Larrisa’s POV Pagkalabas ko ng opisina ni Francis, pakiramdam ko kailangan ko ng oxygen tank. Diyos ko. ‘Yung meeting na ‘yon? Hindi lang project figures ang nireview namin. Halos pati values ko tinest din. Tahimik akong bumalik sa workstation ko, dala pa rin ang folder at ang alaala ng bawat haplos, bawat halik, at ‘yung hidden talents ng boss kong hindi talaga marunong makuntento. Pag-upo ko, agad kong binuksan ang laptop at nagkunwaring busy. Hindi pa man ako nakakapag-type ng tatlong sentence, narinig ko na agad ang tunog ng chat notification sa office messaging app. “You okay?” Napaka-inosente ng tanong, as if hindi siya ang dahilan kung bakit ako parang nilagnat sa init ng katawan ko. “Define okay. Physically dehydrated? Emotionally confused? Mentally questioning my career pa

