She walked in like sin dressed in silk. Wala akong kaalam-alam sa mga charity fundraiser na ganyan. Ang alam ko lang, kung may libreng pagkain at malamig na aircon, sign nayon ng alta o kayabangan. Pero sa mga social events ng boss kong si Francisco Del-Fuero, ibang level ang ibig sabihin ng “alta.” Ito ang lugar kung saan ang yaman ay hindi lang pera, kundi presensya. At ngayong gabi, isa akong anomalya sa mundong ‘yon. Pero kung babasahin mong mabuti ang paanyaya niya... “Bring a dress that will shut down the room. Hindi ako naglaro ng safe. Hindi ako naglaro ng demure. Hindi rin ako nagsuot ng pang-HR. Nakasuot ako ng blood red silk gown, backless, with a thigh-high slit sa kanang binti. Halos dumulas sa katawan ang tela ni wala kang makikitang zipper o lining, parang balat ang

