Francis Pov. Mabilis lumipas ang mga araw at linggo. Sa dami ng naka-pending na meeting, papers, at investors local and international wala akong oras halos para huminga. Mula board meetings sa Maynila hanggang sa negotiation tables sa Singapore, para akong makina. Pero kahit gaano ka-busy, isang babae lang ang bumabalik lagi sa isip ko sa mga katahimikan ng gabi: si Larissa Jane. Nagbalik na siya sa trabaho bilang Corporate Social Responsibility Head ng kompanya sang posisyon na hindi basta-basta. At kahit madalas ay hindi kami sabay ng schedule, I made sure she was safe and comfortable. Naiiwan ko man siya sa penthouse, sinisigurado kong kahit papano, hindi niya nararamdaman ang paglayo ko. Gabi ng pangalawang araw ko sa Singapore. Pagkasarado ng pinto ng suite, agad kong tinawagan an

