Ryder’s POV “Sir Ryder, nasa conference room na po ang lahat.” Tumango lang ako kay Marco, ang assistant ko, habang inaayos ang suot kong suit. First board meeting ko ngayong taon bilang CEO ng Del-Fuero Corporation. At kahit ilang buwan na ako sa posisyong ito, hindi pa rin nawawala ang bigat ng responsibilidad sa balikat ko. Bata pa ako para sa ganitong trabaho, sabi ng iba. Pero kapag ikaw ang panganay ng isang Francis Del-Fuero, wala ka masyadong luxury para magkamali. Pagpasok ko sa conference room, agad tumayo ang mga directors bilang respeto. Nakasanayan ko na ‘yon pero sa totoo lang, hindi pa rin ako sanay na tawagin nilang “Sir Ryder.” Minsan naiisip ko pa rin na ako lang yung binatang ginagabihan sa paglalaro ng PS5 sa condo niya, hindi yung CEO na pinapanood ngayon ng dose

