Hi, lovely readers! đ
Welcome to a world where power means precision, control is a weapon, and one unexpected woman dares to shake it all.
This story isn't about a prince saving a damsel. Itâs about a man whoâs built an empire with ruthless logic until someone walked in, unapologetically real, and reminded him that control is an illusion.
Meet Francisco Del-Fuero III cold, untouchable.
And meet Larrisa Jane Ramirez: strong-willed, intelligent, and not here to play by anyoneâs rules.
Their worlds should never collide. But fate, as always, loves chaos.
Prepare for power plays, sharp banters, and slow-burn tension that will test pride, passion, and everything in between.
Thank you for reading
And remember, in this story, the one who loses control⊠might just be the one who finally learns to live.
With love
Anne Author
PROLOGUE
Control is everything... until someone shatters it.
Ang mga araw ni Francisco Del-Fuero III ay may ritmo. May ayos. May disiplina. Tulad ng orasan sa kanyang pulso, bawat galaw ay eksakto sa minuto, bawat desisyon kalkulado, walang palya
6:00 AM
Sa isang private estate sa Silang, Cavite malawak, tahimik, high-fenced at exclusive para sa iilang may apelyidong may bigat nasa gym na siya.
Nagbubuhat tumutunog lang ang classical playlist niya, tahimik ang mundo. Katawan, utak, at kontrol, lahat sabay-sabay niyang binabalanse.
7:00 AM
Sa veranda ng kanyang minimalist glass mansion, may dalang kape ang butler habang binabasa niya ang tatlong ulat.
Real estate performance summary, finance growth report, at isang feasibility update mula sa hotel and leisure group nila sa Palawan. Walang commercial break. Walang usapang walang halaga.
9:00 AM
Boardroom ng Alzaro Tower sa Makati. Ang kanyang kingdom. Ang tanawin: skyline ng siyudad, mga underlings na nakaayos, at katahimikang dumidilig sa ego niya.
Until something⊠cracked.
âSir, sabing maingat ni Arra, ang kanyang executive assistant. âMay walk-in applicant po. Ayaw pong umalis.
Nakikipagbangayan raw sa guard. Ayaw din pong mag-fill out ng form. Gusto raw po kayong makausap mismo.
He didnât even flinch. Luma na 'to. Palaging may umaasa sa shortcut supplier na gustong makalusot, ex-socialite na naghahanap ng rich husband, o influencer na gustong "mag collab. Pare-pareho lang.
âPalayasin,â malamig at awtomatikong utos niya.
Pero bago pa makagalaw si Arra, isang boses ang dumurog sa katahimikan ng opisina niya.
âPalayasin? Wala po akong ginagawang masama. Hindi po ako nanlilimos dito. Nag-aapply po ako ng maayos.â
Mabagal niyang iniangat ang tingin mula sa laptop. Babae. Simpleng puting blusa. Maong. Hindi plantsado ang damit. May hawak na folder siguradong resume.
Walang make-up. Walang luxury bag. Pero matatag ang tindig. Matapang ang pananalita.
At higit sa lahat hindi siya takot.
âMiss?â
âLarrisa Jane Ramirez,â anito, diretsong tingin. Parang hindi CEO ang kaharap niya kundi isa lang HR officer.
May HR staff na nakasilip sa gilid ng pinto, gulat. Tahimik. Parang nanonood ng pelikula.
Pero si Francisco, hindi natitinag. Pinagmasdan lang niya ito na parang puzzle.
âMiss Ramirez,â malamig ang boses niya, âHindi ito lugar para sa gulo. Kung hindi ka susunod sa proseso, you may leave.â
âHindi ako nandito para manggulo, Mr. Del-Fuero,â sagot nito. âPero hindi rin ako dapat tratuhin ng security nâyo na parang salot lang ako dahil lang hindi branded ang suot ko.â
Napasinghap si Francisco. The gall. The nerve.
âAng recruitment process ay malinaw. May form, may schedule. Kung hindi mo gusto ang patakaranâ
âEh âdi sana nilagyan niyo na lang sa entrance: âFor corporate aesthetics only. Para âdi na ako nag-aksaya ng oras.â
There it is. That attitude.
Lumayo siya sandali sa laptop, bahagyang lumapat ang likod sa leather chair. Tinitigan niya ang babae na para bang glitch ito sa matagal na niyang perfected na sistema.
Lahat ng taong pumasok sa boardroom na ito, lumuluhod. Lahat sumusunod.
Ito lang ang hindi.
âDo you always talk to people this way?â tanong niya, malamig pero curious.
âDepende. Kung may respeto sa akin, may respeto rin sila sa makukuha.
Tumayo si Francisco. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kamay na nagtulak sa kanya para humarap sa babaeng ito.
Ilang segundo, walang nagsalita. Hanggang sa siya na ang pumunit ng katahimikan.
âThen perhaps you should go back to the beginning. Fill out the form. Follow the rules. Letâs see if your rĂ©sumĂ© is worth reading.â
Bahagyang tumango si Larrisa. Pero bago siya tuluyang umalis, lumingon ito at nagsabing:
âAlam niyo, Mr. Del-Fuero, may mga bagay na mas mahalaga kaysa pera at kapangyarihan. Respeto. Halimbawa.
At tuluyan siyang lumabas.
Hindi yumuko.
Hindi nagmakaawa.
Hindi gaya ng iba.
Kinabukasan.
Tahimik ang buong HR floor. Pero lahat, may sinisilip. And yes bumalik siya.
Mas maayos ang itsura. Nakatali ang buhok. Dala ang filled-out form. Tahimik siyang naupo. Hindi na nanggulo. Hindi na nagsalita.
Pero nang bumagsak ang folder sa mesa ni Francisco, may kung anong hindi niya maipaliwanag. Hindi kaba. Hindi takot.
Pagkagambala.
Binuksan niya ang resume.
Bachelor of Arts in Development Studies Magna c*m Laude
University of the Philippines Manila
Five years of NGO experience
Focus Grassroots education, poverty-alleviation consulting, and social innovation
Position applied for Corporate Social Responsibility Head Del-Fuero Groupâ
Napatawa siya konti lang. Hindi dahil nakakatawa, kundi dahil ironic.
A woman who looked like she had no interest in power wanted to lead a department that defined the companyâs public conscience.
âShe doesnât belong here,â bulong ng isip niya.
Pero may isa pang tinig na mas mahinaâŠ
âExactly why sheâs dangerous.
Gabing iyon.
Penthouse sa Makati. Wine cellar. Tahimik. Isang baso ng Bordeaux 1999 ang hawak niya hindi pa ubos kahit 45 minutes na.
Replay.
Ang boses ni Larrisa.
Ang titig.
Ang hindi pagkakuba.
At ang isang katotohanang hindi niya na maitanggi:
She cracked the routine.
She shattered the pattern.
She disrespected the system and he couldnât stop thinking about her.
Kaya bago siya tuluyang inantok, isang pangako ang tumatak sa isipan niya.
"Kung babalik pa siya rito... Iâll make sure she regrets challenging me."
Or worse...
Iâll regret letting her in.
END OF PROLOGUE