Kinabukasan, hindi pa ako nakakapasok sa opisina, ang chat group ng department ay buhay na buhay. "Sis nakita mo na ba 'yung picture? SIYA YUN TALAGA OMG." "Gown pa lang parang lakas maka-Red Carpet. Sino siya, artista?" "Siya 'yung assistant sa PR! Yung bago lang!" Napangiti ako habang hinihigop ang kape sa gilid ng street bago sumakay ng jeep. Malamig pa ang umaga, pero mainit na mainit ang pangalan ko sa opisina. At hindi ko kailangan ng PR team para kumalat ang epekto ng kagabi. Pagpasok ko ng building, ilang receptionist ang pasimpleng sumilip. Yung elevator boy ngumiti ng parang alam na niya ang tsismis. Pero wala akong pake. Lalo na nang pagpasok ko sa floor namin... "Ms. Ramirez, Mr. Del-Fuero wants to see you in his office," agad na sabi ng secretary niya. Hindi pa ako nakaka

