Larissa’s POV Nakaka-proud sa pakiramdam na makita ang panganay kong anak na si Ryder na nakapagtapos na may mataas na karangalan. Hanggang ngayon, bawat beses na naaalala ko yung araw ng graduation niya, parang may mainit na kurot sa puso ko hindi dahil malungkot ako, kundi dahil sobrang saya na natupad niya ang pangarap niya. At ngayon, dalawang taon na lang, susunod na magtatapos ang nag-iisa naming anak na babae, si Amara. Ganap na dalaga na siya, maganda, matalino, at may sariling paninindigan. Pero dahil dalaga na, hindi rin maiwasan na marami ang nanliligaw sa kanya. Madalas tuwing gabi, bago siya matulog, kumakatok ako sa kwarto niya para makausap siya ng masinsinan. Para akong bumabalik sa mga panahon na maliit pa siya at pinapakalma ko kapag may masamang panaginip. Pero

