Larissa’s POV Isang buwan. Isang buong buwan ng walang ibang ginawa kundi ang tuklasin ang isla at ang isa’t isa. Sa bawat sandaling ginugol nila sa ilalim ng araw, sa gitna ng dagat, sa tuktok ng bundok, palaging nauuwi ang lahat sa init ng pagnanasa, Tulad nalang ng gabing iyon habang nasa sala kami ng beach house. Malawak. Maliwanag. Malapit sa glass wall kung saan tanaw ang bughaw na dagat at sumasayaw na sala kami habang kami ay nanonood ng documentary tungkol sa wildlife ng isla Habang magkatabi nakaupo sa mahabang couch at nakayakap ang isa niyang braso sa bewang ko naramdaman ko ang labi niya na dumampi sa leeg ko habang ang kamay niya ay dahan-dahang gumagapang mula baywang ko paakyat. “Francis, stop…“Baka may makakita sa atin tauhan mo sa labas…” bulong ko Ngumiti siya, ma

