02

2203 Words
Kinabukasan, nagising ako sa ingay nila mama. Hindi 'yon kalakasan pero bawat bagsak ng mga salita nila ay naro'n ang bakas ng diin na para bang sa paraang 'yon ay maipababatid nila sa isa't isa ang kinikimkim na galit. Nasa paahan ko lang si mama kaya naman rinig na rinig ko kung anong sinasabi n'ya. Mahihina lang ang mga 'yon hindi tulad ni papa na halos isigaw 'yung saloobin n'ya. Nakakahiya para sa mga kapitbahay. Alas sais palang ng umaga at heto na naman sila. Walang katapusang away at ang pangunahing pinagtatalunan nila ay ang putanginang pera. "Sa'yo napupunta lahat ng sahod ko tapos ang hirap mo hingian ng pera! Bunganga ka pa ng bunganga na parang puta!" "Tarantado ka pala e. Sa'kin ba napupunta 'yang kinikita mo? Dito naman sa bahay ah? Pansarili ko ba 'yang pera mo? Tignan mo nando'n na sa kusina 'yang sahod mo!" "'Tangina ka pala e! 'Yang mga kapatid mo ni hindi ka matulungan! Nung naoperahan 'yang anak mo hindi sila tumulong!" Paniguradong nakainom 'to o kaya naman ay may hangover. Inaalala ko ang araw ngayon at nang mapagtanto na lunes ngayon, nakumpirma ko na uminom nga s'ya at kasalukuyang nasa impluwensya pa ng alak kaya gan'to ang mga salita n'ya. "E 'tangina ka rin pala e! Hindi na obligasyon 'yan ng mga kapatid ko. Paulit ulit 'yang bunganga mo wala namang sense 'yung mga sinasabi mo." Tuwing mag aaway sila, palaging nauungkat 'yan. Paulit ulit nalang, maging ako ay nagsasawa nang marinig 'yan dahil halos araw araw silang nag aaway! Meaning, halos araw araw ko rin naririnig nang paulit ulit 'yang lintanya nilang parehong puro walang ka-kwenta kwenta. Tuloy, hindi ko na naman napigilang sumagot! "Bakit kasi iaasa mo sa iba? Bubuo ka ng pamilya tapos sa iba mo ipapa-obliga." mahinahon ngunit nababahiran ng inis na wika ko. "Ayan! 'Yan ang natututunan mo sa school! Pinag-aaral ka pero ansama ng tabas ng bibig mo!" 'Yun oh. Pati pinag-aralan ko, napapakealaman. "Isinumbat na naman." naaasar na saad ko pero mahina lang na sigurado namang narinig ni mama. Nakita ko nalang na sini-senyasan ako ni mama ni manahimik nalang na s'ya namang ginawa ko. Umagang umaga, ayaw ko rin namang masira na ang buong araw ko kaya pinilit ko nalang ang sarili kong matulog ulit. Hindi inaalintana ang kung ano mang ingay ang nililikha nila. Ngunit kahit anong pilit, hindi ako muling makabalik sa pagtulog. Kaya naman nagkunwari nalang ako at pinapakinggan sila. "Hindi ka na nahiya! Lunes ngayon at nagpangako ka d'yan sa kabila pero anong ginawa mo?! Madaling araw ka na naman umuwi!" ramdam ko ang inis ni mama. Kahit ako naman ay napipikon na sa ganitong ginagawa n'ya. Palaging ganito tuwing araw ng lunes dahil kapag linggo ng gabi ay inaabot s'ya ng madaling araw sa kung saan man s'ya nang-gagaling. "Para kang laging ginagayuma doon! Paano ka ngayon makabangon para puntahan 'yang sa kabila? Ginagawa mong tanga 'yung tao!" Hindi ko na muling pinansin 'yung mga sinasabi nila. Sinubsob ko nalang 'yung mukha ko sa unan as tears continuesly falling from my eyes. Hindi ko na mapigilan. I cried silently with their voices as my background. Nakakatawa lang. Bakit 'yung iba, comfort 'yung nahahanap nila sa loob ng bahay nila. Bakit 'yung kinaroroonan ko, parang disaster 'yung nahanap ko. Maraming bakit at sana ang lumipas hanggang hindi ko namamalayang nakatulog pala ako at hanggang sa panaginip ay hindi ako tinantanan ng mga tanong ko. Hapon na nang magising ako. Wala si mama at si papa ay naro'n sa kwarto nila, natutulog ata. Tahimik ang buong bahay. Naro'n si Ace sa kwarto n'ya at 'yung bunso ay siguradong sumama kay mama. Bumangon nalang ako at inayos ang sarili bago kumain. Nagpa ulit ulit lang ang ginawa ko buong maghapon hanggang sa gumabi. Kumain. Matulog. Mag breakdown. Nang dumilim na ang langit, bumangon na rin naman si papa at lumabas. Siguro ay maayos na s'ya, wala na ang hangover n'ya. 'Yun ang akala ko. "Dumaan rin ako sa pagkabata" Mag isa na naman ako at paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga lintanya ng tatay ko ngayon ngayon lang. Hindi ko alam kung sinadya n'yang sabihin 'yon buhat ng kalasingan o gano'n lang talaga ang mindset n'ya. Nakaupo ako no'n sa sala habang may pinipindot pindot sa telepono ko. Biglang tinawag 'yung kapatid ko at nung sumagot siya ng "sandali lang", nagsalita na naman kaagad ang tatay ko. Andami n'yang mga sinabi na wala namang koneksyon sa mga nangyayari ngayon. Buti nalang ando'n 'yung nanay ko at napigilan n'ya ang pagbubunganga nito. "Paulit ulit mong sinasabi 'yan sa anak mo, nagkaka isip na 'yang mga 'yan" rinig kong saad n'ya. Kung ako ang tatanungin, may punto naman si mama. Nagkakaedad na nga kaming tatlo. Natural lang sa'min ang maintindihan ang mga bagay bagay sa mundo. "Isipin nila ang gusto nilang isipin sa'kin. Magalit sila kung gusto nila dahil naranasan ko rin ang maging anak." Pasimple akong napahinto sa ginagawa ko. Kahit may kalayuan ang kinauupuan nila, maliwanag na maliwanag sa'kin ang mga narinig ko. Lumapit doon ang kapatid ko dahil nga tinatawag s'ya. Paglapit n'ya don, nagsalita na naman ang ama ko. "Kung magtatanim kayo ng sama ng loob, sabihin n'yo sa akin." Naranasan n'yang maging anak hindi ba? Naranasan n'ya ang kapaitan ng mundo sa kan'ya nang magkaroon ng magulang na hindi s'ya nagabayan. Kaya bakit ganito ang ginagawa n'ya sa halip na ayusin n'ya 'yung sarili n'ya para hindi s'ya matulad sa mga magulang n'ya? Naiinis ako. Pigil na pigil ko ang luha ko habang nakikinig sa kanila. Tuwing ganito s'ya, bumabalik lahat sa akin 'yung mga sama ng loob ko na naipon. "Ang pangit ng mindset, nakakaasar!" Mahinang usal ko sabay yakap sa munting teddy bear na nasa tabi ko. Pinang-gigilan ko 'yon hanggang sa ipit na ipit na s'ya. Nakikipagtitigan lang ako sa kisame. Gustong gusto kong lumabas ngayon at pagmasdan ang buwan habang nag iisip pero masyado akong takot dahil gabi na. "Solana, Kumain ka na!" Rinig kong tawag sa'kin ni mama. Ando'n pa 'yung tatay ko. Hindi sa ayo'kong sumabay sa kanila pero hindi lang talaga ako komportableng kaharap sila sa isang hapag. "Mamaya na, busog pa ako." Walang ganang sagot ko. Kung ako lang talaga ang tatanungin, minsan mas gusto ko nalang ang palaging nasa labas o kaya nama'y kasama ang mga kaibigan ko. Dahil doon ko lang nararamdaman ang pagiging tao ko. Weird man pakinggan pero kapag kasama ko silang tatlo, kahit anong katangahan pa ang gawin namin, genuine 'yung sayang nararamdaman ko. Hindi tulad rito sa bahay na palaging nakakapagod. Wala akong ginagawa madalas pero ang katawan ko ay pagod na pagod. Hindi ko rin mailabas ang mga nararamdaman ko. Palaging nakatago at ang unan ko lang ang nakakaalam. Ang mga gusto kong sabihin, naiipon nalang. 'Yung mga sama ng loob ko, nandon nakatambak at araw araw nadadagdagan. 'Yung pagnanais na makatapos na kaagad para pwede na akong tumayo sa sariling paa, hindi nawawala sa isipan ko. Oo nga't panganay ako at may responsibilidad pero hindi ba't deserve ko rin naman ang alagaan? Pero dahil sa pamilyang meron ako, matagal ko nang tinanggap na hinding hindi nila maririnig ang lahat ng hinaing ko dahil mananatili ang mga iyong nakatago sa'kin kaysa naman ang mamisunderstood nila ako. 10:13PM. Mukhang papasok na sila dahil tinawag na ulit ako ni mama. Bumangon na ako at lumabas. Tahimik na ang kusina, pati ang mga aso at pusa ay tapos nang kumain. Tapos heto ako, hindi na tamang oras ng pagkain pero ngayon palang kakain. Pinaghain ko na ang sarili ko. Parang wala pa nga ako sa wisyo dahil hindi ko alam halos ang ginagawa ko. Nang makaupo na sa harap ng mesa, tinawag ang pangalan ko sabay tanong, "Asan ka?" "Kusina!" "Anong ginagawa mo d'yan?" Halos mapairap ako sa tanong na 'yon. Natutulog siguro. "Kumakain!" "Kumakain ka? Bakit hindi ka pa rin pala lumalaki?" Sagot n'ya, sabay tawa. Wala akong gana kanina pero sinubukan kong kumain. Pero ngayon, tuluyang nawala iyon at gusto ko nalang iligpit ang nasa harap ko. Gano'n ba talaga ang tuwa habang pinagtatawanan at ginagawang biro ang insecurities ko? Ito ang ayaw ko kaya hindi ako nakikisabay sa kanila. Akala ko ay makakaiwas ako ro'n ngayon subalit hindi pala. Dahil kahit hindi nila ako kasabay, may kakayahan pa rin silang sirain ang mood ko sa pag kain. Habang kumakain ako, naririnig ko na naman ang pangalan kong tinatawag nila. Sumagot ako at sinabi kong kumakain ako. Akala ko isang beses lang 'yon. Subalit naulit na naman. Sumagot muli ako kapareho ng unang sagot ko. Narinig ko namang nagsalita si mama. "Kumakain nga kasi, maghintay ka." At ayun na naman nga ang nakakainis na sagot ng tatay ko. "Oh sige na, mali ko na naman. Para saglit lang, may itatanong lang e. Sige mali ko na naman!" Siya pa itong may ganang magalit. Anong gusto n'yang gawin ko? Ihinto ang kinakain at lalapit sa kan'ya? Inabot rin ako ng siguro ay sampung minuto. Mas lamang doon ang pakikipagtitigan ko sa plato kaya kaunti lang ang nakain ko. Nag iisip isip rin ako kung bakit kaya ganito ang buhay ko? Ang palagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko ay huwag silang magpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao. Pero bakit hindi ko maapply sa sarili ko 'yon? Parang ang hirap huwag pansinin ang mga naririnig na komento mula sa iba. Sa katunayan, ang mga masasabi nga nila ang lagi kong iniisip sa tuwing may gagawin akong aksyon o kahit anong desisyon. Hindi ko naman ginusto ang ganito, pero bakit hirap na hirap ako. Hindi ko na alam kung paano ko haharapin lahat, napanghihinaan ako palagi. 'Yung gusto kong magpatuloy pero gusto ko nalang din tumigil. Nakakapagod ang gano'n dahil parang hindi ako sigurado sa buhay ko. Matapos ang mga dapat gawin, muli na akong bumalik sa silid ko para magpahinga. Pero nakakilang paikot ikot na ako ilang oras ang makalipas, hindi ko pa rin mahanap ang maayos na pwesto para makatulog ako. Mabilis akong bumangon, "nakakainis!" mahinang usal ko pa habang sapo ang ulo. Palagi nalang ganito, walang gabing nakakatulog ako ng maaga dahil sa pag iisip ko. "Totoo ngang nakakatakot ang pagmamahal at pagkakaro'n ng kasama." mahinang usal ko habang iniisip ang kalagayan ng nanay ko. Ilang beses na n'yang nabanggit na kung hindi dahil sa'min, matagal na s'yang umalis at iniwan ang tatay ko. Jusko! Bakit ba nagkaroon pa ako ng utak kung puro overthink lang rin ang gagawin ko? Sinubukan kong magbasa basa ng kung anong makita ko sa mesang nasa tabi ko. Nakakailang pahina na ako no'n pero hindi pa rin talaga gustong dumalaw ng antok. Pagod ako maghapon, pati ba naman pagpapahinga ay mahirap hanapin! Naiinis akong napasinghal na naman. Inabot ko nalang ang telepono ko na naro'n sa gilid at binuksan 'yon. Hatinggabi na, paniguradong wala akong makakausap subalit kahit ano ay gagawin ko magkaroon lang ng pagkakaabalahan. Inayos ko ang pagkakaupo ko, sumandal pa ako ng maayos sa pader para hindi mangalay ang likod ko bago inabot ang isang unan at ipinatong sa mga hita ko. Habang nagtitingin tingin sa kung anong lumabas sa screen ko, biglang nag-flash doon ang isang balita. Ang headline palang ay talagang nakakapukaw atensyon na maging ang isang katulad ko ay nagnais basahin ang nilalaman no'n. Kitang kita roon sa larawan na trending ang naturang issue. Maging sa twitter ay pinag-uusapan 'yon at kumakalat talaga sa buong social media. Kaya naman napagpasyahan kong buksan ang source na nakasaad doon para magkaroon ng iba pang detalye ang nakalathalang issue. Kaagad kong pinindot ang link na kasama nung post at kaagad na lumipat ang site sa naturang link. Gano'n na lamang ang gulat ko ng bumungad sa akin ang isang video na kulay itim lang ang cover at malakas ang boses ng babae. Putangina, ang lakas ng ungol! Natataranta kong pinatay ang hawak kong cellphone. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil naka-full volume 'yon at sobrang lakas talaga nung audio! Pigil na pigil ko ang mapamura hanggang sa tuluyang huminto ang ungol at nagblack na ang screen ko. Hudyat no'n na naka off na. Dios ko po! Mapapatay ako ng nanay ko ng wala sa oras nito! Dis oras ng gabi at tahimik ang buong paligid tapos biglang bubulabog sa loob ng bahay ang isang malakas na ungol? Nalintikan na. Ilang minuto pa ang hinintay ko, hindi ko talaga binubuksan ang cellphone ko. Naghihintay ako at pinapakiramdaman ko ang paligid kung may magrereact ba dahil doon sa ingay nung video. Nang makalipas ang tatlong minuto at nanatiling tahimik, doon ko lang binuksan. Tinakpan ko pa ang lugar kung saan lumalabas ang audio para hindi 'yon gaanong malakas. At nung makabalik na ako sa mismong post, nakita kong isang lang pala 'yong f*******: post at marami ang haha react. Kaagad kong hininaan ang volume ko, halos hindi na nga marinig 'yon habang nagbabasa ako ng mga komento ng tao. Halos lahat ay iisa ang reaction. Napamura sila dahil ang iba ay sabing katabi raw ang buong pamilya, kaharap ang mga katrabaho, nasa isang lugar kung saan naroon ang buong barkada. Nakakahiya raw at nakakakaba dahil baka iba ang isipin sa kanila. Kalauna'y napapaliing na natawa nalang din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD