Larrisa’s POV Puno na naman ng meetings ang araw ko project updates sa marketing, performance reports, at isang surprise meeting mula mismo sa CEO. Nakaayos ako tulad ng dati, corporate chic. Pero ang hindi nakikita sa labas ay ang kaba sa dibdib ko tuwing naririnig ko ang boses niya mula sa kabilang conference room. Wala na kaming pinag-usapang personal mula noong gabing iyon sa sasakyan niya. Pero tuwing tititig siya sa akin sa gitna ng meeting, parang may ibang sinasabi ang mga mata niya parang dinidikit niya ulit ang kahapong pilit naming itinatago. Habang busy ako sa ginagawa kong reports napansin kong umiilaw-ilaw ang phone kong nakapatong sa desk ko Nang tingnan ko iyon isang mensahe ang natanggap ko mula sa boss ko "Come to my office, I need you to review the figures from the

