Larissa’s POV Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi naman ito ang unang beses na may dinala akong bisita sa bahay. Pero ngayon, ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Siguro dahil hindi lang basta kaibigan si Francis. Boyfriend ko siya. At kahit hindi kami nagsimula sa tipikal na paraan walang ligaw, walang pa-cute, walang kilig moments sa simula ang lahat ng ito ay mas totoo ngayon kaysa sa kahit anong bagay sa buhay ko. “Relax,” bulong niya habang nakatigil kami sa harap ng aming simpleng tahanan dito sa Batangas. Nakasandal siya sa gilid ng kotse, naka-black polo at jeans, pero parang laging may suot na invisible armor ng confidence. “I’m not scared of your father,” dagdag niya, kasabay ng bahagyang ngiti. “Well… maybe just a

