Larrisa's POV Kinabukasan, nagising ako sa banayad na tunog ng mga alon na humahaplos sa baybayin. Kumakaway ang sinag ng araw mula sa siwang ng kurtina mapusyaw na kahel, malamlam na bughaw, tila isang pintang gumuguhit sa langit. Umaga na pala. Nakahiga pa rin ako sa malambot na kama ng beach house. Nakatakip ang katawan ko sa makapal na comforter. Malamig ang hangin mula sa bukas na bintana. Pero mas malamig ang pakiramdam ko sa kaliwang bahagi ng kama dahil wala si Francis doon. Tahimik ang buong paligid. Pero ang puso ko? Maingay. Magulo. May bagyong hindi ko maintindihan. Tumingin ako sa kisame, pinipilit balikan ang bawat sandaling ibinahagi namin kagabi. Mainit. Malapit. Masaya. Totoo. Pero… masyadong mabilis. Parang bangkang lumulutang sa dagat na walang malinaw na direks

