Larrisa's POV Hindi ko na siya kinausap. Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko rin binigyan ng kahit anong hint na gusto kong marinig ang tinig niya muli dahil sa totoo lang, ayoko. Ayoko sa kanya. O, at least 'yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko mula pa kagabi. Pero kahit anong iwas ko, kahit ilang beses kong sabihing wala siyang epekto sa akin, ang puso ko parang sutil na batang ayaw makinig. Gala event kagabi. Galit, sumbat, selos lahat ‘yun, sabay-sabay kong kinain. Tama lang siguro na ngayon, sa kabila ng mga paparazzing nakasunod sa building lobby, sa mga kasamahan kong sunod-sunod ang pasimpleng tanong kung “okay lang ba kami,” ay pipiliin kong huwag siyang pansinin. So what kung siya ang CEO? So what kung siya ang lalaki'ng may kapangyarihan? Ako si Larrisa Jane Rami

