Larissa’s POV Taon pa muli ang lumipas, at parang isang iglap lang ang lahat. Ang mga anak namin, na dati’y mahilig lang maglaro at magkulitan sa sala, ngayon ay malalaking binata at dalaga na, abot-kamay na ang mga pangarap nila. Hindi ko maiwasang mapaluha habang hawak ko ang kamay ni Francis, nakaupo kami sa unahan ng auditorium kung saan ginaganap ang graduation ceremony ni Amara. Parang kahapon lang, sinasabihan ko pa siya ng, “Anak, treasure yourself,” ngayon, narito siya isang ganap na dalaga, nagtatapos ng may mataas na karangalan. Naririnig ko ang papuri ng mga tao sa paligid, pero ang pinakamahalaga sa akin ay ang makita siyang lumaking mabait, responsable, at marunong magpahalaga sa sarili. Nang tawagin ang pangalan niya, hindi ko mapigilang tumayo, palakpakan, at ibuhos

