Francis POV Naglalakad siya ngayon sa tabi ng infinity pool, suot ang puting summer robe na hindi niya sinarang maigi. Nakalugay ang buhok. Barefoot. Tawang-tawa sa isang joke na hindi naman ako sigurado kung ako ba ang punchline. At tangina, ang hirap huminga. "Anong tinititig-titig mo d'yan, Mr. Del Fuero?" Asik niya habang sumisimsim ng mango shake at nilalapit ang mukha sa akin. "Baka matunaw ako niyan." Hindi ko siya sinagot. Gusto ko lang siyang panoorin. "Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng marunong ngumiti, ha? Lalo na 'yung ako?" dagdag pa niya. "Ngayon lang ako nakakita ng babaeng parang sinadya ng isla para patayin ang focus ko," sagot ko, tuloy ang tingin sa kanya habang naglalakad siya palapit. Napatingin siya sa langit at tumawa. "Naks naman." Pero bago pa niya ma

