bc

ink of the star

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
stepfather
drama
cheating
like
intro-logo
Blurb

Bilang isang anak, mabigat na responsibilidad ang nakaatang sa balikat lalo na kung ginawa kang retiring investment ng magulang mo. Paano pa kaya ang bigat na dinadala kung isa ka na ngang investment, ikaw pa ang panganay at bread winner ng pamilya.Dala ang responsibilidad sa balikat, paano makapagpapatuloy sa buhay na hinahangad?

chap-preview
Free preview
01
"Group one, dito sa harap." tinuro n'ya ang espasyo na nandon sa harap ng blackboard, sa gilid ng trash can at bungad ng exit. "Group two, sa labas." saad n'ya bago itinuro ang bandang likod, "Group three, sa likod." Kaagad na tumayo ang mga kaklase ko at nagtungo sa sinabing lugar nila. Nagbunutan kami kanina, 1,2, at 3 ang number na laman ng tatlong papel na inikot sa'min ng nasabing guro. Kasabay ng mga kaklase ko, tumayo na rin ako at pupunta sa labas dahil doon ang lugar ng grupo ko. 2 ang nabunot ko at sa palagay ko ay makakasundo ko naman ang mga tao na naroon na sa labas. Palabas na ako nung biglang magsalita na naman ang guro. Binanggit n'ya ang isang tanong na kinaiinisan ko. "Arellano! Are you allowed?" Diretso ang tingin na tanong n'ya sa'kin. Umiling nalang ako bilang pagsagot. "Bibigyan nalang kita ng written na activity mo para may performance ka sa subject ko." Tumango nalang ako at muling bumalik sa upuan ko dahil 'yun ang sinabi n'ya nang iparating kong hindi pu-pwede sa'kin 'yon. Walang nakakainis sa tanong n'yang 'yon. Walang problema kung tutuusin. Ako lang talaga itong masyadong sensitive at nag-ooverthink sa tuwing itatanong sa'kin 'yon. Para bang ang tingin nila sa'kin ay kakaiba at hindi nahahanay sa kanila. "Jae! Aeriel! Feigh! Lumapit muna kayo sa'kin para maipaliwanag ko 'yung gagawin n'yo." P.E. namin ngayon at ang alam ko ay sasayaw sila. Parang contest ito sa buong grade ten, magkakalaban ang apat na section. Ang ginawa naman ni Ma'am ay hinati ang isang section sa tatlo para by group na aaralin yung mga step nang sa gano'n ay mas matuto sila dahil halos walo lang sila sa isang grupo. Nang maipaliwanag ang kanilang gagawin, sinend na rin sa kanila ang video na magiging guide nila dahil hindi naman nagtuturo 'yung teacher na napunta sa'min. Mas aktibo s'ya sa mga written at discussion pero pagdating sa performance ay kadalasang sa dulo pa s'ya sasali. Nagsimula na sila sa kanilang ginagawa. Kaliwa't kanan ang naririnig kong countings nila. Pinangungunahan ang mga 'yon ng tatlong piniling leader. Habang pumapalibot sa aking pandinig ang countings nila, hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano. Naro'n ang mga bakit at sana na paulit ulit ko namang pinipilit sagutin pero wala pa ring makuhang sagot. Bumabalik sa aking isipan 'yung mga panahong akala ko ay katulad lang ako ng mga taong narito sa loob ng paaralang 'to. Studyanteng pwede sa lahat ng events at activities ng school. Studyanteng hindi tinatanong kung pupwede ba ang bagay ba 'yon. Studyanteng hindi tambay sa clinic. Isa o dalawang taon, naranasan ko pa naman 'yon. Nakakasayaw, nakakasali pa sa mga events, at pwede sa subject na Physical Education. Subalit isang araw, nagising nalang ako na bumaliktad ang mundo ko. Maraming bawal. May limitasyon. Pili lang ang pwedeng gawin at madali nang mapagod. I bit my lips as i wait for the doctor. Hindi ko maikakaila na kinakabahan ako. Maging si mama ay nandon ang mata sa pintuan ng opisina ng doctor na wari'y inaabangan ang kung sino mang nasa loob non. Ilang saglit lang, lumabas na ang diagnosis sa result ng mga lab test na ginawa sa'kin. Hindi naman 'yon malala. Hindi rin nabawasan ang life span ko. Hindi kailangang manatili sa ospital ng matagal. Hindi kailangang maconfine. Pinakita sa amin 'yung x-ray ko. Hindi ko 'yon maintindihan. Kung ako ang tatanungin, siguradong "normal" lang ang sasabihin ko. Tutok ang mata ni mama doon sa pinapakita ng doctor. May itinuro s'ya sa bandang itaas at parang sinundan n'ya ang linya non. Gumuhit s'ya ng hindi tuwid na linya sa bandang taas hanggang sa pababa 'yon. Parang walang mali. At tama nga ako. Hanggang sa matapos ang usapan nila, iisa lang ang narinig kong malinaw. "Hindi gano'n kalala." Nabawasan ang kaba ko nung marinig 'yon. Wala na sa isip ko kung ano man 'yon basta hindi malala. Hindi naman gano'n kasama ang mga diagnosis sa'kin nung nakaraang taon. Pero naging sapat na dahilan 'yon para araw araw akong manghina at hindi maramdaman ang paligid. Maraming nagbago. Sa sarili ko, pisikal, mental, at emosyonal. Pansin na pansin 'yon. "Ang payat payat mo na, para kang bangkay." sabi ni Manang Tess isang beses na lumabas ako para magpunta sa tindahan. "Iwasan mo ang magpuyat, hindi naayon 'yang katawan mo sa edad mo." si Manang Fe na nagkataong nakatambay sa labas nung araw na lumabas ako. "Hindi bagay sa'yo. Ang nipis ng katawan mo." saad ni Tita Cecil nang minsang magpunta ako sa kanila suot ang bagong damit na binili ko. "Mas mukha ng panganay 'yung bunso n'yo!" tumatawang sambit ni Kuya Rey, tricycle driver na kakilala ni mama na madalas maghatid sa'min no'n sa paaralan. Gayunpaman, akala ko ay hindi alintana ang mga sinasabi nila para magpatuloy ako sa buhay. Kaso tangina, naging rason sila kung bakit ako natatakot sa tao at mas gusto ko nalang na magtago sa silid ko buong buhay ko. Dahil ako, nahihiya na para sa sarili ko. Gusto kong baguhin ang tingin nila sa'kin. Kaso hindi ko alam kung paano. Gustuhin ko man, ayaw naman ng katawan ko. Buong akala ko 'yun na 'yon. Pero hindi pala. Dahil maging mismo sa loob ng comfort zone ko, umaabot ang mga matatalas na salita nila na nagmumula pa sa pamilya ko. "Ang payat mo. Mas mataba pa ako sa'yo." si Ace, kapatid ko. "Oo nga ate! Mas mukha ka pang bunso, kesa sa'kin." segunda naman ni Jade, bunso namin. Hindi pala nila ako naiintindihan. "Bakit lagi kang iritable? Lagi kang pagod kahit wala kang ginagawa. Pag kasama naman 'yung mga kaibigan, ang ganda ng ngiti." saad ni mama, minsang sabay sabay kaming naghapunan. "Natutulungan siguro s'ya ng mga kaibigan n'ya at tayo hindi." Sa kagustuhan kong ipagtanggol ang sarili ko at 'yung mga taong nagsisilbing lakas ko, hindi ko inasahang malakas ko palang nabanggit ang nais na isagot ko. "Sino ba namang hindi mapapagod sa inyo?" Totoong wala akong ginagawa pero araw araw akong pagod kapag nandito ako sa loob ng bahay. Kahit sino naman ata ay mapapagod sa araw araw na sigawan, bangayan, sumbatan, at ang walang katapusang pag-aaway dahil sa pera. Sa loob ng isang taon, dalawang beses lang ako halos lumabas ng bahay para makipagkita sa mga kaibigan ko pero para sa kanila ay isandaang beses na akong gumala. Kapag nakakalabas ng bahay, doon ko lang nararamdaman ang pagiging malaya ko. Pero ang kalayaan sa labas ng bahay ay magiging dahilan din pala kung bakit mas gugustuhin ko nalang na makulong sa ingay sa loob ng bahay kaysa ang lumabas na ang kapalit naman ay ang walang tigil nilang panghuhusga sa katawan at ugali ko kahit wala silang alam sa kung anong nangyayari sa buhay ko. Naalimpungatan ako nang magsipasukan sa loob ang lahat. Lumabas na pala si Ma'am at dismissed na dahil last subject namin ang klase nya. Iba't ibang ingay ang nagmumula sa kanila. "Tol! Tara sa court mamaya, may dalang bola si Caspian!" malakas na sigaw ni Fred gayong nandun lang sa kabilang table na nasa loob pa rin ng room ang kausap n'ya. Kasunod no'n ay ang malakas na tawanan ng grupo nila Joice ang bumalot sa pandinig ko. "Hindi lang pala mata 'yung malalaki sa kanila, pati bunganga. Jusko akala mo sila lang ang tao!" mahinang bulong ko nalang sa sarili ko at sinigurong walang makakarinig no'n. "Tara sa bayan Tope! Milktea tayo, dalhin mo sipa mo ah?" rinig ko namang saad ni Mearl habang kinukulit pa rin ang nananahimik na si Tope. Tibay oh. Anlamig lamig, milktea ang hanap. "Miortte Hills tayo bukas. Sino sasama?" hindi kalakasang tanong ni Aaron sa grupo n'ya naman. Halos nandon ang kalahating portion ng mga lalake sa klase. Narinig ko naman silang nagsi-oo. Edi kayo na pinapayagan? Kahit saan ako dumako ay purong mga gala ang iniisip at pinagpaplanuhan nila. Byernes ngayon kaya malalakas ang loob nilang magliwaliw dahil walang klase kinabukasan. "Oh, anong plano natin?" tanong ko kay Maria. Katabi ko lang s'ya kaya mabilis na nakasagot. "Plano sa'n?" nagtatakang sagot n'ya. Nagkibit balikat lang ako. "Lahat sila may gala, ikaw anong balak mo?" "Boplaks!" umirap s'ya. "Kahit may plano tayo, hindi naman tayo papayagan." Pagkatapos ay malakas s'yang tumawa na nakakuha ng atensyon ng iba. Gago talaga 'to. Nakakahiya ha! Napatango nalang ako dahil may punto s'ya. Pasasaan pa't magplano kung hindi rin naman papayagan. Pero dahil matigas ang ulo ko at kasalukuyang pumipintig at nananakit, hindi ako papayag na walang pupuntahan ngayon. "Sunset. G?" seryosong pagkakasabi ko. Mabilis n'ya akong nilingon at tinignan ako na parang sinasabi n'yang, "bobo ka vEh?" "Umuulan tanga! Anong pupuntahan mo sa dagat? Water lily na nagkalat?" masungit na sagot n'ya. Oh edi 'wag. Sino ba kasi nagsabing magsa-sunset ngayon e maghapong hindi lumabas si haring araw? Sino nagsuggest ng katangahan at itatapon ko sa dagat kasama ang mga waterlily na bulok. "May regla ka ba? Ba't ang init ng ulo mo?" hindi ako nang aasar, totoo. "Kaninang umaga pa sila di nag uusap ni Tops, kaya siguro parehong mainit ang ulo." sabad ni Mearl na nandun na pala sa likuran ko. "Oh ba't daw?" "Hindi ko rin alam. Gagi kanina pa sila nagsasamaan nang tingin, 'di mo napapansin?" mahinang sagot n'ya. Katabi n'ya lang kasi si Tops tapos katabi ko naman si Maria. "Makikichismis na nga lang, kulang kulang pa sa detalye amp." naiiling na sagot ko kahit sa loob-looban ay humahagalpak na ako nang tawa. Sinong mag aakala na ang kaibigan kong 'Strong Independent' daw ay biglang magsusungit dahil lang hindi kinausap ng halos walong oras? Palihim akong nagtitipa ng message sa cellphone ko habang nakasandal sa upuan ko at bahagyang natatakpan ng bag ang kamay ko. Nakahilig naman sa'kin banda si Mearl at parang nag uusap kami kung titignan. Ilang saglit lang, natawa ako nang bahagya nang makita ko 'yung reply nung dalawa sa message ko. "Tignan n'yo 'tong tropa n'yo oh. Sama ng mukha no? Gan'yan daw talaga pag hindi kinausap maghapon. Inlove things, e?" Attached no'n ang isang picture kung saan nandon ang mukha ni Maria na salubong ang kilay, nakasimangot, at nakakatakot ang tingin. Pareho na natawa 'yung dalawa. Walang katapusang 'hahahaha' yung reply nila. Nakacapslock pa. Pasimple akong umalis sa pwesto ko nung makita kong naging tatlo ang mukha nung nakaseen sa message ko. Hinila ko pa ang damit ni Mearl at sinabing samahan ako sa CR kahit hindi naman talaga ako nasi-CR. Paglabas ko sa pinto, mabilis ko s'yang hinatak bago pa man kami mapansin. At pagkarating sa CR, pareho kaming humagalpak sa tawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.1K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

Daddy Granpa

read
307.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook