bc

MFTB

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
one-night stand
HE
second chance
billionairess
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Seducing My Gay FianceChapter 34Chapter 341309/3500Buong akala ni Lou ay wala nang mas hihigit pa sa morning sickness na nararanasan niya araw-araw pero hindi niya inaasahang mapipilitan pala siyang huwag na lamang lumabas ng kwarto para maiwasan ang sariling ama.Daig niya pa kasi ang sinasaksak ng hindi mabilang na kutsilyo dahil sa matalim na pananalita nito. Ginagawa naman nito ang lahat ng makakaya upang mapigilan ang sariling huwag sagutin ang kaliwa't kanang mga sermon nito pero sadyang napakahirap nitong gawin sa part niya.Minsan palihim na lamang tuloy siyang napapayukom ng kamao habang kausap ito."Pwede ba kitang makausap, anak?" boses iyon ng kaniyang mommy mula sa labas.Maingat siyang tumayo mula sa kinahihigaan saka huminga ng malalim. Mukhang alam na nito ang dahilan kung bakit pumunta ito sa kaniyang kwarto, hindi siya maaring magkamali ng hula sa bagay na iyon."Mom..."Sinubukan nitong burahin ang lahat ng emosyon sa kaniyang mukha nang pagbuksan niya ng pinto ang ina.Nanatili siyang tahimik hanggang sa marating nilang dalawa ang itim na sofa hindi kalayuan sa kaniyang kama. Pansin niya kung paano huminga ng malalim ang ina saka inilapag ang hawak na food tray na naglalaman ng ni-request niyang braso de mercedes at buko juice kanina.Kaya naman pala hindi dumating ang inaasahan niyang meryenda pagkatapos ng tanghalian dahil gagawin pala iyong special delivery ng kaniyang mommy.Mabuti na lang pala at matamis ang hinanap ng panlasa niya ngayong araw dahil halatang magiging mapait ang usapan nilang dalawa mayamaya."Nagsuka ka na naman ba kanina, anak?" anito nang mapansing tapos na siyang mag meryenda.Umiling siya. "No, Mom. Nagpapahinga lang po ako dito sa kwarto, medyo tinatamad po kasi akong gumalaw lately."Huminga ito ng malalim nang mapansin ang matinding pag-aalala sa mga mata ng ina, as much as possible ayaw niya sanang sumasama ang loob nito dahil masyado nang malaking pasakit ang ibinigay niya rito magmula noong mabaliw siya sa pagmamahal kay Dylan. Wala itong ibang ginawa simula noon kung hindi intindihin siya at patawarin sa mga pagkakamaling nagagawa nito.Pinakatitigan lamang siya ng kaniyang mommy na para bang nagdalawang-isip itong tanungin siya pero hindi nagtagal ay naging hudyat dito ang ngiti sa mga labi niya para muling magsalita."May sinabi na naman ba ang daddy mo sa'yo, anak? Hindi ka na kasi lumalabas ng kwarto para sabayan kaming kumain. I'm more worried about that than your morning sickness."Mas pinili niyang sabihin dito ang buong katotohanan. "He told me again and again to forget about Dylan and stop working as a fashion guru, Mom. Hindi na siya nag-iisip, hindi na niya naisip ang mga taong nakapalibot sa kaniya, ang mga pangarap ko at pangarap ko para sa magiging anak ko. Sinabi ko sa kaniyang babawi ako pero huwag naman sana sa ganitong paraan."Ngumiti lamang ang ina saka marahang tumango sa kaniyang harapan."Your Dad can be unreasonable sometimes, anak."Hinawakan nito ang kamay niyang nagtangka nang ayusin ang pinagkainan nilang dalawa. Wala naman siyang nagawa kung hindi ayusin ang upo at pakinggan muna ang sasabihin nito."Pero naiintindihan ko kung saan siya nagmumula at naiintindihan ko rin kung bakit gano'n ang naging reaksyon mo."Hindi niya napigilang huwag pangunutan ng noo nang muling maalala ang paulit-ulit na sermon ng ama sa tuwing nagkakasalubong ang landas nilang dalawa."Hindi ko maiwasang huwag ma-stress kapag pinapakinggan ko si Dad, Mom."Napabuntong-hininga ito. "Kaya ba umiiwas ka sa kaniya?"Mabilis siyang tumango. "Para kasi siyang sirang plaka kung ipaalala ang mga pagkakamali ko, Mom. At ang mas malala pa doon, paulit-ulit ko ring naririnig ang mga selfish request niya about my child and my career."Sinubukan niyang ipaintindi ang nararamdaman at alam nitong naintindihan naman iyon ng ina kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha nito."Alam mo ba kung bakit ganiyan na lang kung magsalita ang daddy mo?"Muli siyang tumango. "I know my mistakes, Mom. Pero hindi niya na kailangang ipaalala sa akin nang paulit-ulit."Umiling ito. "No, anak..." pansin niyang humina ng bahagya ang boses nito. "He's being too protective and harsh because he's also guilty.""Guilty?" puno ng pagtataka niyang tanong.Tumango ang ina saka makahulugan siyang tinitigan."Hindi ko maintindihan, Mom."Kung kanina napapakunot ang noo niya habang nagsasalita para bang bigla na lang lumambot ang ekspresyon nito sa kinauupuan. Hindi kasi nito maintindihan kung bakit nasabi iyon ng kaniyang mommy."Sabihin mo sa akin, anak..." anito habang dahan-dahang hinihimas ang kaniyang palad. "Sino bang nakipagkasundo sa mga Ferrer para ipakasal kayong dalawa ni Dylan? Sinong tumulak sa'yo para pumunta ng mansyon at kilalanin ang magiging fiancé mo?"Umigham ito at saglit na napaisip."It was him.""It was Dad," paniniguro nito.Pansin niyang napangiti ang ina."Exactly. Hindi sana magkrukru

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook