LEXY's POV
Hindi makatingin ng diretso sa akin si Mikel. Naging malikot ang mga mata nito.
Lexy: Babe, we haven't talked for awhile now. Is there something wrong?
Napaangat ng tingin sa akin si Mikel.
Mikel: Ahm… Busy lang, babe. Alam mo na. Graduating na ako ngayon.
Tiningnan ko siya ng matiim. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Lexy: Can I ask you something, Mikel?
Nakita kong naging malikot na naman ang mga mata niya. May mga namumuong pawis sa kanyang sentido.
Mikel: Su-sure, babe.
Ikinuwento ko sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Ethan. Nakikita ko ang kalituhan sa kanyang mga mata. Naroon din ang takot. Nakinig siya hanggang matapos akong magsalita. Nanatili siyang tahimik.
Lexy: To-totoo ba ang sinabi ni Ethan? I-ikaw ba 'yong nakita niya?
Napayuko si Mikel. Nakita kong kumuyom ang kanyang dalawang kamao.
Lexy: Babe?
Lalong kumuyom ang kanyang mga kamao.
Mikel: No. Hi-hindi ako 'yon. Baka ka-kamukha ko lang? Na-namalikmata lang si Ethan.
Medyo may duda ako sa mga sinasabi ni Mikel. Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa akin.
Lexy: Are you sure, Mikel?
Nag-angat siya ng tingin sa akin.
Mikel: Bakit naman ako magme-makeup, babe? Lalaki ako. Hindi ako bading.
Tumigil siya sa pagsasalita. Nanatili lang akong nakamasid sa kanya. Nagbuntung-hininga siya at muling nagsalita.
Mikel: Pinagdududahan mo ba ako?
Narinig ko ang pagtatampo sa kanyang tinig.
Lexy: Hindi naman sa ganoon, babe. Gusto ko lang malaman ang totoo.
Mikel: 'Yon ang totoo, Lexy. Hindi ako ang nakita ni Ethan. Kakausapin ko na lang si Ethan.
Nagbuntung-hininga ako. Siguro nga ay nagsasabi ng totoo si Mikel.
Lexy: Okay, babe. Naniniwala ako sa 'yo. Pero...pwede ko bang malaman 'yong gusto mong sabihin sa akin noong huli kang tumawag sa akin? Sinabi mong may gusto kang sabihin, pero hindi ka na muli pang tumawag. Ano ba 'yon?
Muli na namang naging malikot ang mga mata ni Mikel.
Mikel: Ah. 'Yon ba? Ka-kalimutan mo na 'yon, babe. Wa-wala lang 'yon. Maski nga ako ay hindi ko na maalala. Hu-huwag mo na 'yong isipin.
Huminga ako ng malalim.
Lexy: Okay. If that's what you want. Hindi ka pa ba bababa? It's your Dad's birthday today.
Umiling si Mikel.
Mikel: Hindi na muna, Lexy. Mamaya na lang.
Nagkibit-balikat ako.
Lexy: Okay. Join us when you can. Baka magtampo si Tito Hector kapag hindi ka bumaba?
Tumango si Mikel.
Lexy: Sige. Bababa na ako, babe.
Tumangong muli si Mikel at lumabas na ako ng kanyang kwarto. Ang weird ng naging pag-uusap namin. Alam kong may mali. Kung ano 'yon ay 'yon ang kailangan kong alamin.
----------
HECTOR's POV
Isang babae ang biglang tumili pagkatapos kong pisilin ang kanyang pang-upo.
Hector: Hi, Honey.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Honey nang malaman niyang ang pumisil ng kanyang malamang pang-upo ay ang dati niyang amo. Si Honey ay ang dati naming babysitter ni Raquel noong mga bata pa sina Mikel at Margie.
Honey: Sir Hector?
Lumingon ako sa paligid.
Hector: Huwag ng Sir. Hindi mo na ako boss ngayon.
Ngumiti siya ng nakakaakit at malandi siyang nagsalita.
Honey: Okay. Hector.
Tumawa ako. Pumulupot ang kanang bisig ko sa kanyang baywang.
Hector: Punta tayo sa kusina.
Buti na lang at nakita ko si Honey sa birthday party na ito na inihanda ng asawa ko para sa akin. Bored na bored ako kanina pa. Puro mga empleyado ng kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Raquel ang nakikita ko. Ang hirap makipagplastikan sa kanila. Lagi pang magkadikit sina Raquel at Riza rahil sila ang nag-iistima sa ibang mga bisita. Hindi rin ako makalapit kay Ferlene dahil kausap nito ang ibang mga kasamahan sa trabaho.
Pagdating namin sa kusina ni Honey ay muli kong pinisil ang kanyang matambok na pang-upo. Tumawa siya ng sobrang landi.
Honey: Ikaw, ha. Type mo pala ako.
Pinagapang niya ang kanyang kanang palad sa aking dibdib.
Honey: Dati pa akong may gusto sa 'yo. Kaso masyado kang loyal sa asawa mo.
Totoo naman 'yon. Loyal ako kay Raquel noon hanggang sa landiin ako ni Riza at ma-realize ko sa aking sarili na si Riza ang mahal ko. Ang problema ay gusto kong tumikim ng ibang putahe paminsan-minsan maliban kay Riza. Kaya nambababae pa rin ako maliban sa aking kabit na si Riza. Hindi naman kabit ang tingin ko sa mga babaeng ikinakama ko kundi laruan lamang. Ang mahal ko lang na si Riza ang itinuturing kong kabit na magiging asawa ko kapag nadispatsa na namin si Raquel. Tanging si Lexy na kaibigan ng anak kong si Margie ang hindi ko pinatulan because she seems trouble. Tipong magiging sagabal sa mga plano namin ni Riza. Patay ako kay Riza kapag nalaman niyang may iba akong ikinakama bukod sa kanya kaya doble-ingat ako.
Bumulong ako kay Honey.
Hector: Subukan mo akong akitin ngayon. Baka may mapala ka?
Tumawa ng mahina si Honey at napatingala sa kisame. Mukhang nag-iisip ito. Naka-pout ito habang nag-iisip.
Hector: Sino nga pala ang nag-invite sa 'yo rito?
Tumingin siya sa akin ng diretso at malanding ngumiti.
Honey: Isinama ako ni Mando.
Napakunot ang aking noo. Isang Mando lang ang kilala ko.
Hector: Mando? Sinong Mando?
Honey: Nakalimutan mo na ba? 'Yong dati niyong driver. Kaso noong hindi niyo na kailangan ng driver ay ipinasok na lang siyang messenger ni Ma'am Raquel sa kumpanya niyo.
Napatango ako. Si Mando. Ang lintik na matandang si Mando. Ang nakakaalam ng isang bagay na ginawa ko noon maraming taon na ang nakalipas.
Hector: Huwag mong sabihing…
Nakakalokong tumango-tango si Honey.
Honey: Yes. Siya ang boyfriend ko.
Tumawa ako ng malakas na natigil nang pumaikot ang mga bisig ni Honey sa aking leeg. Napayuko ako sa kanya at napatingin sa pagitan ng kanyang mga malalaking pakwan.
Honey: Mahilig ako sa older men. Ang problema kay Mando ay hindi siya ganoon kagaling sa kama. Naghahanap ako ng lalaking mailalabas ang lahat ng kalandian sa aking katawan.
Sobrang nakakaakit ng boses ni Honey habang nagsasalita siya.
Hector: Huwag kang sasabay umuwi kay Mando mamaya. Ako ang maghahatid sa 'yo.
Kagat-labing ngumiti si Honey. Pinaglandas niya ang kanyang hintuturo sa aking mga labi.
Honey: Live-in na kami ni Mando.
Hector: Anak ng. Magdahilan ka. Dapat sa hotel tayo matutulog ngayong gabi. Ikaw. Ako. Walang sagabal.
Hinawakan ko ang hintuturo ni Honey na malanding umiikot sa aking mga labi. Ipinasok ko ang kanyang daliri sa aking bibig at dinilaan na may kasamang kagat. Napaungol si Honey.
Napangiti ako kay Honey habang nasa loob pa rin ng aking bibig ang kanyang daliri.
Honey: Gusto na kitang tikman, Hector.
Nakarinig kami ng papalapit na mga yabag. Mabilis kaming lumayo sa isa't isa ni Honey.
----------
THIRD PERSON POV
Isang lalaki at isang babae ang masinsinang nag-uusap sa telepono.
Babae: Ano na? Nakuha mo na ba ang loob niya?
Lalaki: Hindi pa. Malas nga, eh. Nandoon na pero napurnada pa. Pakialamero kasi 'yong lalaki. Pero huwag kang mag-alala. Madali lang naman mauto 'yong babae.
Babae: Sige. Paalam na. Baka may makarinig pa sa akin dito?
----------
ETHAN's POV
Ngayon ay kasama ni Margie si Lexy at nagkukwentuhan sila sa garden. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom at nandoon ang Tita Riza ni Margie.
Riza: Oh. There you are, handsome. Where's Margie?
Bigla akong nailang sa presensya ni Tita Riza. Noong isang beses na nagpunta ako rito sa bahay nila Margie ay sinubukan akong landiin ng Tita Riza niya. Sasabihin ko sana ang tungkol doon kay Margie, pero minabuti kong huwag na lang dahil baka mag-away pa silang mag-tita.
Ethan: Nasa garden po kasama ni Lexy.
Ngumisi siya at unti-unting lumapit sa akin. Umatras ako paunti-unti hanggang mabunggo ang likod ko sa dingding ng kusina.
Riza: Bakit parang natatakot ka sa akin, Ethan? May mali ba akong nagawa sa 'yo?
Pinagpapawisan ako ng malapot. Naramdaman ko na lang na pinipisil na ni Tita Riza ang bakat ng aking alaga sa labas ng aking pantalon.
Riza: Ang laki.
Ethan: Tita Riza, ano pong ginagawa…
Hindi ko matapos ang aking sasabihin.
Riza: Ano pa ba? Eh, 'di pinipisil ang malaki mong alaga.
Lumalalim ang aking paghinga. Nalilibugan na ako. Nakita kong ngumiti ng nakakaakit si Tita Riza. Nag-iinit ang aking pakiramdam.
Argh!
----------
itutuloy…