Francis’ POV Mabilis ang mga pangyayari. Isang buwan pa lang ang lumipas mula noong lumuhod ako sa harap ni Larissa sa isang mamahaling restaurant, hawak ang singsing na milyon ang halaga, habang nakatingin sa amin ang mga pamilya namin, litaw ang saya sa mga mata nila. At ngayon… narito na kami. Sa isang private beach resort sa Batangas na inupahan ko buong weekend para sa kasal namin. Walang press, walang engrandeng programa kami lang, ang aming pamilya, at ang alon ng dagat na para bang sinasabay ang kampay sa t***k ng puso ko. Minadali namin ang lahat. Hindi dahil required o pressured, kundi dahil bawat araw na lumilipas ay nagiging mas mahirap para kay Larissa. Sobrang daming pagbabago sa kanya. Madalas siyang sumasama ang pakiramdam, naging super emotional, at minsan kahit simpl

