Larrisa's POV
Ang daming bagay na ayaw ko sa boss ko
Una, hindi siya marunong ngumiti nang hindi parang gusto niyang mag-utos.
Pangalawa, hindi siya sanay na may humaharang o kumokontra sa gusto niya.
Pangatlo, siya ang pinaka-pasabog na distraction na dumating sa buhay ko at sa totoo lang, hindi ko alam kung galit ako roon o natatakot ako.
“Jane, nagrereply ba siya sa emails mo?” tanong ni Tin, isa sa mga ka-team ko sa HR habang sabay kaming naglalakad papunta sa pantry.
“Hindi, sagot ko habang binubuksan ang tubig sa coffee dispenser. “Siguro kasi masyado siyang busy magpalit ng kotse every three months.”
“Grabe ka,” natatawang sagot niya. “Pero totoo. Ang ganda nung bagong sasakyan niya kahapon. Parang iiyak ‘yung Porsche ko sa wallpaper.”
Umiling na lang ako. Hindi ko sinabing I know. Kasi ako ‘yung nasa likod ng passenger seat kahapon. Ako ‘yung dinala niya pauwi dahil gabi na at wala akong masasakyan, kahit sinabi ko nang okay lang ako sa Grab. Pero ang boss ko doesn’t take no for an answer.
Minsan iniisip ko ginagawa ba niya ito sa lahat?
Lahat ba ng empleyado niya, sinusundo, tinatandaan ang schedule, binibigyan ng access sa mga confidential reports?
O baka... ako lang?
At doon nagsisimula ang problema.
Later that day CSR Department, Internal Briefing
Pinapanood ko ang mga slide habang si Ms. Lena, ang director ng CSR, ay nagsasalita. Habang naka-project ang figures sa LED screen, ramdam ko ang mga mata sa paligid. Hindi ko alam kung dahil ako ang HR officer na piniling pansamantalang mag-supervise ng audit, o dahil... alam ng karamihan kung sino ang nag-appoint sa akin.
Francisco Del-Fuero. The man who doesn’t listen to anyone but listened to me.
“I think we should align these initiatives with our 5-year community engagement plan,” sabi ko habang tumayo at pinakita ang adjusted timeline sa screen.
Tahimik. Tinitigan nila ako. Akala mo foreign language ang sinabi ko.
Si Ms. Lena ang unang sumagot. “That’s… bold, Ms. Ramirez.”
Hindi ko alam kung insulto ‘yon o compliment.
Pero bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto.
At doon siya pumasok. Ang boss ko.
Naka-dark navy suit siya. Walang kaabog-abog ang lakad, parang hindi lang boardroom kundi buong building ang pagmamay-ari niya. Well, oo nga pala pagmamay-ari nga niya. Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit biglang tumigil ang mundo.
Yun ang epekto niya. Sa lahat.
Pero sa akin… mas malala.
Ngumiti siya nang bahagya. Diretso sa akin ang tingin.
“Continue,” sabi niya.
At parang may malamig na tubig na bumuhos sa ulo ko. This is not the time to melt, Larrisa. Focus.
Nagpatuloy ako sa presentasyon. Tuwing mapapatingin ako sa kanya, ramdam kong hindi lang numbers ang sinusuri niya ako. Para bang bawat salita ko, kinikilatis niya kung totoo, kung may motibo, kung ako pa rin ba ‘yung babaeng unang nagsabi sa kanya ng “No.”
Pagkatapos ng meeting
Naglalakad ako papuntang elevator nang may humabol.
“Ms. Ramirez.”
Kahit hindi ko siya lingunin, kilala ko na ang boses. Paos. Mababa. May authority.
Huminto ako, humarap. “Yes, Mr. Del-Fuero?”
May hawak siyang dokumento. Pero hindi ‘yon ang pakay niya. Alam ko.
“You handled that well.”
“Thanks. Pero hindi pa ‘to tapos. Marami pang pwedeng sumablay.”
“Pero kaya mong ayusin.”
Saglit akong natahimik.
“Hindi mo kailangang palakasin ang loob ko,” sabi ko. “Hindi ko kailangan ng validation mula sayo.”
Bahagyang ngumiti siya. Hindi ‘yung pang-PR smile. ‘Yung konting ngiti na parang sinasabi I like that you said that.
“I know,” sagot niya. “That’s why I chose you.”
Kinagabihan sa Apartment ko habang
nagpapakulo ako ng noodles habang pinipilit kong huwag isipin ang bawat titig, bawat sulyap, bawat sinabi niya.
Hindi ko alam kung anong mas nakakainis ‘yung tono niyang parang wala lang, o ‘yung epekto ng salitang ‘yon sa dibdib ko.
Damn it, Larrisa. You’re smarter than this.
Hindi mo pwedeng hayaang mahulog ang sarili mo sa isang lalaking hindi naniniwala sa love. At
walang panahon para sa relasyon
At sa sobrang yaman at kapangyarihan, walang kailangang habulin… maliban siguro sa’yo?
Bigla akong napaupo sa sahig ng kusina.
Hindi ako iyakin. Pero this... this was frustrating.
What if I’m not just a “project” to him anymore?
And worse what if he's starting to become more than a project to me?
Ilang araw ang lumipas Email Notification
From: FRANCISCO DEL-FUERO III Subject: Dinner.
Dinner?
Just that one word?
I opened it.
There’s a fundraiser this Friday night. You’re invited. Bring a dress that will shut down the room.”
Napalunok ako.
Ang sabi ng utak ko Decline. Wag kang padala. Set boundaries.
Pero ang tinipa ng daliri ko.
“Copy noted, Mr. Del-Fuero. I’ll make sure my dress doesn’t disappoint.”
At nung na-send ko na, napaatras ako. Napa-upo. Napa-buntong hininga.
Larrisa Jane Ramirez, what the hell are you getting yourself into?
Itutuloy...