Chapter 2

968 Words
Ang trabaho, hindi paligsahan. Pero kung may susubok sa’yo, mas mabuting hindi ka rin nagpapaiwan.” Dalawang linggo pa lang ako sa Del-Fuero Group pero parang isang buwan na akong nasa ilalim ng microscope. Lahat ng mata, sinusundan ako. Lahat ng bulungan, parang ako ang paksa. Sa pantry, umiinit ang batok ko sa mga sulyap. Sa elevator, tila may invisible barrier bihira akong tabihan. At sa meeting room kanina, narinig kong may bumulong “Siya yung sinigawan ni Mr. Del-Fuero, ‘di ba?” Dalawang linggo palang siya dito pero parang… malakas kay Chairman.” “HR lang, pero biglang sinama sa project.” HR lang. Lagi na lang may “lang.” Ang hindi nila alam, sanay na ako sa mga ganyan. Sa NGO, hindi uso ang entitlement. Trabaho mo, gawin mo. Dito? Palakasan. Pa-impress-an. Pabonggahan ng suit at power point. Pero hindi ako nandidiri sa ganito. Nilalaro ko lang nang tahimik. Napalingon ako sa desk ko nang may iabot na folder ang Executive Assistant ng boss ko. May nakadikit na post-it note: Top Priority. From the Chairman. Binuklat ko. CSR Proposal Review: Site Visit and Field Validation with Mr. Francisco Del-Fuero. Nanlamig ang batok ko. Excuse me? Ako? Kasama siya? Magkasama kami? Sa field? Bakit ako? "I don't know Ms. Ramirez si Sir lang ang makakasagot niyan sayo. Pagkasabi niyon sa kanya ng assistant ng boss niya tinalikuran na siya Martes. 7:00 a.m. at Alzaro Tower Lobby Nasa harap ko na siya. Francisco Del-Fuero III, naka-button-down lang pero mukhang CEO pa rin. Hindi ko alam kung anong skin care ang gamit niya, pero ang awra niyang ito ay pang-cover ng magazine. Pero hindi iyon ang mahalaga. Ang importante wala siyang greeting. Walang “good morning,” walang “ready ka na?” “May kotse ka?” tanong nito diretso sa kanya, para bang ayaw nitong sayangin ang kahit isang segundo sa maliliit na bagay. “Wala po sir,” sagot ko. “Commuter po ako.” Saglit siyang tumitig sa mukha ko, parang inaalam talaga nito kong nagsasabi nga ako ng totoo. “Sumama ka sa akin.” sabi niya kalaunan Hindi ako sumagot. Hindi rin ako nagreklamo. Pumasok lang ako sa sasakyan niya na parang papasok sa lions den. Sa loob ng sasakyan Tahimik. Walang music. Walang usapan. Abala siya sa tablet niya. Ako naman? Abala sa pag-pipigil sa sarili ko na magsalita. Pero eventually, hindi ko na kinaya. “Sir, pasensya na, pero bakit ako? HR lang ako. Hindi ba’t usually itong mga site validation, ginagawa ng CSR or PR team?” Hindi siya agad sumagot. Pero nang tumingin siya sa akin, may bahid ng amuse­ment sa mga mata niya. “Because I need someone who can tell me when something smells like bullshit,” sabi niya. “And I heard you’re excellent at that.” Hindi ko alam kung compliment o insulto ang sinabi nito, pero nagpasalamat na lang ako. “I try.” Nueva Ecija. 10:00 a.m. Maalikabok, mainit, at walang anino ng sinasabing “fully developed relocation site.” Ilang drum ng tubig. Isang latang gate. Walang kuryente. Naglakad kami ng boss ko sa gilid ng site. Tiningnan ko ang paligid. Walang drainage. Walang plano. Halos wala rin ang developer. “Ma’am, sabi kasi ni Sir… approve na raw ‘yan,” sabi ng isang engineer. Napalingon ako kay Francisco. Tahimik siya, pero para siyang bulkan na naghahandang sumabog. “Who’s the point person here?” tanong ko sa kausap ko. “Ma'am wala po siya ngayon. Nasa Manila, may board meeting daw po.” “Of course,” tugon niya, malamig ang boses. Paglingon niya sa akin, tinapik ko ang clipboard ko. “You were right. This is garbage.” mahina pero malinaw ang pagkakasabi ko sa kanya. "Yeah, your right, Hindi ko inaasahan na aaminin niya yon. Bahagya akong ngumiti. Pero agad ko rin pinigil. Hindi ako narito para tumawa. Tanghalian sa karinderya sa tabi ng kalsada Inihaw na bangus. Pritong lumpia. Rice na tuyot. Coke sa plastik. Hindi ako sanay sa lunch date kasama ang isang CEO ng isang multi-billion peso conglomerate. Pero eto kami. Tahimik, sabay kumakain. “Sir, first time mo ba sa ganitong lugar?” tanong ko. “Hindi,” sagot niya. “Pero matagal na rin yung huli.” Tahimik ako. Pero hindi ko mapigilang pansinin ang bahagyang lungkot sa tono niya. Sa paraan ng pagtitig niya sa kawalan. Para bang may nakaraan siya rito o may iniwan. “Alam mo sir, simula ko, hindi ako nagtataka kung bakit takot sa’yo ang mga tao. “Bakit?” tanong niya sa akin, habang ang isang kilay niya ay nakataas. “Kasi hindi ka marunong ngumiti.” Tiningnan niya ako sa mukha, makalipas ang ilang sandali tumawa siya. Hindi malakas. Pero malinaw. Isang tawa na hindi scripted. “Hindi ko inaasahan yon sir,” sabi niya. “Ang alin?” na tatawa ako ngayong araw. Hindi ako sumagot. Pero hindi ko rin maitago ang ngiti ko. Pabalik namin ng Maynila tahimik ulit sa sasakyan, pero hindi na mabigat. Parang may nawala o nabasag sa pagitan namin. Hindi ito biglang naging magaan. Pero hindi na rin kasing tigas ng yelo. Habang nasa byahe kami nag-ring ang phone niya. Hindi ko sinasadya makinig, pero narinig ko ang mga katagang. “Tell them I’ll handle it myself. “I don’t care. If he wants war, he’ll get one. Pagkababa niya ng tawag, tahimik siyang tumingin sa akin. “Ms Ramirez, tawag niya sa akin. “Yes, sir. “You’re not just HR anymore. As of today, you're under my direct supervision for this CSR audit. Effective immediately. Hindi ko sinasadyang napatitig sa kanya. “Wala bang consent-consent sir? ang bilis ahh, pabirong kong tanong sa kanya. “No need,” sagot niya. “Welcome to my world. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD