KABANATA 17

1205 Words
LEXY's POV Nandito ako ngayon sa bahay nina Margie. Birthday ni Tito Hector at syempre invited ako rahil sa aking best friend. Kung ako ang masusunod ay hindi ako pupunta sa party na ito rahil ayokong makita si Ethan. Nitong mga nakalipas na araw ay ginugulo niya ang sistema ko. Noong una ko siyang makita ay alam kong simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya na napunta sa attraction. Noong gabing hinalikan ko siya ay nakaramdam ako ng kakaibang bagay. Bagay na hindi ko naramdaman kay Mikel. Ngayon ay nagdududa na ako kung mahal ko ba talaga si Mikel o hindi. Lalo na ngayong mga nakalipas na araw na hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni Mikel. Lagi niyang sinasabi na busy siya sa studies niya. Sinabi niya rating may sasabihin siya sa akin pero hindi naman niya ako kinakausap hanggang ngayon. Puro text greeting lang ang mga natatanggap ko mula sa kanya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit pumayag akong um-attend sa birthday party para kay Tito Hector. Para makausap si Mikel. Gusto kong malaman kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin. Isa pa itong si Ethan. 'Yong araw na rapat ay magkikita kami sa mall ay sinabi niyang next time na lang niyang sasabihin 'yong gusto niyang sabihin. Kinakabahan ako pero gusto ko ring malaman. Isa pang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa bahay nina Margie ay dahil gusto kong makausap si Tito Hector. Alam kong may mali noong araw ng kaarawan ni Joshua. Sigurado ako sa nakita kong si Tita Riza ang nasa bahay nina Joshua. Alam kong may kinalaman doon si Tito Hector. Gusto kong malaman ang kaugnayan ni Tita Riza sa aking kinakapatid. Nilapitan ko si Margie na kausap ang nobyong si Ethan. Grabe! Ang gwapo niya sa suot na tuxedo. Bagay na bagay sa kanya. Bagay na bagay din sila ni Margie. Gwapo at maganda. Alam kong nakararamdam ako ng selos pero hindi ko rapat ipahalata sa kanila. Hindi tamang magkagusto ako sa boyfriend ng best friend ko. Lexy: Where's your Dad, Margie? Gusto ko sana siyang i-greet dahil birthday niya. Margie: Hindi pa siya dumarating, Lexy. Pero pauwi na siya. Ini-entertain muna nina Mommy at Tita Riza ang mga bisita habang hinihintay dumating si Daddy. Napatango-tango ako. Lexy: Ah. Okay. Si Mikel, nasaan siya? Margie: Pababa na rin 'yon. Busy lang sa projects niya. Lexy: Sige. Pupuntahan ko lang siya. Matagal na kaming hindi nakakapag-usap. Nakita kong medyo kumunot ang noo ni Ethan, pero binalewala ko iyon. Paakyat na ako sa hagdan nang pigilan niya ako sa aking siko. Ethan: Uhm, Lexy, can we talk in private? Tumingin ako sa kamay ni Ethan na nakakapit sa aking siko. Nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa buong sistema ko. Mabilis kong binawi ang aking siko mula sa kanyang pagkakahawak. Nagulat si Margie sa ginawa ko. Lexy: I'm sorry. Na-nabigla lang ako. Shocks! Bakit ako nauutal? Margie: Are you okay, Lexy? Nag-aalalang tumingin sa akin si Margie. Lexy: Uhm… Yeah. Yeah. I'm fine. Napalingon si Margie kay Ethan. Margie: Ano ang sasabihin mo kay Lexy, babe? Kailangan bang kayong dalawa lang? Is it really important that needs to be discussed privately? Napahawak si Ethan sa kanyang batok. Ethan: I'm sorry, babe. I don't want to be rude. Pero sasabihin ko rin sa 'yo once masabi ko na kay Lexy. Mabagal na tumango si Margie. Margie: Okay. Pupuntahan ko lang sina Mommy. See you later. Hinawakan ni Margie ang kamay ko. Margie: Relax. Kung anuman ang sabihin sa 'yo ni Ethan ay tandaan mong nandito lang ako. Niyakap ako ni Margie at pumunta na siya sa kinaroroonan ni Tita Raquel. Sumama siya sa pag-iistima ng mga bisita. Humarap ako kay Ethan. Grabe. Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya sa akin. Kinakabahan ako. Pero nandoon ang excitement dahil magkaharap kami ngayon. Ethan: Lexy, matagal ko na rapat itong sinabi, pero naunahan ako ng konsensya. Naguluhan ako sa sinabi niya. Lexy: Konsensya? Pa-paano? Huminga siya ng malalim. Ethan: Okay. Lahat ng sasabihin ko ay base lang sa aking mga nakita. Hindi ako sigurado. Hindi ko ito ginagawa para makasira ng relasyon. Gusto ko lang sabihin sa 'yo para maging aware ka siguro kahit papaano. Pero nasa sa 'yo pa rin kung maniniwala ka o hindi. Lalo akong kinakabahan sa mga sinasabi niya. Lexy: Sabihin mo na, Ethan. Huwag kang pa-suspense. Pilit kong nilalabanan ang kaba. Ethan: Ganito kasi, Lexy, noong isang beses na pumunta ako ng flower shop ay may napansin akong lalaki na kamukhang-kamukha ni Mikel. Sinubukan kong lapitan. Nang humarap sa akin 'yong lalaki, nakita kong...gay ito at naka-makeup. Kamukhang-kamukha siya ni Mikel. Noong humarap sa akin 'yong...lalaki ay nanlaki ang mga mata niya at nagmamadaling tumakbo palayo. May kasama siyang lalaki na mukhang model. Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. Gay ba si Mikel? Pero wala akong nakikitang mga senyales. Lexy: Si-sigurado ka ba sa nakita mo, Ethan? Umiling si Ethan. Ethan: Tulad ng sinabi ko ay hindi. Pero mas lamang ang porsyento na tingin ko ay si Mikel ang nakita ko. Kasi kung hindi ay bakit siya tatakbo. Hindi ko siya sinisiraan sa 'yo, Lexy. Ginagawa ko ito para ikaw ang kumausap sa kanya. Hindi ko pa sinasabi kay Margie rahil ayaw kong mabigla siya. Hindi kaya 'yon ang gustong sabihin sa akin ni Mikel? Sumasakit ang ulo ko rahil sa mga narinig ko mula kay Ethan. Lexy: I'll go upstairs. I need to talk to him. Mabilis akong umakyat ng grand staircase patungo sa kwarto ni Mikel. Hindi na ako kumatok. Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto niya ay nakita kong nakaupo sa kama niya si Mikel. Mabilis nitong isinara ang laptop. Lexy: Mikel, can we talk? ---------- THIRD PERSON POV Nagmamadaling isinuot ni Hector ang lahat ng kanyang saplot matapos ang tatlong rounds ng pakikipagtalik sa secretary ni Raquel. Hector: Magbihis ka na. Baka magtaka ang asawa ko kung bakit wala pa ako sa bahay? Malamang nandoon na ang lahat ng empleyado ng kumpanya maliban sa 'yo. Malanding tumawa ang secretary ni Raquel na si Ferlene. Ferlene: Okay lang 'yan, lover boy. T-in-ext ko naman 'yong asawa mong may bibilhin lang akong gift para sa asawa niya. Ngumisi si Hector. Ngumiti naman ng mapang-akit si Ferlene. Ferlene: Did you enjoy my gift for you, baby? Kasi ako nag-enjoy diyan sa nakatutukso mong bukol sa pantalon. Hector: Alam mo namang ikaw ang dahilan kung bakit binibisita ko rito sa opisina si Raquel, 'di ba? Para makipagtikiman sa 'yo sa storage room. Ferlene: Ang sarap sa pakiramdam 'yong alam kong nagpapakapagod sa trabaho si Raquel habang ako ay nagpapakasarap sa storage room kasama ang pilyong mister niya. Wala naman akong balak maging kabit kung hindi ka lang talaga gwapo, macho, at malaki 'yang kargada mo. Hector: Hindi rin naman sana kita papatulan kung hindi ko napapansing inaakit mo ako. Todo pa-cute ka pa sa 'kin. Tumawa ang babae. Ferlene: Kapal mo. Sige na. Mauna ka na sa party mo. Susunod ako. Hindi na ako magsusuot ng thong. Winarak mo na kanina, eh. Hector: Nakakagigil ka kasi. Malakas na hinampas ni Hector ang dalawang hubad na pakwan ni Ferlene na ikinatili ng babae. Hector: See you later, baby. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD