Samantha's POV Mabilis lumipas ang mga araw at mabilis din ang pag-galing ko. Halos hindi ko akalain na kakayanin ng katawan ko ng puso ko ang bawing bigat na dala ng mga nakaraang gabi. Pero hindi lang ito galing ng sugat; ito ay galing ng pag-alam na may isang tao na hindi lang nagligtas, kundi nanatili sa tabi ko. Si Ryder. Sa mansyon, paulit-ulit ang routine namin gamot, pahinga, maliit na paglalakad sa garden para hindi mag-stiff ang katawan, at madalas pagsusuri sa baby sa pamamagitan ng mga follow-up check-up. Si Ryder, hindi nagbabago. Buhay niya ngayon ang pagiging mala-kawal, Pinipilit niyang gawing normal ang mga simpleng gawain, bilang panlunas sa gulo ng mundo namin. Ang takot, hindi naman nawawala nang tuluyan. Minsan, nangangapa pa rin ako sa dilim, naaalala ang tunog

