Larissa’s POV Isang linggo na ang lumipas mula nang mag-propose si Francis sa akin sa harap ng mga taong ni minsan ay di ko naisip makakasalamuha ko. Mga kilalang personalidad, business tycoons, elite families lahat nandoon para sa gabing iyon. Pero hindi ko na halos ma-enjoy ang engrandeng proposal na 'yon. Ang totoo, ilang araw na akong masama ang pakiramdam. Akala ko nung una, simpleng pagod lang. Pero habang tumatagal, parang may kakaiba. Madalas akong nahihilo tuwing umaga. Parang wala akong ganang kumain. Minsan, nasusuka pa ako kahit wala namang masamang kinain. Ayokong mag-overthink, pero habang tinititigan ako ni Francis habang nag-aalmusal kami, ramdam kong may kutob na rin siya. "Hon, magpacheck-up ka na, seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. "Hindi na normal yan.

