Lumabas ng silid si Morgan. Hindi ko alam kung ano ang plano niya dahil hindi naman na siya ulit nagsalita. Natatakot ako. Nalilito na din ako. Ang tatlong tauhan ay naiwan dito sa loob ng silid. Tahimik na nakatayo sa gilid ng bintana at pintuan. Na akala mo doom ako dadaan kapag tumakas ako. Bakit naman ako aalis? At saan naman ako pupunta? Kailangan ko si Morgan para makuha ko ng ligtas ang aking anak. “Iyong cellphone ko, nasaan na iyon?” “Baka tumawag na iyong may hawak sa anak ko…” Baka mamaya gawan niya ng masama si Ace kapag hindi ko ito masagot. I panicked. Pabalik-panik akong naglakad habang nag-iisip. Hindi sumasagot ang mga tauhan. "Nasaan ba si Morgan?" "Pakitawag naman si Morgan, please." Lumabas ang isa sa mga tauhan at pagkaraan lang ng ilang minuto pumasok si M

