Francis’ POV Days, weeks, and months passed quickly. Masaya ang naging pagsasama namin bilang mag-asawa. Hindi naman nawala ang tampuhan, selosan, at kung minsan, pasimpleng irapan. Pero kahit pa may mga araw na gusto ko siyang asarin nang sobra o siya ang biglang tahimik sa gitna ng dinner never naming hinayaang pumatong ang problema sa kama sa gabi. Hindi kami natutulog na may galit. Kahit pa may pride kaming dalawa, palaging may isang bibigay. Minsan ako, minsan siya. Pero sa huli, kami pa rin. Palaging kami. Si Larissa… iba talaga siya. Hindi lang siya basta asawa. Siya ang kakampi ko, kaaway ko sa board games, kabangayan ko tuwing hindi kami magkaintindihan, at kaakbay ko sa bawat laban sa buhay. She made the house feel like home, and our arguments feel like lessons, not end

