Francis’ POV Pagkatapos ng kaguluhan kagabi dahil sa sinabi ni Amara, hindi ako mapalagay hanggang sa kinaumagahan. Kahit sinasabi ni Ryder na wala lang yun, hindi ko mapigilang mag-isip. Kaya nang bumaba siya mula sa kwarto niya matapos mag-breakfast, tinawag ko agad siya at sinenyasan na sumunod sa akin papunta sa opisina ko sa bahay. “Ryder, anak, let’s talk,” sabi ko, seryoso ang tono ko pero hindi naman galit. Agad naman siyang sumunod at umupo sa mahabang sofa sa loob ng opisina ko, medyo kinakabahan. “What do you want to talk about, Dad? Let me guess, this is about last night? Yung sinabi ni Amara?” sagot niya habang nagkukrus ng braso, halatang nagpi-pretend na cool kahit namumula ang tenga niya. “Absolutely,” sagot ko, umupo sa tapat niya, nakasandal pero diretso ang tingin.

