Nahiga ako at mariing pumikit nang matanggal ang benda sa aking sugat. "Who did it to you?" tanong ni Morgan sa galit na boses. Ang kaniyang panga ay gumalaw habang ang mga mata ay nagdidilim na nakatingin sa sugat ko. Hindi ako sumagot. Nakatingin ako sa taas. I was thinking. No. I can't think straight. Ang isa sa mga tauhan na lumabas kanina ng silid ay bumalik. May bitbit siyang isang bag. Binigay niya ito sa isang kasamahan niya. Kay Colt. Nagkatinginan sila ni Sphinx. "You want to do it?" tanong ni Sphinx kay Morgan. Nakaharang kasi ito. Kulang na lang ay tumabi din siya sa akin. Humakbang pakaliwa si Morgan upang bigyang daan si Colt. Nilapag ni Colt ang bag. Nilabas ang laman nito. Syringe at maliliit na botelya na tingin ko ay anaesthesia ang laman. Hindi ako gumalaw nang

