa script. Walang sinabi, walang reaksyon. Umupo si Lia sa tabi niya, nakangisi pa rin, at bahagyang yumuko para silipin ang mukha ng kasama. “ยิ้มหน่อยสิ แค่นิดเดียวก็พอ” (Smile a little, just a bit.) dagdag pa ni Lia. Ginawa pa niya ang nakakatawang grimace, pilit na pinipilipit ang mukha para lang mapatawa si Amara. Ngunit imbes na ngumiti, isang malamig na tingin lang ang ibinigay sa kanya, tapos balik sa pagbabasa. “Oyy…” natatawang bulong ni Lia. “Seriously? Not even a smirk?” Hindi pa rin kumibo si Amara. Tahimik, matatag, tila hindi man lang nadadala ng pangungulit. “คุณจริงๆ ไม่ได้หรอก?” (You really can’t smile?) Doon lang siya muling hinarap ni Amara. Diretso, malamig, at isang salita lang ang binitawan. “ไม่ใช่” (No.) Napatulala si Lia bago siya muling natawa. Imbes na mainis, mas lalo lang siyang na-fascinate. “ฮ่าๆๆ โอเคๆ เข้าใจแล้ว… น้องนี่จริงๆ เลย Ice Queen.” (Haha, okay, I get it… You really are the Ice Queen.) Ngunit si Amara, walang imik. Binuklat lang ang susunod na pahina ng script, hindi na muling tiningnan si Lia. Sa gitna ng break, habang nananatiling malamig si Amara sa kanyang tabi, napansin ni Lia kung gaano kaiba ang presensya ng dalaga. Hindi ito tulad ng ibang artista na sanay ngumiti kahit hindi gusto, o magpanggap na masayahin para lamang maging approachable. Si Amara ay totoo sa kanyang sarili—at sa kakaibang paraan, mas lalo siyang nagiging kaakit-akit dahil doon. Isang tahimik na bulong ang dumaan sa isip ni Lia. Why does she fascinate me this much? Pinagmasdan niya ang mahigpit na hawak ni Amara sa script, ang paraan ng pagbagsak ng kanyang buhok sa gilid ng mukha, at higit sa lahat, ang mga mata nitong kulay hazel green na warm contrast pero parang yelo—hindi mababasa, hindi madaling lapitan. Warmth attracts people… but her coldness? It pulls you in even more. Nakaramdam siya ng bahagyang kaba. Hindi siya sigurado kung ito ba’y dahil gusto niyang patunayan na kayang mapangiti ang babaeng ito, o dahil may kung anong magnetismo si Amara na hindi niya maipaliwanag. Muling sumilip si Lia sa mukha ng dalaga. Walang reaksyon. Walang bakas ng pag-aaliw sa mga biro niya. Para bang sadyang itinayo ni Amara ang isang mataas na pader na hindi basta-basta mababasag. At doon lalo niyang naintindihan—hindi siya iniiwasan ni Amara dahil suplada ito, kundi dahil ganoon na talaga siya. Ice Queen. Untouchable. At sa isip ni Lia, isang tahimik na hamon ang kanyang naisip. Fine. If no one can melt you, then let me try. Sa kabilang sulok ng set, pinagmamasdan ng production team ang dalawa, agad nilang napansin ang kakaibang contrast. Si Lia na parang araw—laging nakangiti, palaging may banat, at hindi nauubusan ng kwento. Si Amara naman, nananatiling tila marmol—walang reaksyon, tanging mga mata lamang ang nagbibigay ng tahimik na sagot. Nasa gilid si Direk Soraya, tahimik na nakatingin, halos hindi makapaniwala sa nakikita. Isa sa mga staff ang bumulong, halos hindi maitago ang tuwa. “ออร่านี่มันจริงๆ เลยนะ เหมือนพวกเขาไม่ได้แค่แสดง” (The aura feels so real… like they’re not just acting.) Napangiti si Soraya, bahagyang tumango. “ใช่…นั่นคือเคมีที่เงินไม่สามารถซื้อได้” (Yes… that’s chemistry money can’t buy.) Samantala, patuloy si Lia sa kanyang biro. “อามาระ…ยิ้มหน่อยสิ นิดเดียวก็พอ” (Amara… just smile, even just a little.) Ngunit imbes na ngumiti, tinitigan lang siya ni Amara. Walang bakas ng aliw. Hindi siya nagbitaw ng kahit isang salita. Natawa ang isang stylist sa gilid, napapailing. “แปลกนะ คนหนึ่งอบอุ่นเหมือนไฟ คนหนึ่งเย็นชาเหมือนน้ำแข็ง” (It’s strange… one’s warm like fire, the other’s cold like ice.) Si Direk Soraya ay nakangiti habang pinagmamasdan ang dalawa. “สมบูรณ์แบบ…ถ้าพวกเขาสามารถทำให้เราทุกคนหยุดหายใจได้เพียงแค่นี้ การถ่ายทำจริงจะยิ่งทรงพลัง” (Perfect… if they can make all of us hold our breath just like this, the actual shoot will be even more powerful.) At doon naisip ng ilan—marahil hindi kailangan ng ngiti mula kay Amara para maging kapansin-pansin. Sapagkat ang mismong kawalan ng emosyon niya… ay siya ring nagdadala ng mas matinding epekto. Sa susunod na eksena sa set, bago pa man magsimula ang camera, dumapo na agad ang presensya ni Lia sa tabi ni Amara. Nasa isang sulok sila ng garden setup, mga ilaw nakatutok, habang busy pa ang crew sa pag-aayos. Si Lia, tulad ng dati, parang bata na hindi mapakali—palaging may pakana, palaging naghahanap ng reaksyon. “อามาระ…ถ้าฉันทำแบบนี้ เธอจะหัวเราะไหม?” (Amara… if I do this, will you laugh?) Ginaya niya ang isang nakakatawang pose, halos mahulog pa sa upuan dahil sa eksaheradong acting na parang cartoon character. Ang mga staff, hindi napigilan ang pagtawa. Ang ingay ng halakhak nila pumuno sa paligid. Pero si Amara? Nananatili lang nakatayo, nakasandal sa poste, nakataas ang isang kilay, at malamig na nakatingin kay Lia. “ไม่” (No.) sagot ni Amara, malamig ang tono. Sandaling natahimik si Lia, pero agad ding bumawi, mas lalo pang naglaro ng ekspresyon. “แล้วถ้าฉันทำแบบนี้ล่ะ?” (Then what if I do this?) Bigla siyang kumindat, kasabay ng isang nakakatuwang peace sign sa mukha. Amara turned her head slowly, parang sinisipat si Lia mula ulo hanggang paa, bago muling ibinalik ang tingin sa ibang direksyon—parang walang nakita. “...” Natawa ang isa sa mga cameraman. “เธอทำให้เขินเอง แต่เธอไม่รู้เลย” (She’s making herself flustered, but she doesn’t even realize it.) Nagkibit-balikat lang si Amara, hindi nagpadaig kahit bahagya. Parang isang pader na hindi matibag, kahit anong biro ni Lia. At lalong naging masigla si Lia dahil sa katahimikan nito, tila ba mas nahahamon. “ฉันจะทำให้เธอยิ้มให้ได้…รอดูเลย” (I’ll make you smile, just wait and see.) The Mission to Break the Ice. Mainit sa ng studio nang araw na iyon, pero sa kabila ng init, malamig pa rin ang presensiya ni Amara. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng set habang inaayos ng make-up team ang buhok niya, walang ekspresyon sa mukha, para bang walang makakabasag ng kaniyang konsentrasyon. Sa kabilang panig naman, si Lia ay nakatitig sa kaniya na parang may lihim na plano. Hindi iyon ang unang beses na napansin niya kung gaano kaseryoso si Amara—walang bakas ng kaba, parang likas na siyang isinilang na may malamig na awra. Ngunit para kay Lia, may challenge itong dala. Just one smile, smile from an Ice queen. That’s my mission. bulong niya sa sarili. Tumayo si Lia, dala ang dalawang tasa ng kape galing sa malapit na café. Masigla siyang lumapit kay Amara na noon ay tahimik na nakaupo, nakasuot ng malapad na salamin at nakatutok sa script. “เอามาฝากค่ะ คาปูชิโน่” (Brought this for you, cappuccino.) Bahagyang tinaas ni Amara ang kaniyang mga mata, tinitigan lang ang tasa, saka ibinalik ang tingin sa binabasa. Wala siyang kinuha. Ngumisi si Lia at umupo sa tabi niya, itinulak nang kaunti ang tasa papalapit. “ลองชิมก่อนสิ อร่อยนะ” (Try it first, it’s good.) Sa halip na abutin, marahang sumagot si Amara. “ฉันไม่ดื่มกาแฟ” (I don’t drink coffee.) Tahimik. Diretsong sagot. Walang emosyon. Napanganga si Lia, saka agad tumawa nang mahina, sinusubukang gawing biro ang pagkatalo niya. “โอเค งั้น… ฉันดื่มเองก็ได้” (Okay, then… I’ll drink it myself.) At nilagok niya ang parehong tasa na para sana kay Amara, sabay pilit na exaggerated na mukha ng “sobrang sarap.” Ngunit kahit ganoon, walang kahit anong reaksiyon mula kay Amara maliban sa isang malamig na tingin at pagbalik sa script. Hindi nagpatinag si Lia. Kinabukasan, bago magsimula ang shooting, may dala naman siyang maliit na kahon ng Thai desserts—khanom chan at thong yip—matitingkad ang kulay at nakakaakit sa paningin. “เอามาให้นะ ของหวานไทย” (I brought this, Thai desserts.) Inilapag niya iyon sa mesa sa harap ni Amara, parang batang sabik na naghihintay ng reaksyon. Dahan-dahang ibinaba ni Amara ang hawak niyang ballpen, tumingin sa kahon, saka muling ibinalik ang tingin kay Lia. Walang imik. Walang ngiti. “เดาเอานะว่าคุณไม่ชอบขนมหวานใช่ไหม?” (Let me guess, you don’t like sweets?) inunahan niya na si Amara, tingin pa lang mukhang alam na ni Lia ang sagot nito. Marahang umiling si Amara. “ฉันไม่ค่อยกิน” (I don’t really eat them.) Natigilan si Lia, pero mabilis din siyang nakabawi, itinulak ang kahon papalapit sa ibang cast at staff. “โอเค งั้นพวกเรากินด้วยกันนะ!” (Okay then, let’s eat this together!) Nagpalakpakan ang ibang kasama, tuwang-tuwa sa libreng dessert. Ngunit nanatiling nakaupo si Amara sa gilid, tila walang pakialam sa kaguluhan sa paligid. At sa loob-loob ni Lia, mas lalo siyang na-challenge. So cold… sobrang cold. Pero hindi siya susuko. Hoping one day, mapapangiti rin niya si Amara. Sa sumunod na araw, ramdam ni Lia na medyo pagod na ang lahat. Kaya’t naisip niyang siya na lang ang magbibigay ng aliw. Habang inaayos ang ilaw at camera, lumapit siya kay Amara na nakaupo sa director’s chair, nakapamewang, hawak ang script. “รู้ไหม ทำไมกล้วยถึงหัวเราะไม่ได้” (Do you know why bananas can’t laugh?) Dahan-dahang tinaas ni Amara ang kaniyang tingin, walang ekspresyon. Hindi siya sumagot. Ngumisi si Lia at itinuloy ang biro. “เพราะเขาไม่มีเสียงหัวเราะ… บานาน่า!” (Because they don’t have laughter… ba-na-na!) Tumawa siya ng malakas sa sariling joke, halos matumba sa upuan. Pero si Amara? Tahimik. Walang kahit isang kurba sa labi. Tinitigan lang siya nito sandali, saka marahang ibinalik ang atensyon sa script na hawak. “ไม่ตลกเหรอ” (Not funny?) tanong ni Lia, kunot-noo pero nakangiti pa rin. “ไม่เลย” (Not at all.) Diretsong sagot ni Amara. Umikot si Lia palayo, kunwari naiinis, pero sa loob-loob niya ay mas lalo siyang na-excite. Nang matapos ang take, dumiretso si Lia kay Amara na nakaupo pa rin nang tahimik. Ngayon, may hawak siyang phone at nakabukas ang camera. “มากันเถอะ เซลฟี่หน่อย” (Come on, let’s take a selfie.) Nagulat ang ibang staff, nagbulungan. Sino ba naman ang may lakas ng loob na mag-selfie kasama ang Amara Seren Valen na halos hindi tumatawa on set? Itinapat ni Lia ang phone, nilapit sa kanilang dalawa. Siya mismo, nagbigay ng cute na peace sign, ngumiti nang malapad. Si Amara, nakatingin lang sa camera, walang ekspresyon, walang effort. Click. “โอเค อย่างน้อยก็มีรูปด้วยกันแล้ว!” (Okay, at least we have one together!) sigaw ni Lia, sabay tawa. Nakita ng staff ang resulta—isang litrato kung saan si Lia ay parang araw na nagniningning, habang si Amara ay parang yelo, tuwid ang tingin, malamig ang mata. Opposite worlds captured in one frame. Napailing ang make-up artist. “เหมือนน้ำแข็งกับไฟเลย” (Like ice and fire.) Tumawa ang lahat. Si Amara, nanatiling tahimik, parang walang narinig. Ngunit si Lia, pinagmamasdan ang litrato, may ngiti sa labi. Someday, you won’t just be ice next to me. Promise, Amara. *** Tahimik ang break room, malamig ang aircon, at nakaupo si Amara sa isang sulok. Tahimik siyang nagbabasa ng script, habang sa kabilang mesa ay abala si Lia sa panunuod ng mga bloopers sa phone niya. May halakhak, may tawa, may kurot sa gilid ng upuan—nakakasilaw ang energy. Lumapit si Lia, bitbit ang bottled juice. “อยากดื่มไหม?” (Do you want a drink?) Mataas ang tingin ni Amara, walang emosyon, saka marahang umiling. “ไม่เป็นไร” (No, thank you.) Ngumisi si Lia. “Cold as always.” Umupo siya sa tabi kahit walang paanyaya, halos sinusubok kung hanggang saan ang pasensya ng Ice Queen. Ngunit nanatiling tikom ang labi ni Amara, nakatutok lang sa papel na hawak. Muli siyang tinignan ni Amara. Walang kahit anong bakas ng aliw sa mukha niya. “เธอน่าจะใช้พลังงานนี้ในการซ้อมดีกว่า” (You should use that energy for practice instead.) Hindi nakasagot si Lia, ngumiti na lang siya nang malapad, habang si Amara ay binalik na ang tingin sa script, para bang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD