Prologue
Pagbukas ng elevator sa seventh floor, tahimik lang na lumabas si Amara. She’s wearing a graphite-gray na coat na parang alon habang naglalakad siya papunta sa JG Studio – maliit pero powerful na studio sa Shibuya, Tokyo. Sa labas, ramdam ang energy ng city – neon lights, traffic, at mga naglalakad sa gabi. Pero sa loob ng studio, ibang mundo ‘to. Tahimik. Intense. Tila sinadyang gawin para sa kanya.
Maliit lang ang studio, mga 22 square meters. May tatlong bintana: dalawa sa south side at isa sa west side, leading to a balcony na overlooking ang makulay na kalsada. Yung walls? Clean white pero may konting texture ng concrete – parang raw emotion na hindi mo pa kayang i-express.
Naglakad siyang walang sapatos, following studio rules. Parang symbolic na ‘di niya kailangan ng armor – kahit vulnerable siya, alam niyang matatag siya. Tinanggal niya ang coat. Sa ilalim nun, suot niya ang sculptural black bodysuit. A stylist greets her, bowing slightly.
Ohayōgozaimasu, amara-san. Ishō dansu wa kochira de yōi sa rete imasu (Good morning, Ms. Amara. The wardrobe is prepared over here.) alalay sa kanya ng kanyang stylist.
Amara nods, responding in fluent Japanese with grace that catches everyone by quiet surprise. Arigatōgozaimasu. Subete makasemasu. (Thank you. I’ll leave everything in your hands.) Amara, calmly replied.
Jun, the photographer, finishes adjusting the light. He turns, studies her silhouette. The shoot begins, Amara steps into frame. One arm relxed, one lifted, eyes locked on the lens. The backdrop swells in black and white beneath her.
Crew Member (whispering): Kono kakudo, kanpekidesu. (This angle... it’s perfect.)
Between frames, Amara quietly shares a thought with Jun, her tone introspective: Kono sutajio wa, -goe o dasanakute mo tsutae rareru bashodesu ne. (This studio... is a place where you can speak without words.) Jun just bows, shyly.
Sa unang tingin pa lang, alam mong hindi siya ordinaryo. Amara Seren Valen. Twenty-two. Half-Filipina, half-Canadian. At sa kanya mo makikita yung perfect mix—Asian softness with Western sharpness. Yung ganda niya? Parang sinadyang pagtagpuin ang dalawang mundo para lang likhain siya.
Lumaki siya sa Pilipinas, isinilang si Amara sa isang pribadong ospital sa Laguna, malapit sa tahimik na lawa ng Calamba. Doon siya lumaki, kaya sanay siya sa tahimik. May elegance siyang parang imported—graceful, refined, mysterious. Composed. Smart. Always poised. Parang hindi natataranta, kahit buong mundo na ang nakatingin sa kanya.
Na-discover siya sa Vancouver, Canada—isang lakad lang sa kalye, isang scout na napalingon, at isang "You should be a model" na nagbago ng lahat. Ngayon, she’s everywhere—runways, billboards, magazine covers. And still, she remains untouchable.
Brown hair, fair skin, at yung mata niya—hazel-green, na parang may sariling kwento. May dimples siya sa magkabilang pisngi, at kahit hindi siya nakangiti, lumalabas ang mga ito habang nagsasalita. Nakakainis. Nakakaakit. Nakakabighani.
She speaks different languages, pero minsan, mas expressive pa rin yung tahimik niyang titig. She’s the kind of girl you don’t approach—you admire her from afar, hoping she’ll notice you. But she rarely does. Because Amara? She’s not here to chase anyone. She’s the one being chased.
Sa harap ng camera, she’s flawless. Sa runway, she’s untouchable. Pero sa likod ng lahat ng iyon… may kwento siyang hindi alam ng karamihan. Amara Seren Valen—kilala bilang The Ice Model, pero ang lamig sa kanyang mga mata… may pinanggagalingan.
Years ago, isang gabi na dapat normal lang, naging bangungot. Tatlong lalaki. Mga kalaban ng kanyang ama. Pumasok sila sa bahay nila—walang awa, walang takot. Ang buong pamilya niya… pinatay. Her father, once a powerful man, had enemies. And that night, they came to collect.
Her older brother, her protector, her best friend—he died shielding her. Hinawakan siya, tinakpan, sinigawan ang mga salarin: “Wag…siya…She’s just a kid…” humarang si Theo. And his last words before he died was, “Don’t stay for the ruins. Go be free.” She stopped smiling. She stopped trusting. She built walls—cold, high, and impenetrable.
Modeling became her escape. A world where she could be someone else. Where no one asked about her past. Where beauty masked the pain. Kaya siya tinawag na Ice Model. Hindi dahil wala siyang puso—pero dahil natutunan niyang itago ito. Para mabuhay. Para makalimot. Para hindi na ulit masaktan. But deep down… She’s still that girl under the table. Terrified. Broken. Waiting for someone brave enough to melt the ice.
***
Nakaupo siya ngayon sa isang glassy stool, nakasuot ng minimalist white silk dress. Ang set ay napapalibutan ng faux snow, para sa isang winter campaign. Sa backdrop, may LED screen na nagpapakita ng frozen lake sa Hokkaido.
"Okay! Break time!" sigaw ng director.
Amara nods slightly, putting down the cup of matcha handed to her by an assistant. Tahimik. She doesn't mingle. She rarely does. She walks off-set papunta sa dressing room. Pagpasok nya, walang ibang tao. Just a mirror. And her reflection.
She stares at her reflection. Slowly she sits. Closed her eyes.
Then it comes.
The sound. The scream. The blood.
Flashback... 9 years ago.
Thirteen pa lang si Amara Seren Valen, pero parang minasahe na ng mundo ang utak niya. Hindi sya tulad ng iba – hindi siya tumatawa sa jokes na mababaw, hindi sya mahilig sa mga trending videos, at hindi siya nagpapapansin. Hindi niya kailangan, kasi kahit saan siya magpunta, tumitigil ang usapan.
Madalas tanungin ng mga teachers, “What are you thinking, Amara?”
Sasagot siya, simple lang: “I’m just observing.”
She was the top student at San Antonio Science High School. Hindi dahil sa sipag – although masipag siya – but because of how her brain worked. Parang sponge, oo, pero may sariling filtration system. She picked up details, filtered what was relevant, and synthesized complex thoughts from fragments. And to think na thirteen pa lang siya, gusting-gusto na niya ang hydrology.
Gusto niyang gumawa ng water filtration system for upland communities. Tinawanan siya ng classmates niya once. Hindi na siya nag-share ulit. Kinuha niya ang kanyang sketchpad, na nakatago sa ilalim ng kama nya. It has diagrams, drawings of broken pipelines, hand-drawn maps ni Seren. Sa likod ng notebook, may isang column for emotions. “Confused.” “Unsteady.” “Hopeful-ish.” Hindi siya expressive sa mukha, pero sa pages, nakasulat ang mga nararamdaman niya.
Her beauty was quiet but undeniable. Hazel green eyes – soft, watery, like cracked glass. Inherited from her Canadian father. Sa Philippines, laging napapansin. Pero kay Amara walang dating ‘yon. Her eyes made her feel like she stood out too much. She wanted to blend in. Pero imposibleng mangyari.
Her mom, Mama Fe Delgado Valen, ay anak ng prominent political clan sa Batangas. Her dad, Jules David Valen, ay entrepreneur sa Calamba – involved sa real estate at logistics. Her Kuya Theo Riley Valen was 17, mahilig sa piano, comics, and the sweetest brother. “You’re the genius,” lagi niyang sinasabi kay Amara. “Ako, I make music. Ikaw, you build worlds.”
August 3, 2013. Ang huling gabi na buo pa ang mundo ni Amara.
That evening, they came home from grocery shopping. S&R, bagong bukas. Theo carried the heavy bag with olive oil. Her Dad was on a call – something about delayed permits. Her Mom was quiet. May aura ng pagod pero composed. The house smelled like vanilla candles and bagoong. Welcome and strange.
“Seren, magbihis ka na. Dinner na tayo in twenty,” Sabi ng kanyang Mama, habang tinatanggal ang pearl bracelet nya. (Seren is what her family calls her, her middle name)
“Yes po.” Sagot ni Amara. Umakyat siya ng kwarto, nagpalit ng pambahay. Panda pajama pants, oversized blue shirt galing kay Tita Becca from Canada.
Valen mansion had fallen unusually quiet that evening. But it wasn’t peace. It was pressure, thick as humidity before a storm. Upstairs, Amara sat on her bed, sketch pad untouched. Her pen hovered mid-stroke. Through the thin walls, she heard Theo playing the piano – something unfamiliar. Not classical, not melodic, dissonant, sharp, like someone pouring out secrets through keys.
Then she heard it – voices from the study room.
“She has no direction, Jules. No goal. How do you expect her to survive the world if you keep coddling her?” her mom said, sharp and agitated.
“She’s not some investment portfolio, Fe. Anak natin siya. Let her find her way.” Sagot ng kanyang Ama, controlled but cracking.
Tumayo si Amara sa pagkakahiga. The piano downstairs hit a wrong note and stayed silent. Lumabas siya sa kanyang kwarto, barefoot, her movements tentative like she didn’t know what truth she was walking into. At the bottom of the stairs, Theo sat in the parlor. His back to her, fingers resting quietly on the ivory keys. Hindi siya lumingon ng dumaan si Amara.
“That wasn’t Chopin…” sabi ni Amara.
“Wasn’t music, really. Just noise.” Sagot ni Theo nang hindi lumilingon.
Nagpatuloy siya papuntang study room. Nakabukas ang pinto. Inside, her parents stood on opposite sides of the room – Fe by the bookshelf, arms crossed like armor; Jules by the desk, weary, gripping a letter he hadn’t shared.
“If you’re going to decide my life for me, I’d rather hear it to my face.” Sabi ni Amara, mahina pero klaro.
Natigilan sila, nagulat sa pagsulpot ni Amara.
“Sweetheart, it’s not like that – “sagot ng kanyang Ina, pero hindi pinatapos ni Amara.
“it always is.” Sabi ni Amara.
Nakatayo lang si Amara sa doorway ng study room, the echo of her parents’ voices still ringing her ears. Fe had stepped away from the bookshelf and now rubbed her temples, habang ang kanyang ama ay nanatiling nakaupo, hindi na nagsalita, still clutching the letter.
“I didn’t ask for Ivy League. I didn’t ask for any of this.” Pagpapatuloy niya, calm but distant.
“You’re missing the point. We’re fighting for what’s best for you.” Sagot ng kanyang ina sabay bungtong hininga.
“No. You’re fighting over what fits you. What proves your version of a perfect daughter.” Pagtutol ni Amara.
“She’s right, you know.” Dugtong ni Theo na nakisali na din sa usapan.
Napalingon sila. Theo leaned against the wall, the piano now silent behind him. His expression unreadable, but his fingers were stained slightly – ink, dahil sa pagsusulat, o oil, sa pagtotono ng piano keys. He hadn’t spoken this whole week.
“Don’t start with me, Theo.” Sambit ng kanyang ama tila pagod na sa usapin.
“I’m not starting anything. Just observing. You push too hard, then wonder why she walks the other way.” Sagot ni Theo sa kanyang ama. Amara turned to him – only Theo seemed to speak to her, not about her.
“You used to defend us. What happened to you?” tanong ng kanyang ina kay Theo.
“I stopped defending ghost” sagot niya in a cold tone.
A long silence settled. Outside, rain began to mist the windows. The sound of tires cutting gently against the driveway gravel was so faint, it was ignored.
“I want to decide for myself. Before I’m trapped in someone else’s version of my life.” Sambit ni Amara, breaking the silence.
Tumango si Theo, “Then decide. Don’t just escape. Don’t let this house define you.”
“I built this house for you.” Mahinang sambit ng kanyang ama.
“No, you built it for your guilt.” Sagot naman ni Theo.
“You two sound just like your father. Always trying to rewrite the past.” Sabi ng kanyang ina bago umalis ng study room.
Pinagmasdan lang ni Amara ang kanyang ina umalis ng kwarto, hanggang sa pag akyat sa taas ng hagdan. Ang kanyang ama ay tahimik, nakatingin sa hawak na letter. Naramdaman ni Amara ang mga kamay ni Theo sa balikat niya, not comforting, just present.
“You think things could’ve been different?” tanong niya kay Theo.
Theo paused and answered. “They should have been.”
And then – a small chime. The front gate monitor blinked. A car. No scheduled guest. No alert. But no one checked. Not yet.
Bumalik si Theo sa pagkakaupo sa piano bench, a low chord humming under his fingertips like a secret he couldn’t say aloud.
“You always play when things fall apart.” Sambit ni Amara kay Theo.
Napangiti si Theo, “Helps me stay quiet.”
Lumapit siya kay Theo, not beside him, but behind – watching his shoulders rise and fall like slow waves. “Do you ever think about running?” tanong ni Amara sa kanyang kapatid.
“All the time. But I stay. Not for them. For you.” Sagot naman ni Theo.
Hindi nagsalita si Amara, her hand brushed the piano’s surface, gathering dust no one had to clean since their last family photo.
“Don’t let their plans hold you down. You don’t owe anyone a version of yourself they made up.” Pagpapatuloy ni Theo.
“I just want silence. Real silence. Not this kind – where every pause feels like it’s waiting to explode.” Sagot ni Amara.
Tinignan siya ni Theo, eyes tired but steady. “You’ll find that. But not here. This house doesn’t know peace.”
The lights flickered once. Subtle. Like the mansion itself exhaling too hard. Sa labas, a distant slam – not glass. Metal. The side gate.
Napalingon si Amara sa ingay na narinig.
“Stay here.” Utos ni Theo, kalmado pero alerto.
Dahan dahan siyang naglakad papuntang hallway, pinapakiramdaman ang paligid. Nagstay si Amara sa harap ng piano. One key still rand beneath her palm – middle C, struck earlier but not quite released. And just beyond the front doors… may mga nakapasok nang tao sa loob ng bahay.
… Theo took slow steps toward the hallway, pa-ilalim ang tingin sa mga shadow ng chandeliers. The mansion was silent – but not empty. Sa study room, ang kanilang ama ay nakatulala pa rin, habang ang kanilang ina, sa taas, hindi pa bumababa.
Amara sat in the piano bench, staring at a single unplayed note. Her knuckles whitened on the edge of the bench. Then – BLAG. Isang malakas na kalabog sa likod ng mansion. Hindi lang gate. Parang bakal na pinto ang binuksan.
“Did you hear that?” pabulong na tanong ni Theo.
“That’s not the wind” sagot ni Amara. Bago pa makasalita ulit si Theo – CRASH. Basag ang bintana sa dining room. Tumakbo si Theo papunta sa ingay na narinig niya. Their father stumbled out of the study, his voice sharp: “Fe?! Seren?! Lock the doors, stay out of sight!”
“Dad!... what’s happening? Who – “
Three men entered, maskless, deliberate. Ang isa may hawak na baril. Isa naman may duffel bag na parang hindi pera ang laman.
“Magandang gabi, Mr. Valen. Dito na tayo magkwentuhan.” Sabi ng unang lalaki, mahinahon pero nakakakilabot.
“Anong kailangan niyo? Pwede natin pag usapan ito – “sagot ni Jules.
“Pag-usapan? Gano’n mo ba trinato ang mga tao sa Nueva Esperanza? Wala kang awa. Wala kang binayaran.” Sambit ng ikalawang lalaki, malamig ang boses ngunit dama ang galit sa mga salita.
“Lumayas kayo! Kundi tatawag kami ng pulis!” sigaw ng kanyang ina na bumaba mula sa hagdan.
BANG! Walang alinlangan binaril ng ikatlong lalaki ang kanilang ina.
“MOM?!” sigaw ni Amara.
“Takbo – wag kang lumingon!” sambit ni Theo, hinila niya si Amara palayo sa mga mapanganib na tao.
“Please… tama na! Pera? Kunin niyo lahat! Wag lang sila – “sigaw ng kanilang ama, desperado.
“Hindi pera ang hinihingi naming. Kundi paniningil. Sa dugo at mga buhay na nawala, hindi sa yaman.” Sagot ng unang lalaki.
Sinugod ni Theo ang unang lalaki para iligtas ang kanyang ama, ngunit isa lang siya at hindi kaya ang tatlo. Tinangka niyang kunin ang kanyang ama. Click. Tunog ng pagkasa ng baril, ang tumutok sa kanya. Dahilan para matigilan siya sa paglapit sa kanyang ama. Dahan dahan siyang naglakad palapit kay Amara upang protektahan siya sa mga lalaki.
“Mas matapang ka kaysa sa ama mo, pero hindi mo kami kaya. Wala kang laban.” Sabi ng ikatlong lalaki na may hawak ng baril. BANG! Isang putok. Tumama kay Theo habang niyayakap si Amara.
“Theo…” bulong ni Amara, nanginginig sa takot at pagkagulat sa nangyayare.
Ang dating katahimikan ay napalitan ng kabog ng puso, tunog ng salamin sa sahig, at putok ng baril. Amara, nakayuko sa tabi ng piano, halos hindi makagalaw. Sa harap niya, nakahandusay si Theo, hawak ang balikat na duguan. Sa tabi, si Jules ay pilit bumabangon mula sa sahig, nilapitan ng isa sa mga lalaki na may hawak na armas.
“Ayan ang anak mong pinakaiingat-ingatan. Ayoko man sila idamay. Pero kabahagi rin siya ng pagkakamali mo.” Sambit ng ikatlong lalaki.
“Wag…siya…She’s just a kid…” humarang si Theo, habol hininga, pushing his last strength to protect Amara. Mabilis niyang nilapitan si Amara.
BANG! Tumama ang isang bala kay Theo sa tagiliran. Umuga ang katawan niya, pero hindi bumitaw. Niyakap niya si Amara, tinakpan ng kanyang katawan.
“Ku-kuya… don’t…don’t leave me… wag mo akong iwan…” sambit ni Amara na halos hirap na magsalita.
“TAMA NA! KUNIN N’YO NA LAHAT! WAG LANG SILA MAAWA NA KAYO!” sigaw ng kanilang ama, desperado na palayain ang mga anak.
Tumawa ang ikalawang lalaki, “Hindi kayamanan ang habol namin. Kundi paniningil.”
Amara, nanginginig, nakatitig sa mata ng kanyang ama, habang nakaluhod na ito sa tabi ni Theo, pawisan, duguan, nagmamakaawa. “Anak…Seren… tumakbo ka. Lumabas ka sa back gate. Wag kang lumingon…” bulong ng kanyang ama, habang tumutulo ang luha.
“But… Dad…” tutol ni Amara.
“JUST GO! Buhay mo ang mahalaga. GO SEREN!” sigaw ng kanyan ama kay Amara. Pilit tumayo at nilabanan ang mga lalaki, upang makatakas si Amara.
Theo, sa huling hininga, tumingin kay Amara – sa mata ng kapatid, puno ng takot.
“Don’t stay for the ruins. Go be free.” He said, smiling brightly. His last words for his sister.
With those words, napatayo si Amara at tumakbo. Barefoot. Sa likod ng mansion, dumaan sa likod ng kusina, iniiwasan ang liwanag, pilit tinatago ang iyak. Sa likod niya, may sumisigaw pa, may putok pa ng baril. Pero hindi siya lumingon.
She run as fast as she could. Run. Just run. Leaving everyone behind.
Nang makalabas siya, tumigil siya sa isang puno. Pinikit ang mata. Tumulo ang pawis sa batok sa pagtakbo, dugo sa kanyang mga palad, pagod pero ang hakbang niya… tuloy pa rin. Sa gabing ‘yon – wala na siyang pamilya. All she need to do is… Tumakbo. Mabuhay. At magpatuloy.
Bumuhos ang malakas na ulan, si Amara ay lumalakad sa damuhan, sugatan pero patuloy pa din sa paglalakad. Ang kanyang damit ay basang-basa ng pawis, dugo at ulan, habang ang mga alaala ng nangyare sa mansion ay paulit-ulit sa kanyang isipan – mga putok ng baril, sigaw ng kanyan ina, pagmamakaawa ng kanyang ama, tinig ni Theo, at ang pagtakbo. Sa ilalim ng malamig na buhos ng ulan, isang batang babae ang naglalakad mag-isa sa gilid ng highway. Basang-basa, nanginginig, tuliro-tila ba binura ng gabi ang kanyang pagkatao.
Si Amara.
Hindi siya umiiyak. Hindi rin sumisigaw. Walang siyang ekspresyon. Ang mga mata niya’y blangko, nakatitig sa putik na umaagos sa kanyang paa. Sa damit niya, may bahid ng dugo. Hindi niya alam kung paano siya nakalabas. Hindi rin niya natatandaan kung gaano kalayo siya tumakbo. Basta’t nasa labas na siya – at iyon lang ang mahalaga. Isang pulis patrol car ang huminto. Ang ilaw ng sasakyan ay tumama sa katawan niyang halos hindi na gumagalaw. Bumaba ang dalawang pulis, marahan ang kilos.
“Iha… ligtas ka na. Nandito kami para tumulong.” Sabi ng isa sa mga pulis.
Mabagal niyang inangat ang kanyang mukha, walang ekspresyon. Tila ba nawalan ng boses ang pagkatao niya. “Confirmed. Survivor found. Female. Trauma victim. Nonresponsive. Requesting psychological unit.” Sabi ng pulis sa kanyang radio asking for his team.
“Suspects are confirmed armed and inside Valen Mansion.” Tinig mula sa radio.
Valen Mansion. Walang babala, pumasok ang mga pulis sa mga bintana at pinto ng mansion. Ang gabi ay ginising ng sigaw, at putukan. “Drop your weapon – NOW!” sigaw ng Commander.
Hindi sumuko ang mga salarin. Isa-isang gumanti ng bala. Nagpalitan ng putok ang mga pulis at mga criminal, na nauwi sa madugong pagkasawi ng mga criminal. Sa ospital. Nakaupo si Amara sa malamig na kwarto, may kumot sa balikat, may therapist sa tabi niya. Tahimik pa rin siya.
Ngunit sa balita sa TV, narinig niya ang headline: “Valen Crime Syndicate: All Members Dead in Tactical Operation.” Dahan-dahang umangat ang kanyang mukha at napatitig sa mga larawan ng biktima na nasa balita. Sa unang pagkakataon, mga luha ay umagos mula sa kanyang mga mata.
knock, knock, knock. Back to present…
“Amara? You’re on in 5.” Sabi ng studio manager
She blinked, slightly shaking her head back to reality. “Ready,” sagot niya, sabay tayo mula sa vanity chair.
Her stylish followed her, carrying emergency pins, hairspray and powdered blush. “Fix the collar, please,” sabi ng photographer habang nagre-reset ng lighting. “Give me power, Amara. Stillness with a pulse.”
She just nodded. Lumapit sa backdrop, pumwesto sa spotlight. Ilang poses, ilang tiklop ng katawan at ilang tingin sa lens. Click. Click. Click. “Last layout!” sigaw ng shoot director, pagod na pero upbeat pa rin. “Amara, slight tilt lang, we’re chasing drama here.”
Amara nodded. She shifted her weight, stared into the lens like it owed her answers. Click. Click. Click. Silence. Tumango ang photographer. “We got it. That’s the cover.”
Sa paligid, may nagpalakpakan. Light claps lang. crew started disassembling lights, Stylists pulled fabric samples off racks and she stepped away slowly walking straight to the dressing room, silence. She sat down, tinanggal ang boots na parang armor. Her assistant handed her a bottled tea.
“Ma’am, here’s your schedule. You have an interview in an hour.” “Right,” sabi ni Amara, almost automatic. On the way to the interview, Amara stared out at Tokyo – city lights reflecting sa salamin. Thinking about the possible questions na itatanong sa kanya.
Interview Room. Clean lines. Monochrome. Spotlight on Amara.
Amara arrives, hindi flashy. Hoodie, boots, loose pants and shades. She was escorted inside. Isang art gallery turned studio space sa Tokyo. Glass windows glint with the afternoon sun. Inside, cream and metal dominate – clean aesthetics, camera – ready. Amara sits on the center chair. Behind her, the skyline and in front of her, a table with microphone, two glasses of water, and a printout questions that journalist never intends to follow exactly. She is composed, as always.
The journalist, Lara, adjusted her voice recorder. “Ready when you are, Ms. Amara.”
Amara doesn’t flinch or nod, she just replies, “Let’s begin.”